10 WAYS TO ANNOY YOUR SISTER

467 27 6
                                    

Walang magawa sa bahay?

May kapatid na babae?

Edi, pagtripan mo sya! Heto ang mga paraan para mabuwiset sayo ang kapatid mo at isumpa ka nya hanggang paglaki nyo.



1. Kalbuhin ang Barbie niya at pagsuotin ng army suit.



2. Kapag nandyan yung crush niya, sikuhin mo sya ng sikuhin. Siguraduhing malakas. Kapag sinabi nyang " Ano ba?!" tumawa ka at isigaw mo ng malakas : "UY!! CRUSH NIYA SI_____ *insert name ng crush niya*



3. Itago ang napkins niya kapag may red tide sya. Pagtinanong nya kung nasan, sabihin mo, " Andun! Nakita ko lumipad. Diba may wings yun?"



4. Asarin mo sya nang asarin at kapag sinabing, "Ewan ko sayo!" sagutin mo nang , "Ano?! Naiwan mo sa akin?"


5. Kapag kumakain siya, nakawin lagi ang ulam niya mula sa plato at kapag sinabihan kang, "Bastos!" sagutin mo nang, "Ano? Magastos?"



6. Kapag nakikinig siya ng paborito niyang kanta at sumasabay rito, pasimpleng patayin ang ilaw at umalulong, "AWOOOOO!!"



7. Baliin ang ngipin ng suklay niya.


8. Kapag fangirl siya, nakawin lahat ng posters niya ng idols niya tapos itapon sa basurahan habang kumakanta ng paboritong kanta ng idol niya. Siguraduhing sintunado.


9. Ubusan siya ng paborito niyang ulam pati kanin.


10. Ubusin ang laman ng pabango niya sa pamamagitan ng pagspray sa mga pader. Kapag nagalit sayo, sabihin mong akala mo Airfreshener.



Proven ko na mga yan. Wanna try?


1,000 WAYS TO BE ANNOYINGWhere stories live. Discover now