Chapter 11

34 19 4
                                    

Chapter 11

Emmy

"Bukas na bukas mag-aabsent ang kaibigan mo."

Hanggang matapos ang klase namin kahapon, hanggang sa pag-uwi namin ni Ramin, hanggang sa pagtulog ko, at pati narin sa panaginip ko. Hindi maalis sa isip ko 'yong sinabi nung lalaki sa music/theatre room.

Mag-aabsent daw ang kaibigan ko. Sa pagkakatanda ko naman ay si Ramin at Anna lang ang kaibigan ko sa school dahil masyado akong friendly.

Natutulalang nagsuot ako ng medyas at sapatos. Nakaharap ako sa repleksiyon ko sa salamin ngunit walang ibang laman ang isip ko at walang ibang makita ang mga mata ko kundi 'yong lalaki sa music room.

Marahas kong iniling ang ulo ko. Sobra na ata akong napag-iisip isip ngayon a? Hindi naman ako dating ganito. Pati sa panaginip ko nanggugulo ang lalaking 'yon. Paano kung nagsasabi siya ng totoo?

Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko. Katapat na katapat nun ay ang bintana ng kwarto ni Ramin. Mukhang papasok naman siya dahil nakataas na ang kurtina niya. Si Anna naman ay katext ko kanina. Naliligo na daw siya.

I let out a heavy sigh. Bakit ba ako nag-aalala sa sinabi nung lalaking 'yon? Eh halata namang papasok ang natatangi kong dalawang kaibigan sa school.

Psh! Kainis naman. Napuyat pa ako dahil lang sa kakaisip. Ang tanga ko talaga. Paano kung pinagttripan lang pala ako nung lalaking 'yon? Baka nga tinatakot lang ako nun para ma-solo na niya 'yong music room e.

"Ang damot! Ayaw lang mag-share nun e." padabog na sabi ko habang inihahagis ang mga libro ko sa loob ng bag ko.

Inis na inis ako at gigil na gigil na sabunutan 'yong mahaba niyang buhok. Bagay naman sa kanya pero ugh! Ginugulo niya lagi ang utak ko simula nung makilala ko siya.

Naku-curious ako sa kanya. Nahihiwagaan ako kung sino siya. Gusto ko siyang makilala. Isa pa siya ang nagligtas sa akin noong may nang-holdap sa akin sa sementeryo. Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa kanya.

"EM!"

Halos mapalundag ako sa sobrang lakas ng boses ng tumawag sa akin. Kasabay pa nun ang malakas na pagkalabog ng pinto. Paano ko nga ba makakalimutan ang boses na 'yon? Ugh!

"RAAAAA-MIN! Usong kumatok!" sigaw ko rin sa kanya na nakangisi pang umupo sa kama ko. Buti nalang nakabihis na ako ng mambulabog 'tong baliw na 'to.

Sabay naman kaming napahinto at nagkatinginan ng sumigaw si Mama sa baba.

"Ang lapit nyo lang sa isa't isa pero nagsisigawan pa kayo!" suway niya sa amin. Nagtawanan lang naman kami ni Ramin dahil doon.

Isang mahabang katahimikan naman ang sunod na namayani sa aming dalawa. Bigla nalang napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Ito nanaman 'yong pakiramdam na parang hindi ako makahinga sa sakit habang nakatingin ako kay Ramin.

Oo nga. Ang lapit namin sa isa't isa. Physically. Pero nitong mga nakaraang araw e parang iwas na kami sa isa't isa. Lagi parin naman kaming magkasama at sabay umuwi pero may mga bagay talaga na nagbabago. Hindi na katulad ng dati.

Kung titingnan ng iba ay parang normal lang, na ganun parin. Pero alam namin sa sarili namin na may nagbago. He looked at me and I could see the sadness in his eyes.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. I looked at him questioningly. At halos hindi ako makagalaw ng bigla niya akong hilahin at yakapin.

"I miss you Em." bulong niya sa akin habang ako naman ay hindi alam kung ano bang irereact ko. "MIss na miss na kita." masiglang sabi niya habang isinasayaw sayaw pa ako.

CHASING DREAMSWhere stories live. Discover now