Chapter 1

79 26 23
                                    

Hi! Hahaha. Sorry kung sabaw. Hay. Sa tagal kong hindi nagsulat kaya parang lumulutang ang utak ko. Sorry talaga. Enjoy reading tho. :) Ramin up in there. Play the song  while you're reading para malakas makafeels. Haha. Please support me through your votes and comments. Thanks ~

--

Chapter 1

Malalim na ang gabi nang may ingay na marinig si Emmy sa bintana ng kanyang kwarto na nagpagising sa kanyang mahimbing na pagtulog. She hurriedly went out of bed ng may namumuong panic sa kanyang dibdib. 'Paano kung may magnanakaw o sino mang masamang loob ang gustong pumasok sa kwarto ko?' ninenerbiyos na isip niya. Muli niyang nilingon ang kanyang bintana. Mula rito ay makikita ang katapat na kwarto ng kapit bahay. Laking gulat niya nang makitang nakabukas ang bintana nito.

'Naku! Napasok na ata ng magnanakaw ang kwarto ni Ramin?! Anong gagawin ko?!' ani ng dalaga sabay kuha sa walis tambo na nasa tabi lamang ng pinto ng kwarto niya. 'Siguro ay ang kwarto ko naman ang gustong pasukin nung magnanakaw. Pwes humanda siya sa akin.' Determinadong sabi niya sa kanyang sarili sa kabila ng patuloy na panginginig ng kanyang tuhod dahil sa matinding takot.

Pinunasan niya ang namumuong pawis sa kanyang noo bago dahan dahang lumapit sa kanyang bintana. Huminga siya ng malalim tsaka inihanda ang kanyang pamalong walis. Ngunit bago paman siya makaatake ay bigla nalang nagpakita ang isang pamilyar na pigura sa may bintana.

Nagsimula nang magtitili si Emmy habang walang humpay niya iwinawasiwas ang kanyang walis.

"Ah! A-aray! A-ano ba! Em, ako to!"

Ngunit mukhang walang naririnig ang dalaga dahil patuloy parin ito sa  paghampas sakanya. "Ayoko pang mamatay! Tatadtarin muna kita ng palo, magnanakaw ka!" nagwawalang sambit ng dalaga habang mariing nakapikit ang mga mata nito.

"Emmy! Ako to! Shh! Wag ka maingay diyaan. Baka marinig tayo nila Tito. Ang ingay mo." suway sakanya ng magnanakaw??

Unti unting iminulat ni Emmy ang kanyang mga mata at hinawakan ang kamay ng magnanakaw na nakatakip sa kanyang bibig. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtantong si Ramin ang nasa harap niya. Pagkatapos ay kumalma narin si Emmy kaya naman binitawan na siya ni Ramin.

Isang malakas na hampas ang inabot ni Ramin mula sa dalaga. "Anong ginagawa mo dito ha?! Akala ko magnanakaw na! Kahit kailan ka talaga!" iritableng sigaw ni Emmy.

"Haha! Ang gwapo ko namang magnanakaw?!" sabi ni Ramin na inirapan lang ni Emmy. "Akala ko ba gusto mong mag star gazing? Tara!" excited na yaya ni Ramin kay Emmy. Nauna siyang tumayo at iniabot ang kamay niya sa kaibigan upang tulungan ito.

"Alam mo ba kung anong oras na?! Gabing gabi na oh!" sumbat pa ni Emmy kay Ramin tsaka tinanggap ang kamay nito.

"Nag-iisip ka ba? Alangan namang mag star gazing ka ng umaga diba? Alam mo minsan talaga Em feeling ko nawawala yang utak mo. Naiwan mo ata sa cabinet niyo?" pabalang na sagot naman ni Ramin dito kaya siya tiningnan ng masama ni Emmy tsaka siya binatukan.

"Peste ka!" reklamo ni Emmy ngunit wala na siyang nagawa ng hilahin siya ni Ramin papalapit sa bintana. "At sa bintana tayo dadaan?!" hindi makapaniwalang sambit ni Emmy.

"Oo naman. Gusto mong nahuli tayo? Strict ang parents ko no. Ano pang isipin ng mga yun." sagot naman ni Ramin.

"Sira ka talaga. Isusumbong talaga kita kay Tito bukas dahil pinakialaman mo nanaman yung mga gamit niya." pananakot naman ni Emmy na mukhang wala ng epekto pa kay Ramin.

"Ako pa ba naman ang hahayaan mong mapagalitan? Love mo kaya ako." natatawang biro ni Ramin habang pababa sila ng hagdan mula sa bintana. Nasa taas niya si Emmy na nagsisimula ng mag blush na nasabayang pa ng magandang liwanag ng buwan.

CHASING DREAMSWhere stories live. Discover now