Chapter 6

64 22 0
                                    

Chapter 6

Emmy

Hindi mo siya pag-aari kaya 'wag mo siyang isama diyan sa boring mong lifestyle!

'Wag kang selfish!

Hindi lang ikaw ang pwede niyang maging kaibigan!

Hindi lang sayo umiikot ang mundo niya!

Hayaan mo naman siyang mag-enjoy ng sarili niya!

Habang naglalakad ako pauwi ng mag-isa ay paulit ulit kong naririnig yung mga sinabi sa akin ni Natalie. Oo aminado akong hindi ko pag-aari si Ramin pero boring ba talaga ang lifestyle ko?

Kung tutuusin parang oo nga ata? Hindi naman kami madalas na pumapasyal ni Ramin. Lagi lang kaming nasa bahay namin o kaya naman sa kanila. Noong bata kami lagi kaming naglalaro sa likod bahay namin.

Paano kung gusto pala talaga ni Ramin na pumasyal at magliwaliw kaso hindi niya lang masabi sa akin? Paano kung nabobored na talaga siya na kasama ako pero ayaw niya lang sabihin?

"Ouch!" napasigaw ako bigla dahil sa biglang tumama sa ulo ko. Ang sakit 'non ha.

"Sorry po Ate." sabi sa akin ng bata sabay kuha sa bola na tumama sa ulo ko.

"Uyy dalian mo!" tawag naman sa kanya ng kalaro niya.

Habol tingin kong pinagmasdan yung bata habang hawak hawak yung bola niya. Nakangiti siya habang tumatakbo papalapit sa mga kalaro niya. And then realization hit me. Malakas at mas masakit pa sa tama ng bola sa ulo ko.

Wala akong alaala ni Ramin na naglalaro ng basketball. Wala akong maalala na nakipaglaro siya sa ibang bata noong elementary pa kami. Nagtiyaga siyang makipaglaro sa akin noon ng bahay-bahayan, lutu-lutuan, at doktor-doktoran.

Siya yung gumagawa ng kunwari'y bahay namin noon sa bakuran. Siya yung umaakyat ng mga puno para kumuha ng mga dahon dahon at mga bulaklak para sa lutu-lutuan namin. Siya rin yung nagpapanggap na may sakit noon at kunwari ako ang doktor.

Buong buhay niya na kasama ako, ako yung nasunod. Ako lagi yung pinagbibigyan niya. Umiyak pa ako noon nung ayaw niyang makipaglaro sa akin ng paper doll.

Ang sakit. Ang sakit sakit kasi pakiramdam ko ninakaw ko lahat sa bestfriend ko. Tama si Natalie. Ang selfish ko nga. Ni hindi ko tinanong si Ramin sa mga bagay na gusto niya. Hindi niya nagawa yung mga bagay na gusto niyang gawin dahil sa akin.

Masyado siyang nakulong sa pagiging bestfriend ko. Napaka-brat ko. Inaaway ko pa noon si Ramin kapag nakikipagkaibigan siya sa iba. Sa takot kong mawalan ng bestfriend kaya siya nagkaganon. Kahit na ako yung may kasalanan siya parin yung unang nagsosorry.

Siguro narealize niya na lahat. Na isa akong walang kwentang bestfriend. Napakaselfish ko. Hindi ko man lang iniisip yung kasiyahan niya, yung mga bagay na gusto niyang gawin. Napakasama kong kaibigan. Wala akong kwenta.

Nahinto ako sa pag-iisip ko ng biglang may batang babae na umiyak. Hindi ko man lang namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa park. Hindi naman kasi ako pwedeng umuwi ng umiiyak dahil baka mag-alala si Mama.

Naupo ako at pinanood yung batang babae na umiiyak. Nakapink siya at naka-pig tails ang buhok niya. Napangiti ako sa kabila ng mga luha ko. Parang naalala ko kasi yung itsura ko noon sa kanya.

"Shh. Huwag kana umiyak. Ayoko talaga makipaglaro sayo ng manika kasi sasabihin nung mga kalaro ko bakla ako." pagpapatahan sa kanya ng isang batang lalaki na mukhang mas matanda sa kanya ng ilang taon.

CHASING DREAMSWhere stories live. Discover now