Chapter 2

66 27 16
                                    

See Emmy up in there :) Enjoy reading. Please do vote and comment.

___

Chapter 2

Emmy

Maaga kaming gumising ni Ramin kahit na sobrang hirap nun gawin dahil napuyat talaga kaming dalawa sa star gazing namin. Oo, mga baliw talaga kami paminsan minsan.

"Emmy?! Bilisan mo diyan dahil nandito na si Ramin hinihintay ka."tawag sa akin ni Mama mula sa baba. Nasa sencond floor kasi ang kwarto ko.

Natatarantang isinuot ko ang medyas ko at sapatos ng marinig ko si Ramin na nagsalita, "Okay lang po Tita. Handa akong maghintay kahit gaano katagal."sabi niya tsaka sila nagtawanan ni Mama. Napairap nalang ako kahit na hindi naman nila nakikitang dalawa. Magka-vibes kasi sila na minsan e mas kinakampihan niya pa si Ramin kaysa sa akin. Ewan ko ba bakit lahat ata ay nagagayuma ng mokong na iyon.

Napatingin ako sa relo ko at muntik na akong mapatalon ng makitang 7:00am na. Kung minamalas ka nga naman! Halos mapatili ako sa sobrang pagkataranta. 7:30am ang unang subject namin ni Ramin. Nakakainis naman. Kasalanan niya to! Kung hindi lang sana niya ako ginising kagabi para dun sa star gazing kuno niya. Masasapak ko talaga ang isang iyon pagbaba ko.

Dali dali akong bumaba ng hagdan dala dala ang mga gamit ko. Naka-civilian pa kami ngayon dahil first day palang naman ng pasok at wala pa kaming uniform. Pero hindi ko talaga pinangarap na ma-late sa unang araw ng klase. Paano nalang kung masungit pala yung teacher namin at pag-initan niya ako? The thought even make me shiver, ngunit katakatakang relax lang si Ramin ng makita ko sila ni Mama sa may kusina. And take note, kinakain niya yung pagkain ko. Katakawan nga naman.

"Ano pang ginagawa mo diyan?! Ma-le-late na tayo! 7:15am na! Wala ka bang relo diyan?!"pero imbis na pakinggan ako e bigla pa kong tinawanan na ikinakunot ng noo ko. Pati ang nanay ko e tinatawanan ako.

"Bakit niyo ako tinatawanan?!"halos lumabas na lahat ng ugat ko sa leeg dahil sa inis ko. Ayoko talagang pinagtatawanan ako, i mean, sino bang gustong mapagtawanan diba? Lalo na kung magsasama silang dalawa. Kumukulo talaga ang dugo ko. Lunes na lunes at ang aga aga kong nahighblood sakanila.

"Haha! Sorry Em! Wag ka ng magalit. Hahaha."sabi ni Ramin na pigil na pigil pa ang tawa niya pero bigo naman siya. Gustong gusto talaga nila akong pinagtatawanan.

Dirediretso akong pumunta sa pintuan at walang lingong lumabas ng bahay. Hindi ko na pinansin ang pagtawag saakin ni Mama para mag-breakfast. Nawalan narin naman ako ng gana e. Dinig na dinig ko ang pagkabog ng bawat hakbang ko dahil sa sobrang inis ko.

"A-ah. Tita una na po ako. Puntahan ko lang si Em."dinig kong paalam niya kay Mama tsaka ko narinig ang papalapit niyang hakbang saakin.

"Em."tawag niya saakin, prolonging the letter 'm'on my name.

"Uyy. Em."

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Em naman. Sorry na. Inadvance ko talaga yung relo sa kwarto mo."then he let out a sigh, "mga one hour lang naman. One hour advance?"alanganin niyang paliwanag. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong napapakamot na siya sa ulo niya.

Wala siyang kaide-ideya kung gaano ako kainis na gusto ko na talagang sabunutan siya at ingudngud yung maganda niyang mukha sa semento. Ganun ako kabadtrip. Sabayan pa ng sobrang sakit ng ulo ko dahil malinaw pa sa sinag ng araw na talagang puyat ako.

"Emmy!"sigaw niya tsaka ko naramdaman na hinawakan niya ako sa balikat at hinarap ako sakanya.

"Shit naman Em!"sabi niya ng may magkahalong taranta at pag-aalala sa mga mata. Bigla nalang niya akong niyakap sabay paulit ulit na sinasabi ang salitang 'Sorry'habang patuloy niyang hinahagod ang likod ko. "Sorry na. Wag ka ng umiyak. Hindi na ko uulit."

CHASING DREAMSWhere stories live. Discover now