Chapter 11

54 0 0
                                    

Eureen PoV

Okay..? Hindi ako makatulog... bakit ko naman yun gagawin?! Asa sya! Friends na kami nung tao tapos hihilingin nya yun! Leleng nya!

Lumayo raw ako kay Troy...
As if... duh!
Friends kami nung tao atsaka ano bang pake nya?!
Arrg! Nakakainis talaga ang Mr. fireball na yun!

***
Namalagi lang ako sa hotel for almost two days...

Hay... bukas na pala ang first day of class... wala paring Elemental power na lumalabas sakin...

"Eureen..?! Eureen!!!"-Troy.

Lalapit na sana ako ng maalala ko ang sinabi sa akin Cleon.

*flashback*

"Stay away from Troy..."

"Huh?!"-ako.

"Stay away from him... its for your safety anyway..."

Tapos umalis na sya...
Naiwan akong nakatanga...

*flashback ends*

Napaatras nalang ako at unti unting humakbang paalis.

Nang medyo nakakalayo na ako...
Huminto na ako sa paglalakad.

"Iniiwasan mo ba ako..?"

"Ay jusko! T-Troy?! Ah...eh... ano... kasi..."-ako.

Bigla nalang syang lumitaw sa harap ko...
Nakalimutan kong makapangyarihan pala ang lahat ng tao rito...

"Iniiwasan mo ko... its a statement not a question."-Troy.

"Troy..."-ako.

"Naiintindihan ko naman... talagang... ganito na ang buhay ko noon pa man... pero... akala ko exception ka... "-Troy.

"Hindi naman sa ganun Troy... kasi...kasi... si Cleon..."-ako.

"Si Cleon..?"

"Ah... wala..."-ako.

"Anong sinabi ni Cleon..?!"

Niyuyugyog nya na ako...

"T-Troy.. ano ba?! Ma-masakit... Troy..."-ako.

Binitawan nya ako at mabilis na naglakad paalis.
Sinundan ko sya. Papunta na kami ng palasyo.

Ayts! Ano bang nagawa ko?!

Sinalubong kami ng mga kawal ngunit hindi man lang sila pinansin ni Troy.

Troy... kumalma ka naman! Lumalakas narin ang hangin...

Ito ata ang kapangyarihan ni Troy...
Galit na ata talaga sya...

"Nasaan si Cleon?"-Troy.

"Nasa hardin ho kamahalan, kasama ang iba pang elemental royalties..."

Naglakad kami ulit at napunta kami sa isang malawak na hardin. Sa hardin na napuntahan ko narin noon.

"Troy!!! Teka... Ikaw yung..."-Waven.

"Eureen! Kumusta!"-Innigo.

Lumapit sya sa akin at inakbayan ako.

"Wag kang magsaya... galit si Troy."

Bulong ko kay Innigo.

"Bakit? Bakit mo to laging ginagawa sakin?!"-Troy.

Nagulat kami ng sumigaw na lang bigla si Troy sa harapan ni Cleon.

"Easy pare... ano bang nangyayari?"-Cleob.

"Pigilan nyo si Troy... galit sya... "-???.

Sabi nung magandang babae na nasa gilid at nagbabasa. Ngayon ko lang sya nakita.

"Anong ibig mong sabihin, Zafrina?"-Innigo.

"That girl... is at fault."-zafrina.

Sabay turo nya....





Sa akin..?!

Bakit ako?!

"Huh?!"-ako.

"May sinabi ka sa kanya na... nagtrigger ng galit nya... Ms. Eureen..... Eureen..? Ano?"-Zafrina.

Napatingin sya sa akin na may pagtataka at gulat.

Mindreader ba sya...?
Patay! Paanong...?

Alam nya na siguro ang buong pagkatao ko...

"Zaf... may problema ba? Anong nangyari?"-Skylar.

"W-wala... may naisip lang ako... nawala ang concentration ko... pero... bakit... bakit hindi ko... magamit ang... kapangyarihan ko sa kanya...?"-zafrina.

Napatingin silang lahat sa akin maliban sa dalawang lalaking nagtititigan lang...

"Sino ka ba talaga?"-Zafrina.

"Ah.... ano bang sinasa...."-ako.

Napatingin kami bigla kina Cleon at Troy dahil nagsusuntukan na sila...

"Pigilan nyo sila!"-ako.

Nataranta naman silang lahat...
Grabe... hinawakan ni Innigo at Skylar si Cleon ganun din naman sina Waven at Cleob kay Troy.

Nanatili naman sa tabi ko si Zafrina na hanggang ngayon ay nakatingin parin sakin.

Hinawakan nya ako sa pulso...
At...


Nahimatay nalang sya bigla...
Hindi ko alam ang gagawin ko...

Busy sila sa pagpigil sa dalawa...

"What the hell? Anong gagawin ko sayo Zafrina?"-ako.

Natigil ang lahat sa pag dating ng isang napakaeleganteng babae...

"Anong nagaganap rito...?"

Ang reyna...

                               To be continue...

The Wizard TaleWhere stories live. Discover now