Chapter 8

48 0 0
                                    


Eureen PoV

Nasa bundok ako at nag-iisa.

Nagsasanay ako ngayon...
Nagbabakasakaling sa paraang to, lumabas ang elemental power na meron ako...kuno...

Hay...
Nakakalimutan ko na atang meron din akong school sa mundo namin... may bestfriend ako at may nanay na naiwan doon.

Nasaan na kaya si Third?
Bakit nya ako iniwan dito? Sana naman sinabi nya kung paano makalabas sa mundong ito. Namimiss ko na si mama. Pati narin si Nikki...

Nags-space out ako kaya naman nasugatan ako ng dagger na ginagamit ko sa pag-eensayo.

"Ayts... anong kamalasan ba ang nagyayari sakin...? Ma? Namimiss na kita... naririnig mo ba ako? Gusto ko ng bumalik... ma...? Sana nakikita mo ako ngayon ma... siguradong hindi ka papayag na humawak ako ng ganito katalim na bagay... ma... gusto ko ng umuwi.."-ako.

Doon na tumulo ang luha ko.
Bigla akong Napaupo sa damuhan...

"Bakit ka umiiyak..?"

"H-huh.....?"-ako.

"Sabi ko wag ka ng umiyak... para kang baby..."

"Hindi mo pa kasi naranasan ang nararanasan ko ngayon... palagi kalang kasama ng pamilya mo..."-ako.

"Who said that...? They're always busy... madalas pang wala... so how can you say na hindi ko pa naranasan ang nararanasan mo ngayon..?"

"Troy..."-ako.

"Isa akong prinsipe pero, mas gusto kong normal na lang sana kame..."

"Ha?"-ako.

"Normal people can do what they wanted... and i want to be one of them... malaya, masaya..."

"Normal lang din ako... at napakasaya ng naging buhay ko."-ako

Napatingin sya sakin...
Nakaupo na kami sa damuhan, sa gilid ng bundok kasi ako nag-ensayo.

Hindi ko sya tiningnan at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Masaya kong nagagawa ang lahat ng gusto ko. Marami akong kaibigan, tropa. Masaya kaming nagbobonding at nagshoshopping ni mama... pero... noon yun..."-ako.

Tumingin ako sa kanya ng nakangiti.
A weak smile.

"Wala na... hindi na yun mangyayare... hanggat nandito ako... "-ako.

"What do you mean..?"

"Wala... kunwari wala akong sinabe... i feel you Troy kaya naman bibigyan kita ng matinding hug!"-ako

At niyakap ko sya...
Mukhang nagulat sya pero gumanti rin sya ng yakap.

"Wag kang malungkot Troy, magiging masaya karin balang araw."-ako.

"Ikaw rin, balang araw, makakasama mo na ang mama mo, at kung dumating man ang araw na maging masaya na ako... hahanapin kita at pasasalamatan..."

Long silence.

Magkayakap parin kaming dalawa...

Napahiwalay kami sa isat isa ng may biglang nagsalita.

"Hinahanap ka na ng kamahalan..."

Napatingin sya sa gawi ko at tumingin din ulit kay Troy.

"aalis na ako,  Eureen... sana mangyari ang mga sinabi natin... "

"Sana nga. See you next time."-ako.

"Yeah... see you next time..."-Troy.

"Bilisan na natin.."-Cleon.

Sinamaan ko ng tingin si Cleon tapos tumingin ako ulit ng nakangiti kay Troy.

***

Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina... mabait pala si Troy.
Magkapareho din sila ng mata ni mama... napakagaan ng loob ko sa kanya...

"Hoy! Tulala ka na naman... ano bang iniisip mo...?"-Misty.

"Ah... yung tungkol lang sa training ko... ang hirap pala..."-ako.

"Mahirap talaga. Lalo na kapag hindi mo pa nagagamit ang elemental power mo."-Misty.

"Pero Misty, paano kung,,, wala naman talaga..?"-ako.

"Paaalisin ka dito sa light kingdom..."-Misty.

"Talaga?! Makakabalik na ako sa mundo namin?"-ako.

"Sa Dark Cave ng Dark woods ka ipapatapon, at hindi ka na makakalabas.... habangbuhay."-Misty.

"Weh?! Hala! Misty! Ayoko! Tulungan mo ako...!"-ako.

"Pero alam kong imposibleng mangyari yun dahil sigurado akong elemental power user karin... "-Misty.

Sana nga...
Dahil ayoko sa cave nayun!
Pangalan pa lang nakakakilabot na...

                                  To be continue...

The Wizard TaleWhere stories live. Discover now