Chapter 9

52 0 0
                                    

Eureen PoV

Apat na araw na ang nakalipas simula nung magsanay ako.

There's an improvement.
Pero wala paring paramdam ang elemental power na meron ako.... na sabi ni Misty.

Napabuga ako ng malakas at binitawan ang panang hawak ko...

Magaling na ako sa paghawak at paggamit ng dagger. Nasasanay narin ako sa pagamit ng espada. At marunong na akong gumamit ng pana.

Pero wala paring kapangyarihang lumalabas sakin.

Sumandal ako sa punong sinisilungan ko.

Umihip ang malakas na hangin.

Yan. I need fresh air.

Pumikit ako at dinama ang preskong hangin. Bigla na lang akong may naamoy. Mabango. Amoy lalaki. nang idilat ko ang mga mata ko.

"Pwesto ko to."

"Wala kang pangalan dito..."-ako

"Matagal ko ng pag-aari ang lugar na ito, kaya umalis ka sa pwesto ko."

Ang kalmado nya ata ngayon?

At dahil doon, tumayo na ako.
Nang umupo sya ay umupo rin ako.

"What the hell?"

"Alam mo, malaki naman ang pwestong ito, alam kong talo na ako. Pero pwede ka naman sigurong magshare diba..?"-ako.

Nakatingin lang sya sakin then sumandal na lang sya sa puno at pumikit.

Yan! Madali ka naman palang kausap.

"Nung araw na yon, bakit kayo magkayakap..?"

"Huh..? Ah...ni Troy ba? Hmm, lets just say na... nagdadamayan kami..."-ako.

Nagmulat sya at tumingin sa akin.

Tumingin ako sa langit at ngumiti.

"Pareho pala kami ng problema... ikaw Cleon, bukod dyan sa pagiging gwapo mo, ano pa bang pinoproblema mo?"-ako.

"Maliban sayo marami..."

"Marami ka rin palang problema. Oo nga naman Eureen. Tinitingnan pa lang kasi kita problema agad nakikita ko."-ako.

Tumingin ako sa kanya pero...
Sinamaan nya ako ng tingin.

"Peace...hehe... pero seryoso... malaki din ang problema ko..."-ako.

Pumikit ako at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

***

Nagising ako sa mainit na temperaturang nadarama ko.

Teka... nasaan na ba ako?

Hindi naman ito ang hotel room ko ah...

Nakatulog pala ako kanina...
Sa pagod siguro...

Pero sinong nagdala sa akin dito?



Oh gosh! Si Cleon nga pala.
Teka...
Bakit ba ang init dito?




'Eureen'




Sino yun?!

Biglang may lumitaw na isang matandang lalaki sa harap ko...

Si satanas ba to o si kamatayan?
Pero di pa naman ako patay ah?
Hala! Baka pinatay na ako ni Cleon!!!

"Halika... sumama ka sa akin... sa mundo ko... malalaman mo kung sino ka talaga."

Ano namang sinasabi nito..?!

"Anong sinasabi mo jan?! Layuan mo ako! Alis!"-ako.

"Bwahaha!"







"Hey! Wake up!"

Nagmulat ako ng mata...
Okay panaginip lang pala.

"You look pale... "

"Wala to, pagod lang ako. Sige... alis na ako... salamat pala sa pagshare mo sakin ng lugar mo..."-ako.

"Tss..."



He's blushing.
Mabola nga ito...

"Ang gwapo mo sa panaginip ko, pero mas gwapo ka pala pag kaharap na kita."-ako.

Tapos tumakbo na ako...

Awtshoo! Kinikilig na siguro yun ngayon.

Habang tumatakbo, may nabunggo ako.

"Sorry!"-ako.

"Do you think your sorry is enough?!"-???.

"Eh ano ba gusto mo..? Lumuhod ako? Aba! Edi mala drama na pala ito!"-ako.

Umalingawngaw sa buong lugar ang pagsampal nya sa akin.

Ouch... ansakit ah...

"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang fiance ng mahal na prinsipe...! In other words magiging prinsesa na ako!"

Aba matinde!

"Magiging prinsesa ka pa lang naman, dont act like you already  have that position..."-ako.

Para syang nagblush on sa pula ng mukha nya...
Haha!

"Who are you?"

Tanong nya.
as if sasagutin ko sya...

"Tell me!!!"

Tapos niyugyog nya ako...
Muntik na akong ma out of balance!
Peste tong gurl na to!



"What are you doing?!"

Napatingin kami sa nagsalita...

                                  To be continue...

The Wizard TaleWhere stories live. Discover now