AA1 - Knight in Shining Uniform

60 10 0
                                    

AA1 - Knight in Shining Uniform

Andito kami ni Via sa canteen,break time.

Magulo at maingay ang mga estudyante pero nagawa pa din naming makahanap ng mauupuan.Malaki ang school namin,kilalang private school kasi ito sa Rizal.

"Hoy,baka naman mabali na ang leeg mo dyan?Sino ba kasing hinahanap mo?" Mataray na tanong ng pinsan ko.Ewan ko ba,magka-edad lang naman kami pero kung umasta sya minsan ay para syang matandang dalaga.

"Sino pa ba naman ang hahanapin ko?" Nakangiting nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Alam mo namang there's only one person I'd look for,even in a crowded place".

Inirapan lang ako ni Via at itinuon na ulit ang atensyon nya sa black na notebook nya.Paminsan ay kukuha sya ng fries na syang order nya ngayon,tapos ay magsusulat na ulit sya sa kanyang notebook.Kung ano ang isinusulat nya,hindi ko din alam.

Sinimulan ko nalang din ang pagkain ko.Wala siguro sa canteen si Gelo ngayon.

Nang matapos na kami kumain ay agad na akong lumabas ng canteen.Iniwan ko na si Via dahil busy pa din sya sa notebook nya.

I'm gonna look for my baby loves,Gelo!

Ganoon dapat diba?Kung hindi mo makita ay dapat hanapin mo.Hindi sa lahat ng oras ay palay ang lumalapit sa manok!

Sa paghahanap ko kay Gelo ay napadpad ako sa dulong building ng school.Wala na masyadong estudyante ang nagpupunta dito,eto kasi ang pinakalumang building ng school kaya di na ginagamit.

Kung bakit ako nagpunta dito ay dahil nakita kong dito nakatambay si Gelo nung minsang hinanap ko din sya.

Umakyat ako sa taas,sa second floor kung saan malamang ay nandun si Gelo.

"Hi Ara" Saad ng isang lalaking nakatambay sa corridor ng second floor.

Nagulat ako sa existence nya at sa face nyang Chaka kaya bahagya akong napaatras at napakahawak sa dibdib ko.

"Wag ka ngang nang-gugulat!" Singhal ko sa kanya.

Rinig ko naman ang pagtawa ng tatlo nya pang kasama.

"Why are you shocked?Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?" Nangingising saad nya.

Gwapo daw?Gwapo his face!

E mukha nga syang ipis na naging tao eh!

"Gwapo? Hahaha! Nagpapatawa ka ba?" I rolled my eyes. "Kung may gwapo man sa school na ito,ay si Gelo yon!Ang chaka mo!"

I saw his face turned red,nag-igting din ang bagang nya na para bang napikon sya sa sinabi ko.

Tumalikod na ako dahil mukha namang wala dito ang hinahanap ko pero bago pa man ako makahakbang ay mabilis na nahawakan na nung lalaki ang braso ko.

"Bitawan mo nga ako!Baka may germs pa yang kamay mo!" Ipinksi ko ang braso ko pero hindi ko nagawang makawala sa hawak nya.

Ngingiti-ngiti ang tatlo nyang kasama nang palibutan nila ako.Humithit pa iyong isa sa sigarilyong hawak nya.

"Bakit ba ang arte mo,ha?" Hinawakan nya ako sa baba pero iniwas ko ang ulo ko. "At bakit ba patay na patay ka sa Gelo na yun?E duwag naman yun eh!" Saad nya kasabay ng mga tawanan nila ng mga kasama nyang pangit din.

Para silang mga goons sa pelikula.At infairness ha,amoy kulob na leather jacket din ang mga amoy nila.

"F*ck off!" Sigaw ko. "Hindi duwag si Gelo!"

"Weak yang Gelo mo!Kunyari pa syang tahimik pero ang totoo,nagf-feeling maangas lang sya!"

"Hoy lalaking ipis na amoy lupa!Kung may duwag man at feeling maangas,ikaw yun!At di ka lang feeling maangas,feeling pogi ka pa!" Humalukipkip ako. "Apat laban sa isang babae?Anong klaseng kabaklaan yan?!"

Itinikom nya ang kamao nya na para bang any time ay sasapakin na nya ako.Kinakabahan na ako pero hindi ako nagpapahalata.

Lord!Tulungan mo ko,baka kainin ako ng ipis man and friends na mga to!

Humakbang sya papalapit sakin,umatras ako pero napasandal lang ako sa isa sa friends ni ipis man na nasa likod ko.

"Bakit ka umaatras?Natatakot ka ba?" Ngumisi sya.Ngumiwi ako.Ang baho ng hininga nya!

"Bakit naman ako matatakot sa mukhang ipis,feelingero,amoy lupa,at chakang tulad mo?!"

"Aba't --"

Itinaas nya ang kamay nya at umambang susuntukin ako,napapikit ako sa takot pero bago pa man may tumamang kamao sakin ay nakarinig ako ng pagbalabag.

Idinilat ko ang mata ko at nakitang nakahandusay sa sahig ang isa sa friends ni ipis man.

Bago pa man ako makagalaw at makabawi sa gulat ay agad na ding napatumba ang dalawa pa.

"G-Gelo..."

Napatunganga ako kay Gelo habang pinapanuod syang suntukin si ipis man.

"Ayan!Sige!Suntukin mo pa!" Pag-cheer ko pa sa knight in shining armor ko.

Ilang suntok at tadyak pa ang pinakawalan nya hanggang sa humandusay na din si ipis man sa sahig.

"Don't.Dare.Touch.Her.Again" Madiin na saad ni Gelo sa pagitan ng hingal nya.

Tumayo sila ipis man and friends pero imbis na lumaban pa ay nagtatakbo na sila palayo.

"Haha!Duwag pala kayo eh!Duwag!" Saad ko at nagbelat pa sa kanila.

"Stop trash talking" Napalingon ako sa gilid ko,si Gelo.

Lumakad sya papunta sa isang bukas na bakanteng room at sinundan ko naman sya ng pumasok sya dito.

Lumapit sya sa isang teacher's table na nasa room.Nakatayo ako ilang hakbang mula sa likod nya.

"Andito ka lang pala" Saad nya.

Ano daw?

Andito ka lang pala?

Ibig sabihin ba ay hinahanap din nya ako?

Oh my lord!

"B-bakit? Hi-hinahanap mo ba ako?" Sht!Why am I stuttering?

Si Gelo lang naman ito.

Well..No,it's fcking Gelo Montevello for Pete's sake!

He turned around to face me.Blanko ang ekspresyon na tinignan nya ako.Itinaas nya ang isang kilay nya.

Ang gwapo.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" Napangiti ako.Fck.Gelo is also looking for me.Sabi na nga ba at type din ako neto eh!

"Hindi naman kita hinahanap"

Boom!

"Ano nga ulit yun?" Baka naman nabibingi lang ako.O baka naman in denial lang sya?

"Ang sabi ko,hindi kita hinahanap" Plain nyang inulit ang sinabi nya.

"E diba sabi mo..sabi mo,andito ka lang pala?"

"Hindi naman ikaw ang sinasabihan ko nun eh..." Lumakad sya papalapit sakin.Dalawang inches nalang ang layo namin sa isa't isa at nanunuot hanggang sa mga buto ko ang napaka-manly na pabango nya. "Eto.."

He lift his hand na may hawak na cellphone. "I'm looking for my cellphone...not for you Ara"

Aray ko po!

"E pero niligtas mo ko,diba?" I insisted.Nagpapalusot lang tong si Gelo eh.

"Yeah.Because it's the right thing to do" Nilagpasan nya ako at tumungo na sa pinto. "Don't go here again.It's not safe here"

Ilang segundo din akong natigilan bago ako natauhan na habulin sya.

"Gelo!" Sigaw ko pero patuloy pa din sya sa paglakad sa corridor. "Thanks for...for saving me!"

Hindi sya lumingon nor tumigil.He just waved his hands as if saying "you're welcome".

Nanatili pa akong nakatayo doon habang pinapanuod syang lumakad.

My knight in shining armor...No,my knight in shining uniform.

Ara Assumera (JulNiel)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt