"Nay... 2 araw lang akong nawala... Ang OA po" basag ko sa kanya.

Pakamot kamot ito ng ulo

"E paano, hindi ako sanay na hindi na nauwi dito sa bahay..."

"E bakit noong nasa PMA ako, halos 4 na beses nga lang ako sa isang taon umuuwi e"

"E ibang usapan naman yun saka kagustuhan mo yun... Hindi akin"

"Asus, tong nanay kong magandang sexy talaga, naglalambing nanaman..." Sabay yakap ko sa nanay ko

"Tapos ngayon san ka nanaman nito pupunta? Mag iingat ka don anak ha, saka lalo na jan sa mission mission mo na yan... Hay ewan ko ba bat yan talaga ang gusto nyong trabaho e..."

"Sa Batangas po. Saka Nay, wag kayong mag alala... Kaya ko po ang sarili ko saka masaya po akong maglingkod sa bayan... Ang hiling ko lang e lagi nyo po akong ipagdasal... Saka andyan ang Ama, alam kong hindi nya ako pababayaan..." Nakangiti kong sagot dito saka ko sya hinalikan sa noo

Pagkatapos ay bumalik ako sa pagliligpit ng damit at iba ko pang dadalhin. Bigla kong naalala si Rhian. Paglingon ko kay Nanay ay palabas na ito.

"Nay..." Tawag ko dito

"Bakit anak, may kailangan ka pa ba?"

Umupo ako sa kama ko saka ko sya senenyasan na umupo din sya sa tabi ko.

"May problema ka ba?"

"May bumabagabag po kasi sakin nitong mga nakaraan mga araw."

"Ano iyon? Sabihin mo sa nanay, baka sakaling makatulong ako sayo..."

Saglit akong tumahimik pagkatapos ay humugot ng malalim na hininga...

"There's someone I meet few weeks ago, nung una, ordinaryong tao lang sya para sakin pero nung nagkita kami ulit at nagkasama, biglang umiba ang nararamdaman ko... Pinilit kong iwasan at baliwalain pero habang nakakasama ko sya, mas hindi ko napipigilan ang nararamdaman ko... Or maybe sobra ko lang syang hinahangaan."

"Hmmmm, mukhang may mapalad nang nakabihag ng puso mo pagkatapos ng mahabang panahon nak ah" nakangiting sambit nito

Napataas ako ng kilay...

"Bihag agad nay? Di ba pwedeng admire muna? Saka malabong mangyari yung iniisip nyo"

"Anak, papunta ka pa lang,.. Pabalik nako...at alam ko yang kahulugan ng mga kislap na yan sa mga mata mo... Saka bakit naman malabo? Sa ganda mong yan... Mabait... Masipag sa trabaho... Ano pa ba ang hahanapin ng lalaki sayo?"

"Yun na nga po ang problema nay e. Hindi sya lalaki."

"Ano?!" Gulat na gulat si nanay sa sinabi ko

"Babae po ang tinutukoy ko nay. Pero hindi po ako tomboy kung yan ang iniisip nyo. Its just that, weird things happen na kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko... Pero baka nga po humanga lang ako sa kanya."

Hinawakan ako ni nanay sa magkabilang pisngi...

"Nakakagulat anak pero ika nga nila, ang pag ibig ay mahiwaga... Walang pinipiling tao, walang pinipiling kasarian. Kaya as long as masaya ka at napapasaya ka niya... Wala akong tutol jan..." Sabi nito na tila siguradong sigurado na sa nararamdaman ko

"Nay, di ko naman po sinabing mahal ko na sya e" depensa ko

"Aba, kahit hindi mo man sabihin anak, nakikita ko sa mga mata mo ang tunay mong nararamdaman... Pero ang masasabi ko lang, kilalanin mo muna ang nararamdaman mo, at kung sakali na totoo ngang mahal mo na sya, wag kang mag alala... Di kami tututol jan"

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon