CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs

Start from the beginning
                                    

Hope you understand. Natapos na yung buong libro hindi ko pa naubos yung sa listahan ko. Pasensya po. :(

Ayokong magdemand na magvote kayo, o magfan kayo sakin. Or I have this private chapter and only those na fan ko ang makakabasa non, kasi ayoko po talaga ng ganun. Pero na-goyo ako ng isang kaibigan. Ngayon lang. Lakas kasi maka-goyo eh. Sabi niya, magdemand daw ako ng 500 votes sa Survey Chapter na ‘to kung gusto ng mga MA readers na magkaroon ng book 2.

Sabi ko sa sarili ko nung una, ‘Ayoko talaga!’ Kasi unang-una, parang bribery. Pangalawa, masyadong madami ang 500 votes. Pangatlo, paano pag na-meet ang 500 votes, ibig sabihin magkakaroon ng book 2, then, mapapanindigan ko ba yun ngayon? Edi pressured din ako na mas pagandahin ang kwento kasi mag-eexpect ang mga yan. Di ba nga magpo-focus muna ako sa exam?

That’s the time na nagfollow-up si lakas-maka-goyo-friend. Sabi niya, “Exactly the point. Madami ang humihingi ng book 2. Kung babasahin ang Finale Chapter ng MA, hindi na halos nagbo-vote ang iba, book 2 agad ang comment. You already have 1K plus fans/followers in span of months, if they really wanted to have a book 2, 500 votes lang ang hinihingi mo, bakit hindi nila ibigay sayo? You made your effort too much in making a very good story tapos hindi sila gagawa ng effort para suportahan ka? 500 votes lang Diwata. Kumpara sa ilang buwan mong pagpupuyat para mapaganda ang istoryang yan. Diyan mo rin masusubok ang fans ng Louie-Mason, Louie-Aidan and so on."

That hit me hard. Chaka. Sabi ko, onga noh? Masyado akong nagfocus sa 500, I should’ve look at the whole picture. Magsisilbi ding drive sakin at sa readers. Two-way process, win-win situation. Tsaka, masyadong matagal ang 500 votes, madami pa naman akong magagawa non. Aabot nga siguro ng months, taon or worst, hindi na umabot ng 500 votes hahaha. Kaya yehey, wala na tayong book 2! Focus tayo kay Hiro kung ganun. Hahaha.

Kaya kakapalan ko na po ang mukha ko. For the first time: 500 votes sa survey chapter na ‘to, for MISS ASTIG – Book 2 (:

FAQs (Frequently Asked Questions)

1. Bakit po Miss Astig ang title ng kwento?

Read further ka muna, masasagot din yan mamaya (:

2. May book 2 po ba?

Nabasa mo na sa taas ang sagot di ba? (:

3. Naiinis po ba kayo sa mga demanding readers?

Depende. May readers kasi na pupurihin ka muna ng wagas tsaka magde-demand, eh lumambot na puso mo non, pano ka pa maiinis? Hahaha.

Yung reader na magcomment eto, 'UD!!!!', 'Nandun na eh! Mag-UD ka nga!', 'Nakakainis ka Diwata! Mag-UD ka pa!'

 

Dito ako naiinis. Hindi mo na nga sila naramdaman sa mga unang chapter ng story tapos biglang susulpot sa last chapter at WAGAS MAKA-DEMAND. Binabayaran mo ko te? Magkano? Hahahaha.

 

Paano kung naging demanding writer din ako, tapos ito sasabihin ko:

 

Miss AstigWhere stories live. Discover now