Forty Seven

43.9K 787 114
                                    

_____________________________________________________



Nanalo ang Team namin sa intramurals sa pangunguna ni Charlie.



Dapat lang di ba?



Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang nandoon ako palagi sa meeting. Isang rason na siguro yung mas mabilis matapos at mas mabilis kontrolin ang pagpupulong kapag nandoon ako. Ramdam kong medyo takot ang mga estudyante sa presensya ko kumpara kay Charlie na madadala nila sa pagbibiro. Hindi naman kasi ako katulad ni bespren na palakaibigan talaga. Ga-graduate na lang siguro kami at lahat, mabibilang lang talaga sa daliri ang mga taong kilala ko sa mukha at pangalan.



Yung nangyayari tuloy during meeting, kung ano ang gusto ko, iyon din naman ang nasusunod. Katulad ng pagtanghal kung sino ang magiging muse at escort.



Alam niyo namang ayaw kong sumali sa mga ganyan di ba?



Si Charlie ang Prinsipe ng Dugong Bughaw at si Prinsesa Jan-Jan naman ang partner nito. Hahahaha. Actually, member ko sa ASAC ang lalaki. Nasa Junior level ito. To remisnisce what happened that day ay napadaan lang talaga siya sa classroom ng araw na yun habang nagme-meeting kami. Wala din kasi akong makitang babagay na partner ni Charlie kaya nang makita ko siya, sabi ko, by hook or by crook dapat siya na talaga ang partner ni bespren. Nakikita ko kasi si Chang sa kanya, na by that time, ay hindi pwedeng sumali sa ganoong events dahil sila ang facilitator.



Hindi naman ako nagkamali. Napamura pa nga ako noon sa sobrang gulat ko ng ayusan silang dalawa: Si Jan-Jan na naka-skirt, at si Charlie na naka-Tux.



Masaya naman ang mga nakalipas na buwan at so far ay nakaka-adjust na ako sa tambak na pressure na kaakibat ng pagiging officer at honor student. The price that you have to pay kung gusto mo talagang panindigan ang pagiging achiever.



Buwan ng Agusto din nang magtext blast si Charlie tungkol sa plano nitong pagbati sa kaarawan ng kapatid na si Mason. Ngayon ko lang din nalaman na August pala ang birthday ni Mase. Napa-internet tuloy ako pagkatapos naming magtext upang hanapin kung compatible nga ang Virgo at Tau- de joke lang. Wala akong panahon sa mga yan. Promise. Hahaha.



Ehem. Yun nga. May pinakalat siyang illustration board na may malaking picture ni Mason na kailangan daw naming pirmahan. At muntik ko pang makalimutan, dahil sa dami ng gustong pumirma sa illustration board na yun, alam niyo bang nawalan na ako ng space?



Nakaka- Ah, ano... Sabi ko nga ayos lang naman eh. Kaso mapilit si Charlie.



"Sige na bespren! Pumirma ka na please."



Hila-hila nito ang kamay ko habang naglalakad kami pabalik sa classroom. Nakasunod pa dito ang dalawang kaklase na parang alipores nito. Hanep talaga! Feel na feel ang pagiging presidente, may alagad-alagad pang nalalaman.



"Di ba nga wala ng space?"



"Sa mukha ka na lang ni Mason sumulat, sige na," pamimilit nito sakin.



"Dudumihan mo pa ang larawan ng kuya mo. Baliw ka talaga. Ayos na yan. Magtetext na lang ako ng greetings ko sa kanya. Di ba may ganoon ka pang pakulo?"



"Eeeh! Iba pa rin pag nandun ang pirma mo, sige na!"



Napailing na lang ako sa kakulitan nito bago sinipat ang relo. Malapit na ang afternoon period.



"Akina na nga bilis. Ballpen na green, bago pa magbago ang isip ko."



"BALLPEN NA GREEN PLEAAASE!"



Mabilis namang binigay ng alagad nito ang utos ni Pinunong Charlie.



Alertness ang potek. Magkano kaya bayad nito sa mga alipores? Fishball? Hahahaha.



Pumirma ako sa pisngi ni Mason katulad ng gusto nitong mangyari. Sumulat ako ng message na 'Happy Birthday' at nilagay ang pangalang Louie Antoinette sa dulo gamit ang long hand stroke.



"Oh ayan."



Hindi pa nagtatapos diyan ang pakulo nito. Gusto pa niyang batiin namin sabay-sabay ang binata sa text. Wala daw kasi si Mason sa bahay nila dahil may apartment daw ang Kuya Chino nito kasama si Mason na malapit sa UP.



Ang daming arte! Gusto niya alas dose pa talaga ng madaling araw. Dapat daw eksaktong alas dose. Napilitan tuloy akong matulog ng alas otso ng gabi at mag-alarm ng eleven thirty para huwag lang mapuyat kinabukasan. May klase pa kasi kami at short quiz. Synchronized pa ang mga oras namin nun dahil labing pitong tao yata lahat ng kinutchaba niyang magse-send ng greetings sa kapatid niya. Tss.



At hindi lang yun, pati ang laman ng text namin, sync.





From Charlie:

Bespren eto dapat ang laman ng text:

Greetings!

Likes to Mason

Dislikes to Mason

Message to Mason



Tinagawan ko din siya para kumpirmahin ang sinasabi niyang 'yan. Nakakatanga ang instructions eh.



"Ano'ng LIKES, DISLIKES Charlie? Facebook ba 'to? Slumbook? Hindi ba pwedeng ang greetings at message isa na lang? Ang dami namang arte yan!"



"Likes, yung gusto mo kay Mase. Tapos dislikes yung, ayaw mo na ugali niya, ganun. Yung greetings kasi 'happy birthday lang' dapat may special message din. Hehehe."



Napatirik na lang ang mata ko sa kaartehan ng babaeng ito. Lakas maka-istorbo. Hmp.



Kaya nung magising ako bandang eleven thirty, saka pa lang ako gumawa ng message kong ise-send kay Mason.



To Mason:

Happy 17th Birthday Mason.

Likes: Witty, Kind and Down-to-Earth

Dislikes: Too quiet and reserved? No offense (:

Message: Always be that person who keeps on reaching for his star no matter how millions they may be, but still has his foot on the ground.



PS: Don't mind the dislikes that I wrote. Wala lang talaga akong maisip.

Enjoy the rest of your day. (:



Ilang beses ko munang pinasadahan ang mensahe ko at siniguradong alas dose na nga ng madaling araw bago tuluyan iyong pinadala sa kanya.



From Mason:

Ay salamat. Ba't gising ka pa? Matulog ka na. (:



Syempre hindi ko pwedeng sabihing pakulo ni Charlie iyon. Kaya pasimpleng nagtanong na lang ako.



To Mason:

May nakarating na bang 16 messages?



Kasi di ba 17 kami lahat ang kinunchaba ni Charlie?



From Mason:

16 messages? Dalawa pa lang. (:



Shit. This can't be happening.



To Mason:

Who greeted you first?



From Mason:

It was you actually. And thanks. (:



Naramdaman ko na lang ang pang-iinit ng mga pisngi ko sa nabasa.



To Mason:

Ah sige. Salamat. Goodnight.



CHARLOOOTE! SASAKALIN KITAAA!



Hindi na talaga ako makatulog. Hindi ako mapakali. Hindi ko na napagilang hindi tawagan si Charlie. Pero inabot muna ako ng 5 missed calls bago nito tuluyang sinagot ang tawag ko.



"Hoy Charlie! Nagtext na ba kayo?"



"Haaa? Ano?"



Masasabunutan ko talaga ang babaeng 'to!



"Di ba sabi mo i-greet si Mason bandang alas dose?!" Pasigaw kong saad dito.



Nanggigigil talaga ako sa babaeng 'to. Ano na lang iisipin ni Mason non?! Na inalam ko talaga ang birthday niya?! Na hinintay ko talaga ang alas dose para lang i-greet siya?! Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiyaaaa!



"NUUUUU! Hindi ako nagising. Teka tetext ko na babye!"



Wow. Great. Binabaan pa ako ng walanghiya. Grabe lang. As in.





Thanks Charlie, for giving the most embarrassing moment of my life. Again.

Miss AstigNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ