Thirty Three

50.6K 749 127
                                    

______________________________________________

Lunes

Anong meron sa Lunes? Wala naman. Masaya lang ako ngayon. Kasi ni-text na ako ni bespren kagabi! Nahimasmasan na yata sa kahibangan niya na tanging siya lang ang nakakaintindi. Sabay na daw ulit kaming maglunch later. Yay! Isn't she sweet? Hahaha.

Na-miss ko talaga siya. Grabe. Ha-hug ko yon ng bongga. Kaya naman nung natapos ko na ang seatwork 30 minutes bago magbell, nagpaalam na ako kay Ma'am na lalabas. Nagtext na din ako kay Charlie na papunta na ako sa classroom nila. Binulungan ko na lang si Chang na sumunod.

Habang naglalakad napapangiti na ako. Ano kaya nangyari sa kanya sa nakalipas na mga araw? Sana na-miss niya din ako katulad ng pagkamiss ko sa kanya. Hehe.

"Bespreeeeeen!" Malakas kong sigaw ng matanaw ko siya sa loob ng classroom.

Sakto. Patayo ito.

Nagulat ako na lahat ng mga mata ay napatingin sakin habang ngumunguso si Charlie sa harap. Sinundan ko ng tingin ang… Takte! Hindi ko napansin ang teacher nila! Tinawag pala si Charlie para magrecite kaya nakatayo. Namumula tuloy ang mukha ko sa kahihiyan habang humihingi ng paumanhin sa guro nila na seryosong tumango lang. Terror pa yata.

Grabe naman kasi yon! Malapit ng magbell, naglelecture pa rin?! Sinilip ko ang blackboard. Math pala nila. Nakatayo pa rin si Charlie. Halatang nanginginig na ito. Feeling ko nga naiihi pa yon eh. Hahaha. Pasimple kong tinignan ang equation sa board. Advance Algebra and Geometry pala kami ngayon kaya siguro nalilito na naman ‘to sa formulas.

"Pst, Miss. Hingi naman ako ng 1 whole sheet mo tos pahiram na din ng ballpen," sabi ko sa dumaang freshman. Hindi naman ito magkandatuto sa pagkuha ng papel sa bag at ballpen sa pencil case. After mouthing the word 'Salamat' ay mabilis kong sinulat ang sagot sa malalaking letra. Nakangiti ding umalis ang first year student na halatang kilala ako. Wagas ang ngiti eh. Kala mo kausap artista. Feel na feel ko din naman. Hahaha. Saka ako kumuha ng maliit na bato at sapul na binato kay Charlie. Napatingin ito sa bintana kaya pinakita ko ang papel. Madami na din kasi sa kanila ang nakatayo dahil wala pa ding nakakasagot sa mga kaklase niya.

Ngising-ngisi nagsalita si Charlie sa malakas na boses.

"Ma'am! Ma'am! Alam ko na po ang sagot! X is equal to Zero hehehe. Ang tagal kasi magprocess sa utak ko eh!"

Ang yabang talaga nito.

"Bespren!" Niyakap niya ako ng mahigpit ng makalabas ng classroom na ginantihan ko naman. "Ayy-"

"I miss you too at you're welcome," nakangiti kong putol sa sasabihin niya. "Tara na nga. Para kang ewan dun kanina hahaha."

Ngumuso lang ito bilang sagot. Napabaling ang tingin ko sa papalapit na si Mason ng usisain ni Charlie ang bitbit nito.

"Ano yan? Ano yan?" Tanong nito kay Mason. Napansin ko ang malaking paper bag ng Blue Magic. Pinagtitinginan na din ito ng mga nagdaraang estudyante dahil agaw-pansin naman talaga ang dala. Halata namang stuffed toy yon, magtatanong pa si Charlie. Tss.

Miss AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon