Sa tuwing bumabalik sa alaala ko ang mga sinabi niyang 'yon noon sakin ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit at mamuhi sa kanya ng paulit-ulit.

"Matutulog na 'ko." pagkasabi ko n'on ay tumalikod na 'ko sa kanya para pumunta sa kama, ngunit nabigla na lang ako nang bigla niyang hinigit ang isang braso ko para pihitin ako paharap sa kanya.Hindi na niya 'ko hinayaang makapagsalita pa dahil agad-agad ay lumapit siya sakin at tila sabik na niyakap niya ako.

Ang higpit, at pahigpit ng pahigpit ang yakap niyang 'yon sa akin, halos hindi na 'ko makahinga, naiipit ako sa katawan niya. Pakiramdam ko ay mapipisa ako, pero sa halip na indahin ang sakit ay nakaramdam pa 'ko ng kasiyahan dahil kahit hindi man niya sabihin sakin ng harapan ay alam ko at ramdam ng puso ko ang pangungulila niya para sakin. Nakakabinging katahimikan ang nangibabaw saming dalawa. Hindi ako nakagalaw, gusto kong gantihan ang yakap niyang 'yon na siyang nagbibigay saya sa buo kong pagkatao ngunit may side ng isip ko ang nagsasabing 'huwag muna', at 'hindi pa ngayon' dahil natatakot pa rin na baka muling dumating ang araw na ulitin niyang muli 'yon at masaktan ulit ako. Gusto na siyang patawarin ng puso ko pero mariing nakikipagtalo ang isip ko.

Bago pa man madaig ng puso ko ang aking isipan ay mabilis ko nang itinulak si Tristan palayo sakin. Tila nagulantang siya sa ginawa kong 'yon dahil nang tinitigan niya 'ko ay mababakas sa itsura niya ang pagkagulat at hindi makapaniwala. Matagal niya 'kong tinitigan habang ako nama'y nagmamatigas pa rin na nakatingin sa ibang direksyon.

"A-Allison? Why are you doing this?" pinipilit niyang magpakatatag.

"Because I hate you. Because you don't care about me."

Puno ng pagkamuhing tinitigan ko siya.

"Galit ako sayo dahil hindi mo ko maintindihan. Naiinis ako dahil kahit kailan hindi mo 'ko naintindihan!"

"Kaya nga babawi ako sayo diba! Babawi ako sayo! Sa tingin mo ba ginusto kong masaktan ka? Kung nung una pa lang alam ko nang masasaktan ka, sa tingin mo ba gagawin at sasabihin ko pa 'yon sayo? "

Natahimik ako.

"Patawarin mo lang ako gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa lahat ng mga kasalanan ko sayo! Please,ayusin na natin 'to Allison."

pagmamakaawa niya.

"Tama na Tristan! 'Wag mo nang dagdagan pa lahat ng mga kasalanan mo sakin! Ayoko nang makinig pa sayo kahit kailan!"

Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nasaktan? Nakakalito. Bago pa man tumulo ang mga luha ko ay mabilis na 'kong naglakad patungo sa pintuan, at nang akma ko ng pipihitin ang doorknob ay maagap siyang nakasunod sakin at sa isang iglap ay mahigpit na hinawakan niya ang isa kong braso para pigilan akong umalis.

"San ka pupunta?" may pangamba at pag-aalala sa tono niya.

"Wala kang pakialam! Aalis ako kung kailan ko gusto, at pupunta ako kahit san ko gusto!" pagmamatigas ko.

"Kay Yohan ba? Sa kanya ka ba pupunta huh?" nagtitimpi niyang tinig.

"Ano naman sayo?"

Humigpit ang pagkaka-kapit niya sa braso ko.

"Aray,nasasaktan ako!"

"Sabihin mo nga sakin, mas mahalaga ba siya kesa sakin? Mas mahalaga ba siya kesa sa sarili mong asawa!" asik niya.

"Gusto mo ba talagang marinig ang sagot ko? Then fine. Oo,Tristan. Mas espesyal si Yohan, mas espesyal siya kesa sayo! Masaya ka na? So bitawan mo na 'ko dahil kapag hindi mo pa 'ko binitawan, baka kung ano na lang ang pumasok sa isip ko't sumama ako kay Yohan sa Korea at iwan ka ditong mag-isa!" pagbabanta ko sa kanya.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon