K.I. Lamang 20

813 23 10
                                    

Carmela’s  POV

Matapos ang mga pangyayari, hindi ako nakapasok for two days. Nagpa check-up kasi ako nung mga panahon na yun. Feeling ko kasi talaga, hindi gumana yung puso ko nung nasa loob ako ng bodega. Kaya kailangan kong magpa check-up.

Natatakot kasi akong malaman na…. mas lumala pa ang sakit ko

Oo May sakit nga ako. At gaya ng sabi ko, namana ko ito sa lola ko. ANg sabi nila, bigla na lang daw bumilis yung tibok ng puso niya saka siya nawalan ng buhay.Kaya nga minsan, napa-paranoid ako kapag bumibilis nang biglaan yung tibok ng puso ko… lalo na kapag nanjan si PJ.

Minsan pa nga, ayokong kasama yun si PJ kasi nga biglaan na lang ang pagiging abnormal nang puso ko.

Natatakot kasi ako…. Na baka siya ang maging dahilan ng pagtigil ng pagtibok nito.

Okay lang ba talaga na lumabas ka ng bahay ha Carmela?” tanong sa akin ni PJ. Kasama ko siya at nandito kami sa Park. Dinalaw kasi niya ako sa bahay kasi nga hindi ako nakapasok ng 2 days. Pati pala ngayon…

Oo naman, Okay lang.”

Nga pala, bakit ka absent? May sumakit ba sayo?”

Wala, nag pa check up lang ako.”

Ha? Check up? Edi… may sumakit nga sayo? Or… may sakit ka?” hala!

Ahh.. ehh.. wala, ano ka ba.”

Hika? Lagnat? Ano?..

Wala nga ano k aba.. kulit mo din eh.” Sabi ko.

Okay, sabi mo eh.

Tapos maya-maya, bigla niyang sinabi…

Mag-smile ka nga..

Napatingin naman ako sa kanya. Nagtataka. Smile? Bakit? Mag pipicture-picture ba?

Bakit naman ako ngingiti?” tanong ko.

Sige na smile ka na.” sabi niya sa akin nang naka smile din. Errr.. ang dimples! >.<

Ayoko nga..” saka ako sumimangot.

DI wag..

Eh bakit ba kasi?

Eh kasi….

Kasi??!

You remind me of someone kasi..” sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa ibang direksiyon.

Sino naman?!”

Si Anne.

Her POV

It’s been one week since makauwi ako dito galing Singapore. And I spent my Sophomore and Junior there. Pero, gusto ko dito ako mag graduate ng high school. Saka na lang ako ulit babalik dun. So maybe, next year na lang ako mag eenrol kasi late na din naman. Hindi na ako aabot.

Nung unang dating ko pa nga eh..may na encounter akong lalaki sa Ladie’s section sa mall. Naghahanap siya ng bag that time. Pinagmamasdan ko lang siya sa pagpili ng mga bag dun, kung ano ano na nga ang pinag dadampot nya tapos ibabalik niya din. Hirap na hirap siya at sa tingin ko hindi siya marunong bumili ng bag kaya naman nilapitan ko na.

Kathang Isip Lamang [Completed, Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon