Chapter 4 Fighting!

Comenzar desde el principio
                                    

Suffer? Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito? =__=


"You don't have to fight them. Hindi mo na kailangang isugal ang kinabukasan mo nang dahil lang sa akin." May gumuhit na ngiti sa gilid ng labi niya. Isang napakalungkot na ngiti.


Ayoko ng makakita ng ganito. She reminds me of someone. Someone I really want to forget.


"Okay naman kasi ako." Hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. "I already accept my defeat."


She's lying!


"Marami pa namang school diyan. Marami pa ang tatanggap sa akin."


Bigla na lang lumitaw sa balintanaw ko ang ilang pangyayari kanina kung paano siya magmakaawa. Ang umiyak siya ng husto.


"Ikaw." She looks at me in the eyes. "Bawiin mo na lang ang paghamon mo habang hindi pa huli ang lahat."


No!


"Tutulungan kitang magmakaawa kay Tristan."


Magmakaawa? Anong patawa yun?!


"Hindi ka niya magiging slave."


This girl!


"Hindi ka na mahihirapan." Inabot niya ang isa kong kamay. "Hindi ka matutulad sa akin."


She's freaking me out! +__+


"Ito ang ganti ko sa pagtulong mo sa akin."


I don't need it! Hindi ako humihingi ng kapalit!


"Thank you." ^__^


"No!" hindi ko mapigilan ang isatinig ang bagay na kanina pa tumatakbo sa utak ko.


"Ha?" she let go of me.


"I'm sorry." Tumayo ako. Ayoko ng tagalan ang pag-uusap na ito.


"Bakit?" ?__?


"Hindi kita magagawang sundin." Matatag kong sabi habang tinititigan siya sa mga mata.


"P-Pero..."


I take a deep breath. Alam ko na taliwas ito sa mga bagay na ipinangako ko sa sarili ko ngunit... hindi ko maaatim na maging ganito ang kinahihinatnan ng lahat.


"Tatalunin ko siya."


The Class S Students DareDonde viven las historias. Descúbrelo ahora