"Uy! Ano na yung io-order mo?", Nanggugulat naman tong si Izza. Seryoso kong tinitingnan yung cellphone ni Cris eh.

"Yung kagaya na lang ng iyo.", Pagkatapos nun, lumingon na ulit ako kay Cris. Paglingon ko sa kanya bigla naman siyang tumayo at nagmamadaling iniwan mag-isa yung kaibigan niya.

Saan naman yun pupunta? Napatigil ako sa pag-iisip nung kalabitin ako ni Izza. Napalingon ako sa kanya.

"Eto na yung pagkain mo. Kunin mo na. Uy ilibre mo ako ng tubig ha. Ako yung nagbayad ng iyo eh.", Nginitian ko na lang si Izza. Pagkatapos naglakad na kami palabas ng canteen.

Cris' POV.

Seryoso kong nilalaro yung app na finorward sa akin ni Mr. Norman pero nabigla ako nung tumunog ung cellphone ko at nakita ko na 10% percent na lang. Kailangan ko na siyang icharged. Agad kong iniwan yung kaibigan ko. Kailangan kong makahanap ng masasaksakan para sa charger ko.

Pumunta ako sa I.T. room at doon ako nakahanap ng saksakan. Agad kong sinaksak doon yung charger ko. Please hindi ka pwedeng malowbat. Nawala bigla yung kaba ko nung malaman kong hindi pa siya masyadong lowbat. Hay~ mabuti naman.

Jahz' POV.

Inutusan ako ng Computer teacher nmin na ilagay ko tong mga papeles na 'to sa loob ng I.T. room. Tsk kaya ayaw kong maging class president. Parati kang uutusan at tatanungin. Hay naku~ makapunta na nga ng I.T. room. Pagdating ko sa I.T. room bigla akong napahinto sa paglalakad.

Nakatayo lang ako sa pintuan ng I.T. room. B-bat nasa loob si Cris? A-anong ginagawa niya? Nasagot bigla yung katanungan ko nung makita kong china-charged niya yung cellphone niya. Wala ba siyang masaksakan sa classroom? Dito pa talaga siya pumunta.

Agad akong pumasok sa loob. Pagpasok gulat na gulat siyang humarap sa akin. Nakita ko na tinanggal na niya yung cellphone niya. Aalis ka na agad?

"Jahz. Ikaw pala...", Dahan-dahan kong nilapag yung mga dala kong papeles sa ibabaw ng desk.

"Dinala ko lang tong mga papeles. Naisturbo ba kita?", Nginitian niya ako.

"Huh? Hindi ah. Aalis na nga ako eh. Sige!", Pagkatapos niyang magsalita dali-dali na siyang lumabas sa I.T. room.

Nakakapagtaka naman yung mga kinikilos ni Cris ngayon. May nangyayari ba na hindi ko alam?

Cris' POV.

Muntikan na ako doon ah. Buti na lng full charged na yung cellphone ko pagpasok ni Jahz. Hay~ salamat sa Diyos. Makabalik na nga sa classroom. Pagbalik ko sa classroom seryoso lang akong nakaupo sa upuan ko at katabi ko ang kaibigan ko.

Actually, hindi ko alam kung nagsasalita ba siya. Kasi busy ako kakalaro sa cellphone ko. Kailangan ko ng bagong ayos ng mukha eh. Natigil ako nung kinalabit ako ng kaibigan ko. Napatingin ako sa kanya.

"Narinig mo ba yung mga sinabi ko sayo?", N-nagsasalita ka plaa.

"Ah... I'm sorry, Friend. Ano nga yung kinukwento mo?", Wala akong narinig ni isa eh.

"Tsk busy ka kasi jan sa cellphone mo. Ano bang meron jan? Yan na lang parati yung hawak at tinitingnan mo. Ano bang meron jan? May hindi ka ba sinasabi sa akin?", Nagsorry na nga ako eh.

"W-wala. Friend, sorry na. Halika punta na lang tayo ng canteen. Ililibre kita para hindi ka na magtampo.", Nginitian ko siya. Pagkatapos hinatak ko siya palabas sa classroom.

Jahz' POV.

Pumunta kami ni Izza sa canteen. Gusto naming imbestigahan si Cris. Sakto pagpunta namin doon nakita agad namin si Cris kasama niya yung kaibigan niya. Hinawakan ko yung braso ni Izza. Napatingin naman siya sa akin.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now