Sa di kalayuan ay may natanaw akong isang maliit na bahay... Andito nako ngayon sa likuran... Para syang guesthouse... Mejo small chance akong makalapit dahil may iilang bantay... Ginamit ko ang binoculars na dala ko...

Andon pa din si Gabriel, mukhang busy kakamando sa mga tauhan nila... Sa isang bahagi ay may nakita akong mga sasakyan... Hindi masyadong maliwanag kaya hindi ko din alam kung ilan yun... Andaming mga barilles din... Ano kaya ang mga laman nun...


Nakita kong pumasok ang tatlong lalaking bantay kaya sinubukan kong makalapit ng sa ganon ay may marinig din ako...

Nay nakita akong pile ng mga kahoy kaya dun uli ako kumoble... Mejo ok dito dahil may konti na akong naririnig... May mga nagtatawanan...  Hanggang sa maya maya ay may 2 lalaking lumabas at talagang sa tapat ko pa tumayo...


"San daw pwesto mo bukas?" Tanong ng isang lalaking mejo pandak.

"Sa Cainta daw sabi ni Boss e... Ikaw ba?"


"Sa Makati..."

" may idedeliver ako dun sa may Chino Roces... Kay Octavio malapit dun sa Belton Condo...baka pwedeng isabit mo na lng sa transaction mo pre"

"Anong isabit? Ikaw kaya isabit ko? Ang batugan mo umaandar nanaman..."

"Hindi noh,.. Ang akin lang e tutal sa makati ka lang nman baka pwede mo nang isama yung akin... Out of route nko pa valenzuela e"

Narinig kong usapan ng dalawa... Ng bigla akong napa utot...


Shit!!!

"Kahit kelan talaga Onyok bastos ka! Kahit may kausap ka umuutot ka pa din... Uso may excuse hoy!"

"Hoy gago, hindi ako umutot!"

"Hoy, gago ka rin... Narinig ko yun ah... Magsisinungaling kapa e!!!"

"Hindi nga ako umutot e!"

Habang nagtatalo ang dalawa, ako nmn tong pigil na pigil na tumawa... Tapos pakiramdam ko mauutot nnman ako ulit...

Bago pa ako mahuli ay minabuti ko nang umalis ng tumalikod ang dalawa...


Hanggang sa may nakasalubong akong aso....


Dyos ko... Paano?!




"Ssshhhhhhh!" Sabi ko habang nag uumpisang tumahol ang loko...


"Doggy,,, tskkk... Tskkkk..."

Ano ba naman to, di ako mamamatay pag nahuli ako, ikakamatay ko ata tong mga asong to...


"Boss, may tao!" Sigaw ng isang lalaki

Nyeta!!!


Hindi ko na inalintana yun aso, mabilis akong kumaripas palayo.... Dadaan sana ako sa kusina pero nakabukas na ang ilaw...

Shit!!!

Saan ako dadaan...?!

Wala na akong oras mag isip pa kaya ng matanaw ko ang balcony ng kwarto ko ay agad ko itong inakyat...

Salamat sa training ng walang kakupas kupas at sa magaan kong katawan, hindi ako nahirapang umakyat... Hanggang sa sunod sunod na ang mga lalaking nagtatakbuhan para hanapin ako...

Buti na lang talaga, marunong akong mag ninja moves...

Langyang mga aso yun!

Nakadapa pa din ako at daman dahang gumapang para buksan ang sliding door papasok... Buti nga at hindi ko to na lock kanina...




HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now