Titingnan mo lang naman saglit 'yong loob ng Music room Em.

Pagkumbinsi ko sa sarili ko ng may marinig akong ingay mula sa kabilang dulo ng building. Natatarantang sinusian ko 'yong pinto ng music room at dali-daling pumasok dito.

"Whoa! Muntik ng may makakita sa akin." I sighed.

Unti-unti akong sumilip sa pinto para sana tingnan kung sino 'yong mga paparating. Pero parang bigla akong nagsisi na tiningnan ko pa 'yon. It was the group of Natalie and Robert. At masakit man sa mata ay kasama nila si Ramin. Natatawanan at nag-aasaran sila.

Mataman akong napatingin kay Ramin. Nakangiti siya pati narin ang mga mata niya. Masaya siya. Sabi ko sa sarili ko. Kitang kita naman 'yon sa mga mata niya e.

Agad akong napaiwas ng tingin ng lumapit si Natalie kay Ramin. Bakit? Bakit hindi ko kayang maging masaya para sa bestfriend ko? Bakit ako nasasaktan kapag nakikita kong magkasama sila ni Natalie?

Nagtatampo lang ako kasi halos hindi na kami nakakapag-usap. Lagi nalang siyang kasama nila Robert.

Sigurado ka ba? Baka iba na 'yan? Turan naman ng isang bahagi ng utak ko.

Ano namang magiging iba doon? Natural lang naman na magtampo ako dahil bestfriend ko siya.

Baka naman nagseselos ka lang?

"Ugh! Tama na nga ang kakaisip! Baka kung saan lang mapunta 'tong kakaisip ko!" sita ko sa sarili ko.

Baka naman may ayaw ka lang aminin sa sarili mo?

"Shut up!" suway ko sa makulit kong isip.

Inilibot ko na lamang ang tingin ko sa kabuuan ng music room para madistract nalang ang isip ko. Napangiti ako ng mapansin ko kung gaano ito kaganda sa loob. Para akong nasa loob ng isang theatre.

Nakapatay man ang ilaw ngunit sapat na ang liwanag mula sa mga bintana para makita ko kung gaano ito kaganda. Parang bigla akong narelax dahil doon. Nakangiting naglakad ako papunta sa stage na natatakpan ng pulang kurtina.

Para akong baliw dito na nakangiti pero umiiyak. Masaya ako dahil sa nakikita ko at the same time ay nalulungkot ako dahil naaalala ko ang tatay ko. Sabi sa akin ni Papa sa ganitong lugar daw sila nagkita ni Mama.

Pumasok ako sa loob ng backstage at nakita ko ang iba't ibang costumes na nandoon. May iba't ibang instrumento din doong nakadisplay. Nakakapagtakang napakalinis dito sa loob gayong sabi nila ay wala namang gumagamit nito.

Paano kaya naging posible 'yon? Baka naman may janitor na naglilinis dito kahit na hindi ginagamit? Pwede rin. Sayang naman kasi ito kung maaalikabukan lang.

Masaya akong naglibot libot sa backstage habang inaalala ang kwento nila Mama at Papa. Kwento ni Papa na karaniwang tumutugtog siya habang kumakanta naman si Mama.

Sana ay nagkaroon ako ng pagkakataon na marinig silang tumugtog at kumanta.

Agad kong punanasan ang mga luha ko. Everything in this place reminds me of my parents, reminds me of who I am before my father died. Somehow ay ramdam kong belong ako rito. Masaya akong nakita ko ang lugar na 'to because it reminds me of everything. Pero nakakaramdam din akong ng guilt. Dahil simula ng mawala si Papa ay kinalimutan ko na ang lahat ng 'to.

Iniwan ko ang pagkanta. Pinilit ong kalimutan 'yong mga bagay na magpapaalala sa akin na nag-iisa nalang ako, na iniwan na ako ng mga magulang ko. Nagi-guilty ako dahil sa ginawa ko. Nagsisisi ako na tinalikuran ko 'yong mga bagay na nagpapaalala sa akin sa kanila. Nagsisisi akong lumayo ako sa tunay na ako.

CHASING DREAMSWhere stories live. Discover now