"Izza. Halika sundan natin si Cris.", Pagkatapos pasekreto naming sinundan si Cris.

Sinundan namin nang sinundan si Cris. Hanggang sa tumigil na siya sa paglalakad. Pupunta siya sa counseling room. Ano naman yung gagawin niya sa loob? Yung mga taong pumapasok jan parating nawawala. Baka siya naman yung sunod na biktima ni Mr. Norman.

Cris' POV.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng counseling room. Siguro kailangan ko munang kumatok bago pumasok sa loob. Kakatok na sana ako pero nagulat ako nung biglaang nagbukas mag-isa yung pinto. High tech ba tong pinto na 'to?

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob. Nakita ko na si Mr. Norman lang yung tao sa loob. So... siya nga yung nagforward sa akin nung app. Hindi ko na paglalagpasin 'to. Magtatanong na agad ako.

"Sir. Kayo po ba ang--", Hindi ko na natapos yung itatanong ko. Nung bigla siyang nagsalita.

"Oo. Ako nga... nagustuhan mo ba, Cris?", Nginitian niya ako.

"Ah m-maraming salamat po...", Yan lang yung masasabi ko.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Nagustuhan mo ba yung app?", H-hindi ako pwedeng magsinungaling kay Mr. Norman.

"O-Opo. Nagustuhan ko po. Mas napaganda po ng app na 'to yung mukha ko kaya ngayon mas dumami pa po yung humahanga sa akin.", Ngumiti si Mr. Norman.

"Alam mo kung ako yung tatanungin mo. Hindi mo na kailangan ng app na yan dahil maganda ka na pero kung gusto mo... sayong-sayo na yan.", Napangiti ako sa sinabi ni Mr. Norman.

"Marami pong salamat.", Dahan-dahan siyang nilapit yung mukha niya sa akin. Nakakatakot naman 'to.

"Gusto mo ba na habang buhay na yang pagiging napakaganda mo?", Ay oo naman po!

"K-kung pwede nga lang po eh.", Ngumiti nanaman siya.

"Mangyayari yan kung lubusan mo nang tatanggapin yung app na finorward ko sayo. Tinatanggap mo na ba talaga?", Ah... eh...

"Oo nman po. Tinulungan ako nito eh.", Napangiti nanaman siya.

"Good. Pero bago yan maging habang buhay na. May kailangan ka munang pirmahan na isang kontrata.", Contract?

Pinakita sa akin ni Mr. Norman yung contract na sinasabi niya. Nakasulat doon panghabang-buhay talaga. P-parang gusto ko nang pirmahan 'to. Hmm gusto ko na nga.

"Sige po, Sir. Pipirmahan ko na 'to.", Nagulat ako nung nahiwa yung balat ng isa sa mga daliri ko tapos tumulo yung dugo sa contract.

Hala nakasulat na yung pangalan ko sa kontrata. A-ang galing naman nun.

Dahan-dahan akong tumingin kay Mr. Norman. Pagtingin ko sa kanya unti-unti niya akong nginitian.

[Contract Accepted] Cris.

"Sige na. Baka may babalikan ka pa sa classroom niyo.", Nginitian ko si Mr. Norman bago ako tumayo.

Pero pagtayo ko bigla niya akong tinawag.

"Cris wait!", Napalingon agad ako sa kanya.

"Bakit po Sir?", May nakalimutan ba siyang sabihin sa akin?

"Ipapaalala ko lang sayo hinding-hindi pwedeng malowbat yang cellphone dahil nakainstall jan yung app na finorward ko sayo. Hindi dapat mao-off yung cellphone mo kaya ingatan mong hindi yan malowbat.", Bawal 'to malowbat?

"Sige po Sir. Parati ko pong aalalahanin yung pinaalala niyo sa akin. Hinding-hindi ko po kakalimutan yun.", Nginitian ko na siya. Pagkatapos lumabas na ako sa counseling room.

Hay~ tingin ko kailangan ko na ng bagong make-up. Nalulusaw na siya dahil sa sobrang init eh. Makapunta na nga muna sa restroom. Kailangan ko ng make-over.

Jahz' POV.

Paglabas na paglabas ni Cris sa counseling room. Agad siyang kinuhanan ng litrato ni Izza. Mukhang masaya naman siya paglabas niya. Hindi. Lahat ng mga pumapasok at lumalabas sa counseling room sumasaya. Kailangan kong malaman kung bkit sumaya bigla si Cris.

Sinundan ulit namin ni Izza si Cris. Nakarating kami sa restroom. A-ano naman yung gagawin niya sa loob? Biglang humarap sa akin si Izza.

"Jahz. Dito ka lang ako na yung papasok sa loob para alamin kung ano bang ginagawa ni Cris doon sa loob.", Nginitian niya ako bago siya pumasok sa loob.

Izza's POV.

Ako na ang bahala dito. Parati na lang kasi si Jahz yung kumikilos kapag may iniimbestigahan kami eh. Ngayon ako naman. Pagkatapos kong nginitian si Jahz. Agad na akong naglakad para pumasok sa loob ng girl's restroom. Ano bang ginagawa mo dito Cris?

Pagpasok na pagpasok ko sa restroom nakita ko agad si Cris na nakatayo sa tabi ng lababo tapos parang may ginagawa sa cellphone niya. Dito pa niya talaga naisipang maglaro ha. Sabagay walang mang-iisturbo sa kanya dito. Tsk tumigil ka na nga jan Izza. Magfocus ka na.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa lababo at unti-unti akong tumingin kay Cris. Nanlaki yung mga mata ko nung bigla siyang tumingin din sa akin.

"May problema ba, Izza?", Ah... eh...

"Wala. M-maghuhugas lang sana ako ng kamay.", Nginitian niya ako tapos pinagpatuloy na niya kung anuman yung ginagawa niya sa cellphone niya.

Ano bang meron jan? Wait nga lang maghuhugas muna ako ng kamay para hindi ako masyadong mahalata nito. Pagkatapos kong maghugas ng kamay lumingon na ako kay Cris. Nanlaki ulit yung mga mata ko nung makita ko siyang nagkamake-up na.

H-huh? P-paano yun nangyari? H-hindi naman siya nagmamake-up pagpasok ko dito eh. B-baka naman guni-guni ko lang 'to. Agad kong pinikit yung mga mata ko tapos pagdilat ko may make-up na nga yung mukha niya pero paano yun nangyari?

Napatigil ako sa pag-iisip nung lumabas na siya ng restroom. Ano ba yun? Baliw na ba ako?

Jahz' POV.

Nakatayo lang ako sa labas ng restroom. Hinahantay ko si Izza. Ang tagal naman niya sa loob. Baka nag-cr pa. Napatigil ako sa pag-iisip nung biglang dumaan sa harap ko si Cris. Wow... a-ang ganda talaga ni Cris. N-nagmamake-up lang ba siya sa loob?

Wait... bat wala pa si Izza? Macheck nga sa loob. Agad na akong pumasok sa loob ng restroom pero pagpasok ko nasalubong ko si Izza na palabas na.

"Anong nangyari sayo? Bat ngayon ka lang lumabas? Nagmake-up lang ba si Cris sa loob?", Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

"H-hindi naman siya nagmamake-up nung pumasok ako sa loob eh. Pagkatingin ko na lang sa kanya. Nakamake-up na siya... h-hindi ko nga alam kung paano nangyari yun eh pero nung mga oras na yun nakatutok lang siya sa cellphone niya. P-para bang may nilalaro siya doon.", Nilalaro?

"Ano namang laro yun?", Kailangan naming malaman yun.

{Magtatagal ba si Cris o magagaya din siya sa kanila Nin, Ruby, Leah, Faye, Joie, at Britney? ABANGAN.}

-End of Chapter 23-

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now