Wala kasing bintana itong bodega. Meron isa nga lang.. nakasarado pa siya.

Nakita ko ang bag ko na nasa may bandang gitna. Dun kasi ako napatalsik kanina nung tinulak ako ni Candy papasok dito sa loob. Buti na lang dala ko ang bag ko.

Halos gumapang na ako makuha ko lang yung bag. Nanghihina kasi ako eh. Kinapa ko ang zipper at binuksan ito. Saka ko kinuha yung…

Nasaan na?”

Takte.. feeling ko mauubusan ako ng hininga dito. Bakit ba kasi ako napunta dito?? Haaay, wala yung medicine kit ko. Ang tanga. Naiwan ko pa sa kamamadali ko kanina papunta sa school kasi baka abutan ako ni PJ. Hay nako.. kasalanan na naman niya.

Napasandal na lang ako sa may gilid ng pintuan … bakit ba walang dumadating?

Napaubob na lang ang mukha ko sa may tuhod ko habang yakap-yakap ito.

Xerra…

Ate Camille…

Hunter…

PJ

Tulungan niyo naman ako…

PJ’s POV

 

 

Uwian na, pero bakit wala pa din si Carmela? Takte naman yung  babaeng yun, bakit hindi man lang nagsasabi kung san pupunta? Tinawagan ko na din yung cellphone niya pero cannot be reach talaga. Nasaan na kaya yun?

Pre, hindi ka mapakali jan?” tanong ni Paul. Napatingin naman ako kay Hunter na parang relax na realx lang. Hindi niya siguro alam na hindi pumasok si Carmela. Ayoko naman din siyang tanungin.

Hindi kasi pumasok si Carmela eh. Pero maaga naman siyang umalis sa bahay nila kanina. Mas nauna pa nga daw sa akin eh.

Pre,” biglang sulpot ni Larz na hingal na hingal. Akala mo nakipagkarera eh. “Si Carmela..”

Anong meron kay Carmela?” – ako.

Narinig ko na nag-uusap sa may canteen sina Candy, sabi nila nasa bdega daw si Carmela. Kinulog daw nila dun..

Ano?!” napatayo ako nang hindi oras sa mga narinig ko.

At ang sabi pa, kanina pa daw umaga----

Kathang Isip Lamang [Completed, Under Revision]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora