Book 2 Chapter 8

4.1K 143 31
                                    

Titig na titig si Rhian sa screen ng 40inch TV sa harapan niya.

Titig na titig din ang lahat ng mga tao sa loob ng kwartong iyon; ang manager/tito niya, ang assistant nito at ang bagong babaeng PA. Sa lahat, ang PA niya ang gulat na gulat dahil bago lang ito sa at sa kanilang lahat sa kuwartong iyon ay ito ang walang alam sa mga nangyayari.

Kitang-kita ni Rhian ang sarili sa video na iyon.

"Rhian, you look like the world found out that you are a lesbian!" namumungay ang mata ni Nadine. Tipsy na pala ang kapatid niya nung time na iyon, hindi niya kasi napansin dahil medyo madilim na rin ang paligid. Madilim man ay kitang-kita pa rin niya ang sarili, masyadong malapit ang pesteng nilalang na nag-video sa kanya. Kung makikita niya kung sinong reporter yun ay malamang sa malamang, hindi na ito sisikatan ng araw kinabukasan.

Napatiim - bagang siya habang nanonood.

"What?!" oo nga! She looked terrified in the video! "Do I look happy to you? That's what I am hoping for, for the love of God!"

And cut.

Paulit-ulit na pine-play ang eksenang iyon sa Instagram. Mukhang gumamit ng ibang instagram account ang nag-post ng video, at shinare lang ng ilang mga entertainment websites.

"And you summoned me for this?!" depensa ni Rhian sa sarili. "I didn't even say that 'YEAH I'M A LESBIAN!' for Christ's sake!" napailing siya.

"The message is clear Rhian," wika ng tito niya habang nakaharap din sa telebisyon. "We have to do something about this or it will cause a stir."

"Ms. Rhian, hindi naman po kapani-paniwala ang video na iyan eh. Mahahalata naman po talaga na minanipulate ang video na yan para mapalitaw na umamin kayo kahit na hindi naman totoo-----"

Napatingin silang lahat sa bagong PA na napatigil sa pagsasalita. Then slowly, nag-iba ang expression nito. Nanlaki ang mata ng bagong PA.

"Ma'am?" napalunok ang PA bago titig na titig sa seryoso niyang mukha. "I-ibig sabihin ---?"

Napahawak na lang si Rhian sa sentido niya nang makita ang nanghihinayang na ekspresyon ng babaeng PA, pero bigla siyang napakunot-noo nang ngumiti ito ng matamis sa kanya. Was she? Oh, no!

Napahawak siyang muli sa sentido.

Sumasabay pa sa pag-iisip nila ang pag-ring ng cellphone ng manager niya at ng assistant nito. Hindi na nga niya dinala ang telepono dahil hindi na iyon tumitigil sa pag-ring kangina pa. Lahat ng entertainment shows hinihingan siya ng oras para mainterview, kung hindi man statement lang daw.

"This is really annoying." inis na wika ng tito niya habang isa-isang tinanggal ang battery ng mga dala nitong cellphone. "Lahat na ng tao nagtatanong kung totoo ba talaga ang nasa video na iyon. If we don't do something about this lalo lang nila tayong kukulitin!"

"Sir Ronnie wait po!" sabat ng PA habang nakatitig sa screen ng laptop.

"Yes Amor?"

So Amor pala ang pangalan ng bagong PA nila.

Ipinakita nito ang picture na lumabas mula sa entertainment website. Malaking-malaki ang dalawang picture na iyon na umokopa sa halos kalahati ng webpage.

Nagulat siya sa nakita niya!

Rhian, lesbian nga ba talaga?! was the title of the column pero hindi niya agad binasa ang laman ng balita dahil nakita niya ang picture niya mula sa huli niyang pictorial. It was her raw picture sitting on a car. And there she was, wearing something na hindi pa naalis sa photoshop.

Napahawak ang kanang kamay niya sa kaliwang daliri kung saan nakasuot ang wedding ring nila ni Glaiza. Finally, nakita ng mundo ang wedding ring niya.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon