Chapter Eight

5K 180 20
                                    

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Rhian Kay Benjamin.

Pigilan man ni Rhian ang sarili, kinabahan pa rin siya sa sinabi ni Benjamin. Kahit itanggi niya sa sarili, alam niyang hindi magiging maganda ang pag-uusap nilang dalawa. Mukhang narinig nito ang usapan nila ni Jason. Okay lang naman sa kanya na malaman ng lahat na lesbian siya, pero si Jason? Kaibigan niya ito kaya ayaw niya itong mapahamak.

"I'll be straight to the point Rhian," inilagay ni Benjamin ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nito. Parang nagmamalaki ito sa impormasyong alam. "I know you are a lesbian."

Fuck! Kahit alam niyang sasabihin nito ang bagay na iyon at may hinala na siya, napa-fuck pa rin siya.

"I know what you are Rhian," ani Benjamin. "I know what you have been doing. Show business is a small world. You cannot hide forever."

"You know what?" naniningkit na wika niya sa lalaki. "I don't care what you know about me. Wala rin akong pakialam kung saan mo nakalap yang mga impormasyon mong yan kaya please? Fuck off."

"Ayaw mong malaman ni Jason na niloloko mo lang siya?"

At least, hindi nadamay si Jason. Nakahinga siya ng maluwag. Mabuti na rin na kunwari ay walang alam si Jason sa totoo niyang preferences. Mas madaling saluhin na lang ang lahat ng gulo. Kung may darating mang gulo.

"Just mind your own business Ben." pagtataray niya sa lalaki. "I'm surprised na isa ka na pala sa mga fans ko. Grabe ka maghalungkat ng buhay ko ah. Sumali ka na ba sa Cyberhians? Nasaan na ang t-shirt mo? Isuot mo naman para mapirmahan ko." mapakla niyang dagdag.

"Your'e getting it all wrong Rhian Ramos." sagot ng binata. "Wala akong pakialam sa inyo ni Jason. You can cheat on him for all I care. I also don't care about your preferences. Just one thing Rhian, stay away from Glaiza."

Natawa siya sa sinabi ng binata.

"What Benjamin?" hindi niya makapaniwalang tanong. He really has the guts to say that!

"Glaiza is straight. Huwag mo siyang idamay sa mga kalokohan mo. I'm the right guy for her so don't even dare to confuse her."

"Tell me Ben. Are you saying this to threaten me? Na-threaten ka sa isang babae?" napaturo siya sa sarili. "Do I really look like a gender bender to you? I'm flattered really pero hindi ko kasalanan kung hindi ka magugustuhan ni Glaiza. HIndi ko hawak ang pagdedesisyon niya."

"Don't even dare to confuse her." ulit ng binata. "At gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko sa kanya na ako ang lalaking nararapat para sa kanya." ipinagdiinan pa ni Benjamin ang salitang 'lalaki'.

Tinalikuran siya ni Benjamin at sumakay sa kotse nito.

Runner's Kitchen, Quezon City.

"Glaiza," saway ni Chynna. "Pwede ba tama na yan? Ano ba ang ginagawa mo? Hindi ka naman dating ganyan ah!"

Sarado na ang Runner's Kitchen. Malalim na rin ang gabi. Ilang oras na rin silang nakatayo ni Chynna sa kitchen ng restaurant. As in nakatayo. Hindi niya magawang umupo. Masama talaga ang loob niya.

"Glaiza!" nag-taas ng boses si Chynna matapos inumin ni Glaiza ang alak na hawak nito. Napangiwi si Glaiza sa pait pero mukhang wala itong pakialam. Namumula na rin ang mukha nito.

Hindi sumagot si Glaiza at nagsalin ulit ito ng alak sa shot glass.

"Glaiza anong kadramahan 'to ha? Tigilan mo na yan dahil hindi ka naman palainom! Hindi ka naman sanay malasing!" hinablot ni Chynna ang baso sa kamay ng dalaga.

"Ayan natapon!" mukhang hinayang na hinayang si Glaiza sa natapong likido sa sahig. Kinuha nito ang bote at ininom iyon.

"Glaiza shit!" hinablot muli ni Chynna ang bote at hinila si Glaiza palayo sa kitchen. "Hoy Glaiza magsabi ka nga! Hindi ko na matagalan yang kadramahan mo! Una nakatayo tayo ng ilang oras sa kitchen ni ayaw mong umupo! Tapos nag-iinom ka na hindi mo naman ginagawa noon. Ano ba talaga ang problema ha? Lagot ako kay Tita Cristy nito eh,"

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon