Chapter Seven

4.8K 146 4
                                    

"Love, kain na tayo." nakabihis na si Rhian at Glaiza. Natapos na rin ang pictorial kaya nakapagpalit na sila ng damit. As usual, may dala na namang apple si Glaiza para sa lahat. Iyon palagi ang dinadala niya kapag may taping o di kaya ay pictorial.

Tumusok si Glaiza ng kapirasong apple gamit ang toothpick at ibinigay sa kanya.

"Love-love o," abot nito sa kanya.

Masaya niyang tinanggap yun at pigil na pigil din naman siyang matuwa. Okay na okay na siya ngayon dahil nagkaayos na muli sila ng Love-love niya. Masaya na naman siya. At ang pictorial?

"Biruin mo yun, kinulong lang ni Katrina si Glaiza at Rhian sa meeting room pagbalik niya in fifteen minutes natapos na kaagad ang pictorial ng Rastro? Malupit ka Kat!" narinig niyang komento ni Chynna.

"Siyempre matakot sila sa akin!" at humalakhak naman si Katrina.

"Anong ginawa at sinabi mo kay Glai at Rhian?" curious na tanong ni Chynna. "Tsong ang bilis matapos ng pictorial eh, yung isang oras nating kinukunan kangina, pagbalik nila in fifteen minutes tapos! Ang ganda pa ng kuha. At mukhang okay na naman kayong dalawa." pansin naman ni Chynna sa kanya at kay Glaiza.

"Always naman kaming okay!" masigla niyang sagot.

"Eh Glai, ako rin abutan mo ng apple." pasuyo ni Katrina kay Glaiza.

Inabot ni Glaiza ang Tupperware ng mansanas kay Katrina.

"Glaiza naman! Gusto ko yung may toothpick katulad ni Rhian. Ipagtusok mo rin ako ng apple!" himutok ni Katrina. Hindi nito tinanggap ang apple na nakalagay sa tupperware.

"May kamay ka diba? Gamitin mo yan." komento ni Glaiza at iniabot muli ang tupperware.

"Napaka - unfair mo! Halatang - halata ang favoritism mo sa atin. Bakit si Rhian nakatusok sa toothpick bakit ako gagamitin ko ang kamay ko?" kunwaring naiinis si Katrina.

Hindi naman makasagot si Glaiza. Napatawa na lang ito. Parang naging awkward ito sa komento ni Katrina. Hindi rin naman siya makasagot. Pero tuwang-tuwa naman siya.

"Tsong," natatawa si Chynna habang inakbayan si Katrina. "Love-love eh. Naman oh. Tinatanong pa ba yan?"

Nagtawanan sila. Pati si Katrina nakitawa na rin.

"Hoy! Baka totohanan na yan ha? Sabihin ninyo lang para hindi naman ako mahuli sa balita." kumain ito ng maliit na piraso ng apple.

"Anong 'baka'? Katrina huli ka na sa balita! Totohanan na kaya yan!" sabat ni Chynna.

Nagkatinginan sila ni Glaiza at sabay na tumawa. Alam niyang nagbibiro si Chynna.

"Hindi nga?" si Katrina. Parang hindi alam kung maniniwala o hindi.

"Ano aminin na natin kay Katrina?" nagulat si Rhian ng bigla siyang tanungin ni Glaiza.

Hindi siya agad makasagot. Nakatingin sa kanya si Glaiza.

Teka lang. Teka lang. Nagpanic ang utak niya. Ano ba ang sasabihin niya? Seryoso ba ito si Glaiza o niloloko lang nito si Katrina? Teka sila na bang dalawa? Paano ba nila aaminin? Naisip niya ang mga sinabi sa kanya ng kaibigang si Bianca. Hindi naman nag-come out sa kanya si Glaiza eh. Pero baka ito na? Ito na nga siguro.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Okay. Aami---"

"Uy! Benjamin!" napatingin si Chynna sa likuran niya sabay lapit sa lalaki.

Naiwan siyang tulala. Napatingin siya kay Glaiza. Nakatingin ito sa kanya. Still, hindi niya mabasa ang reaksyon nito. Was she serious about earlier or joke lang yun?

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon