Book 2 Chapter 6

3.1K 96 9
                                    

"Yoyon please ipaliwanag mong mabuti?" nakakunot-noo si Nadine habang nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung naiintindihan ba siya ni Nadine pero mukhang hindi.

"You are making things hard for me Nadine." she repeated. Ngayong muli silang nagkita ni Denise ay hindi maiwasang bumalik sa kanya ang ilang mga alaala.


February 2013.

"Hello? Nadine hello?" mahina ang reception sa parteng iyon ng hospital kaya napatayo si Rhian. She is pacing back and forth. Kangina pa tumatawag si Nadine sa kanya. Malolow battery na rin siya anytime.

"Hello?" narinig niyang wika ni Nadine sa kabilang linya. Mahina ang boses nito, garalgal at putol-putol.

"Hellooo??? Nadine??? Shit!" hindi niya mapigilang bulalas matapos ang madiing pagpindot niya ng call end button. Bakit ba kasi sa kuwartong ito na-confine ang pinsan niya?

Tiningnan niya ang pinsang natutulog ng mahimbing dahil tinurukan na ng gamot. Kangina ay halos hindi siya makaalis sa tabi nito dahil nagmamakaawa itong huwag siyang iwan. Ang laki-laking tao at ang tanda-tanda na takot pa sa hospital.

Napailing siya.

Siguro naman matinding gamot ang ibinigay sa pinsan niya at pupwede siyang lumabas ng kuwarto para humanap ng signal.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sofa at inilang-hakbang niya ang pintuan papalabas ng kuwarto. Ngunit bago niya pa nahawakan ang door knob ay bumukas ang pintuan sa harapan niya.

Natigilan siya sa pagkagulat.

Standing in front of her was a young lady.

Napatitig din ito sa kanya. Ngunit ng mga oras na iyon ay hindi niya maintindihan kung sa pagkagulat ba dahil sa pintuan kaya napabilis ang tibok ng puso niya o dahil sa mga mata ng babaeng nasa harapan niya ngayon.

She is looking at her intently. Wari'y binabasa nito ang laman ng isipan niya. She never felt this kind of feeling before, na para bang binabasa nito ang pagkatao niya. She was intimidated by the boldness of the woman in front of her.

She feels so awkward kaya gumawa siya ng paraan. Napaubo siya ng kaunti.

Sabay naman ng pag-iwas ng tingin ng babae sa harapan niya. Tumingin ito sa pasyente sa likuran niya.

Wait? Bakit parang nanghinayang siya na naputol kaagad ang sandali na iyon?

Tumikhim muna ang babae bago nagsalita.

"Are you his guardian?" she asked.

"Aah, w-wait. Kasi --" what the--- Rhian why are you stammering?!

"No." lumunok muna siya bago sinabi ang isang salita na iyon. "And why do you ask?" medyo patanong na wika niya para makabawi.

She smiled at her.

"Yeah, you are too young to be his guardian. And way to pretty to become his girlfriend am I right?" hinawakan nito ang stethoscope na nakasampay sa leeg at inilagay sa malaking bulsa ng puting coat nito.

"I'm sorry?" teka bakit ganun? Mukhang ang gulo.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" wika ng babae sa harapan niya. "I am the doctor in charge of this patient. I need to check on him if it's okay?"

Hindi siya makapagsalita sa mga sandali na iyon kaya tahimik niya na lang na niluwangan ang pintuan para sa taong nasa harapan niya.

She smelled her scent nang dumaan ito sa gilid niya. It was a mixture of perfume and rubbing alcohol. Hindi niya alam kung magandang kombinasyon iyon pero parang nagustuhan niya ang amoy.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon