Chapter Eighteen

5.2K 146 28
                                    

Good morning my Lubb - lubb.
 I am still at my taping sa VADK.
Magdamag na akong gising. ; )

Nakangiting binabasa ni Rhian ang mga message sa kanya ng girlfriend. Mula kanginang umaga pa ang message na iyon.

Nakangiti pa si Lubb-lubb kahit puyat? (Insert kiss smiley)

Oo naman. Iniisip kita buong magdamag eh. I miss you.

Kinilig naman siya. Oo kahit na matured na siya para kiligin ay kinikilig pa rin siya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Simpleng text lang ni Glaiza tuwang-tuwa na siya. Baliw lang ang peg, sabi nga ng kaibigan niyang si Bianca.

Inaabala niya ang sarili niya ngayon. Matapos niyang mag-work out ay dumiretso siya sa Mall of Asia. Hindi na muling nakapag-message sa kanya si Glaiza dahil natulog na ito at naiintindihan niya naman. Glaiza invited her to see a movie. Last full show.

Naghihintay siya nga sa Director's club sa loob ng Mall of Asia. At syempre hindi niya masyadong pinapakita ang mukha. Wala naman masyadong nanonood kaya pagdating niya doon, siya lang ang tao sa lounge. Wala pa rin si Glai.

She looked at her watch. Malapit nang magsimula ang movie. Wala pa si Glaiza?

"Hoy! Rhian huy!"

Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Katrina. Lumapit ito sa kanya. Akay - akay nito ang anak nito. Natensyon siya sa totoo lang. Grabe talaga ang powers ni Katrina, nakilala siya.

"Hi Kat!" natetensyon na talaga siya.

"O anong nangyari sa iyo? Para kang bond paper? Halika anak dali bless sa ninang!" ipinalapit nito ang anak sa kanya. Nag-bless ang bata.

"N-ninang?" inaanak niya ba ito?

"Joke!" tawa ng tawa si Katrina. "Ano ba nagmake-up ka ba? May sakit ka? Ang putla mo!"

"P-puyat lang ako Kat," she said. Nag-iisip na siya ng dahilan kung paano matataboy si Katrina. Anytime darating na si Love-love niya. Huli talaga sila nito kapag nagkataon.

"O nasaan ang kasama mo? Manonood ka ng mag-isa?"

"Ah? Eh..." paano ba siya lulusot? Abot langit ang panalangin niya na sana hindi magtagpo si Glaiza at Katrina. 

"Uuuuuy manonood sila ng sine ni Jason!" tukso ni Katrina.

Tumawa siya. Pero fake. Napakamot siya sa pisngi. Awkward na awkward na ang expression niya.

"Actually hindi na kami matutuloy. Aalis na nga ako eh. Uuwi ka na ba?" tumingin siya sa relo. Palihim siyang napa-shit! Magsisimula na in five minutes ang last full show. Darating na si Glaiza! Hindi iyon nale-late!

"Oo gabi na kaya. Nanay na ako kailangan makauwi ng maaga." wika ni Katrina. "O ano sabay ka na?"

"O-oo. S-sabay na ako." nauna na siya palabas ng lounge. Mabilis ang naging mga lakad niya. Kailangan mailayo niya si Katrina sa sinehan. Sana talaga hindi nila makasalubong si Glaiza.

Mabilis siyang nag-isip ng paraan. Luminga siya sa paligid. Puro shops ang nakita niya. Paano ba ito? 

"Uy, teka Kat magsi-CR ako eh," nagliwanag ang mukha niya ng makita ang public restroom. Mabuti yung nadaanan nila ay yung may bayad na CR.

"Oo sige sabay na kami ng baby ko," sabi ni Katrina. Bumaling ito sa anak. "Baby let's go to the restroom first ha? Para diretso na tayo uwi."

Tumango ang bata.

Pumasok agad sila sa restroom. Nauna siyang pumasok sa cubicle. Napabuntong-hininga siya pagka-lock sa pintuan. Nakiramdam.

Narinig niya si Katrina. Nakipagpicturan pa ito sa ilang tao sa restroom. Mabuti siya nakapasok agad at hindi naharang. Matapos ng ilang sandali ay pumasok sa cubicle si Katrina. Naririnig niya ito na nagi-instruct sa bata kung paano mag-CR.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon