Soul 28: Aivee

Magsimula sa umpisa
                                    


"Already popular with the girls, huh?" pang-aasar ko sa kanya. He just scowled silently. Bumaba siya sa inn at hinanap si Kendrick pero hindi niya ito makita sa lobby. Napansin ko na marami ng tao sa loob ng bar. Maririnig ang malakas na tugtugan at ang maiingay na kwentuhan at tawanan ng mga tao sa loob. I saw Kendrick talking to some girls too. Napansin din siya ni Zirrius kaya dumiretso na siya sa loob ng bar.


Sumenyas si Kendrick kay Zirrius nang makita siya. Naglakad na palayo si Kendrick at sinalubong si Zirrius.


"What are you doing?" kunot-noong tanong ni Zirrius kay Kendrick.


"Sinusubukan kong kumuha ng impormasyon mula sa kanila. Ang problema, hindi ko sila pwedeng diretsuhin. Kailangan kong mag-ingat sa bawat tanong ko. I only asked them about the myths. Namimili lang naman ako ng kinakausap. Some girls here are already drunk. Mas madali silang kausap at sa tingin ko naman, mas totoo ang sinasabi nila," kibit-balikat at mahinang sagot ni Kendrick. Inilibot ni Zirrius ang paningin sa loob ng bar. Maraming tao ang nagkakasiyahan. Naglalakihang baso ng mga alak ang kanilang tinutungga. Wala silang pakialam sa ingay na ginagawa nila. Sa counter, may isang babaeng bartender na nagbibigay ng mga alak sa mga customer. Medyo malamlam ang liwanag pero sapat naman ito upang makita ang mga tao sa loob.


May mga kababaihan na nagtatawanan sa isang mesa at mukhang lasing na. Maraming waitress ang nag-iikot sa loob ng bar upang magsilbi sa mga customers. Napansin ko na may mga manyak na customer din sa loob ang bumabastos sa kanila. Matigas ang ekspresiyon ng mukha ng mga waitress. Hindi ko alam kung bakit hindi sila nagrereklamo. Malakas ang tugtog at ang ilan ay sumasayaw na kung saan-saan. "May nakuha ka ba sa kanila?" seryosong tanong ni Zirrius. Umiling si Kendrick. Natigilan pa si Kendrick nang may kamay na pumulupot sa braso niya. The girl was already drunk and she caught Kendrick off guard when she kissed him on the lips. The girl giggled when their lips parted.


"You want information?" the girl asked seductively. Natigilan si Kendrick dahil sa tanong ng babae. "I'll tell you everything I know tonight," she added. Napalunok si Kendrick. He knew that there was something more on her offer. Hindi na nakatanggi pa si Kendrick ng hilahin na siya ng babae palayo. Napailing si Zirrius. "I must eat," mahinang saad ni Zirrius at pumunta na sa counter. Hinayaan na lang niya si Kendrick. He was planning to gather some information too. He ordered some snacks and beer.


Napansin ko na sexy ang bartender. She had this long straight midnight blue hair and her belly were exposed on her clothes. Her body was curvy and tempting. But then, I noticed that her head were covered with a scarf. Tanging ang maamong mukha lang niya ang makikita. Her ears were not exposed. Her eyes flickered when she saw Zirrius and I couldn't tell why. Her sapphire blue eyes were so bright and beautiful. Hindi ganu'n kalaki at kasingkit ang mata niya. Sakto lang sa maliit na mukha at manipis na labi niya.


Inilapag na ng babae ang order ni Zirrius sa harapan niya. She was moving graciously while serving. "Bago ka lang dito?" mahinang tanong ng babae sa kanya. Ngayon lang napansin ni Zirrius nang lubusan ang babae. She smiled at him. Nagkibit-balikat si Zirrius at tinungga na ang beer na ibinigay ng babae.


"What's your name?" she asked.


"Why? Tell me yours first," sagot ni Zirrius.


Marahang umiling at sumimangot ang babae pero hindi siya nakipagtalo kay Zirrius. "Aivee," she answered.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon