Chapter 12

94.4K 721 57
                                    

CHAPTER 12

"Nasaan ka?" I was talking to Yuan over the phone.

Yuan:
Dumiretso ka sa audi.

Paggising ko ng umaga ay message nya agad ang bumungad sa akin. He asked me to meet him up. Pumayag ako dahil kailamgan ko rin ng tulong nya. I needed to move fast at tingin ko ay napag iwanan na ako ng tatlong bruha.

Hindi ko na sya sinagot at binaan na ng phone dahil nasa school na ako at didiretso na ako sa audi.

Nasa labas pa ay dinig ko na ang ingay nila. Nagkukulitan sila na pinanood ko muna. Parang mga bata.

"Yuan!"

Si Yuan lang ang tinawag ko pero lahat sila ay lumingon. Mga nakangiti at accomodating ang itsura kabaliktaran ng team captain nila.

Lumapit sya sa akin na mukhang excited.

"I have something to tell you."

Natawa ako. "I figured."

"Our former manager needed to focus on her acads. We need to find another."

No. He wasn't actually suggesting me to become their manager.

"Napag usapan na namin ito kahapon at sinuggest kita. Pumayag sila."

Kahit na naisip ko na ay hindi ako makapaniwalang naisip nyang pede akong maging utusan nila. At mas lalo akong nahibang nang marinig na pumayag sila. Does it include.. him?

"Lahat sila pumayag?" Imbes na pumalag ay ayan ang lumabas sa bibig ko.

Ngumisi sya. "May ibang mahirap iconvince pero wala ring nagawa at pumayag na lang din."

Iniisip ko pa lang na uutusan ako ay parang gusto kong umayaw. Pero pag naiisip na this is a step forward ay nahahati ang isip ko.

Hindi ako makalapit sa kanya and I think this is the best way to get close pero kaya ko bang uutus-utusan nya ako?

"Practice na."

Papasok sya at hindi man lang ako tinignan.

"'Wag nyo nang pilitin. Sinabi ko naman sa inyong maarte 'yan."

Hindi pa rin sya tumitingin samantalang biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi nya.

Isang tingin kay Yuan ay alam kong nahalata nya ang pagkabanas ko sa sinabi ng kaibigan nya. Kaibigan nyang hindi ko masikmura.

"Actually gustong gusto nya nga eh."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya na binalewala nya at ngumiti pa sa akin ng sobrang tamis at umakbay pa! What the hell?

"This is your chance L.A. You want to get close and this is in your favor."

Napalunok ako. Tama sya. Dahan dahan akong tumango.

"Good," bulong nya at ginulo ang buhok ko.

Unang kumilos ang isang lalaki na nasa gawing kanan ni Yuan. "Ang initiation sa mga bagong manager ay ang isa isa naming paghalik," sabi nya habang lumalapit na nakabuka ang mga kamay na tipong yayakap sa akin at nakanguso.

Napaatras ako. "You're scaring her, Emman," sabi ni Ice na natatawang nakatingin. Sa ngayon ay halos hindi ko pa sila kilala but soon I'll get use to them.

"Joke!" tawang tawa sya sa sariling kalokohan.

Isa isa silang nagpakilala sa akin at halos hindi ko matandaan ang kanilang mga pangalan.

"Let's start. Nagsasayang tayo ng oras," masungit na sabi nya. Walang sinabi at walang palag sa pagiging isa ko sa team nya. Mukhang talagang napag usapan na nila ito at napapayag na nga yata sya.

Pinag timer nila ako kaagad. Talagang start ko ba kaagad ngayon? Ni hindi pa ako umuuwi at galing pa ako sa bahay. Hindi pa ako pumupunta sa tinutuluyan namin nila Maj. They probably thought I wouldn't go to school today. I actually had no plan to come here. Nang magtext si Yuan ay saka lang ako nagdesisyon.

Nang matapos ay pawis na pawis silang lahat at kanya kanya ng inom ng tubig.

Tinabihan ako ni Ice. "This calls for a celebration."

Hindi ko sigurado kung ako ba ang kinakausap nya kaya hindi ako nagsalita.

Tinapik nya ako saka lang ako lumingon. "Tara?"

Nakakabighani ang angking kagwapuhan ng lalaking ito. Masyadong hindi makatao.

"Ang gwapo mo," hindi ko napigilang sabi na mukhang narinig ng ibang malalapit sa amin.

Mukha syang nabigla sa kaprangkahan ko pero tumawa din sa huli. "You're too straight forward."

Nagkibit ako ng balikat.

"So tara? Celebrate?"

"Pass muna. I want to go home and rest."

Ang mga tsismosong kaibigan nya ay naglapitan. Nakaamoy. "Ano yan? Lalabas kayo?" tanong ng isa sakanila. Kung tama ang aking pagkakaalala ay Steven ang pangalan nya.

"She wants to rest. Next time," nakangiting sabi ni Ice. Kahit pawis ay amoy na amoy ko ang bango ng katawan nya. Ang unfair lang.

"Bakit hindi na lang tayo sa inyo kung ganon?"

Excited silang nag ingay kahit hindi pa ako pumapayag.

"I want gatorade. Ibili mo ako."

Sa gitna ng kasiyahan ng mga kasama ay nagsalita ang KJ na baklang bwisit sa buhay ko.

Hindi ko sya tinignan. I knew he was talking to me but I didn't care. Lumapit sya at inabutan ako ng pera.

Tinabig ko ang kamay nya. "You just had a bottle of water. Buy your gatorade on your way home."

Alam kong napahiya sya pero wala naman akong pakialam. Nabubwisit talaga ako sa kanya.

"I can't stand your face."

I was really offended. He said that as if I look really horrible. Nakakawala ng self confidence!

Sa dami ng pagkabwisit ko sakanya the last few days at isama pa ang nakakaoffend na sinabi nya ay talagang hindi ko na napigilan ang sarili.

Diretso kong nilakad ang lagayan ng mga bola at hindi ko alam kung paano pero kahit ang bigat nahila ko iyon palapit sa kanya.

"You asshole! I can't stand your disgusting face, too!"
Binato ko sya ng bola. Sa gulat nya ay hindi sya nakapag react.

"Liar! You son of a bitch! You're one hell of a jerk! Bwisit ka at sana ay magka pimples ka sa buong mukha!" I ranted while throwing balls at him!

"You think so highly of yourself but you're just an insecure piece of gay shit!"

Hinihingal pa ako nang matapos. Wala na akong maibatong bola. Naubos na sa galit ko.

Napangiti ako. I finally let it all out.. I felt better. Nakangiti akong lumingon kay Yuan pero nahagip ng paningin ko si Kurt. Bumalik ang tingin ko sa kanya at sobra ang kaba ko nang mapansin ang galit sa kanyang mata.

He was fuming mad!

"I need to rest Yuan. Uwi na ako." Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko at walang lingon na naglakad palabas ngunit bago pa ako makaabot sa exit ay may humablot ng braso ko.

"You're not going anywhere." Kinilabutan ako sa galit na narinig ko sa boses nya. Shit!

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon