5: Help

16.6K 521 20
                                    

Ilayda's POV

Sinabihan ko na si Sky na mauna na sa cafeteria dahil sabi ko pupunta muna akong restroom. Kaya nga nauna na siya. Ihing-ihi na kasi ako kaya iyon nagmadali na akong pumuntang CR.

Pagka-flush ko ng toilet ay lumabas na ako mg cubicle at pumanta sa may sink. Tinignan ko lang ang sarili ko tapos naghugas ng kamay. Hindi kasi ako yung tipo ng babaeng mahilig mag-ayos ng sarili. Wala akong lip balm, pulbos, salamin o suklay sa bag katulad nila Sky.

Ayos naman kasi ang mukha ko eh. Hindi ko maintindihan sa kanila kung bakit pa kailangan magpulbos, maglipbalm, magsuklay o kahit ano pang kaburechechehan na ginagawa sa sarili kung pwede namang wala na lang. Hindi naman requirements iyon sa school pero halos lahat yata ng babae dito ganun.

Kung sa kanila uso yung pulbos, lipbalm, suklay, pabango o lotion. Pwes sa akin hindi. Tss. May naririnig pa nga ako dati na they can't live without those things. Tanong ko lang. Nakakain ba yung pulbos, lotion at suklay? Tss. Hawak ba ng mga bagay na yun ang buhay nila? Grabe lang.

Pagkayari ko maghugas ng kamay ay lumabas na ako agad ng CR. Pero biglang may humigit sa braso ko. Sisigaw na sana ako ng bigla niyang takpan ang bibig ko at pinasok ulit ako sa CR.

Nung lingunin ko kung sino nakita ko ay nakita ang pagmumukha ni Thunder. Nagquiet sign siya sa akin. Hawak niya pa rin ang bibig ko. Kaya nga siniko ko na ng malakas sa tagiliran.

"Araaaay!" sigaw niya. Kaya nga nabitawan niya na ako at napahawak sa tagiliran niya.

"Ang brutal mo talagang tomboy ka!" daing niya. Napairap na lang ako. Tomboy kasi ang bansag sa akin niyan. Inaasar kasi ako kaya daw wala pa akong nagiging boyfriend dahil daw tomboy ako. Tapos daw parang lalaki daw ako kung umasta.

"Eh bakit kasi bigla ka na lang manghihigit diyan at tatakpan ang bibig ko? Malay ko ba kung saan dumapo iyang kamay mo bago mo hinawakan ang bibig ko? Mamaya puro virus pa yan at magkasakit akong bakla ka!" Yep. Bakla! Iyan naman ang bansag ko sa kanya. Para kasi sa akin. Ang lalaking nanakit ng babae ay hindi tunay na lalaki. Heartbreaker kasi ang gagong ito. At likas na sa kanya ang manakit ng babae. Kaya bakla ang tawag ko sa kanya.

"Eh kasi may nanghahabol sa akin. Kailangan ko ng tulong mo." sabi niya.

"Sino? Mga babae mo na naman? Yung mga GIRLFRIEND mo?" sabi ko na pinagkadiin-diin pa ang salitang Girlfriend. Tapos saka ako tumawa.

"Hindi ko sila girlfriend. At never akong nagkaroon ng girlfriend. Isa lang sila sa mga pinaggamitan kong laruan." sagot niya. Nainis naman ako sa kaniya. Syempre babae pa din ako. At naiinis ako kapag may lalaking nangmamaliit sa mga babaeng tulad ko.

"Haay, alam mo? Ewan ko sayo! Bahala ka na diyan. Sana mahuli ka ng mga nanghahabol sayo ng kahit papaano magtino ka na." sabi ko. Lalabas na sana ako ng CR nang hatakin niya ulit ako. Pero this time, lumuhod na siya sa harap ko.

"Sige na bestfriend! Tulungan mo na ako! Please! Gagawin ko lahat ng gusto mo." sabi niya. Bigla naman akong napatigil at hinarap siya.

"Gagawin mo lahat? As in lahat-lahat?" tanong ko na may kasamang pilyang ngiti.

"Oo! Lahat! Basta tulungan mo lang ako. Huhu!" pagmamakaawa niya pa rin.

"Kahit na gawin kitang slave ng one week?" tanong ko ulit.

"Oo kahit gawin mo akong--Huwat? Slave? Ayoko nga! Ang isang cool at poging katulad ko ay hindi nababagay maging slave lang." sabi niya sabay tayo.

"Ah ganon? Ayaw mo? Sige madali naman akong kausap eh. Tignan natin kung anong magagawa ng isang COOL at POGING katulad mo kapag nahuli ka ng mga baliw na babaing iyon!" tapos akto na sana ulit akong aalis ng hatakin niya ulit ang braso ko at lumuhod ulit sa harap ko.

"Wag! Sige na! Sige na payag na akong maging alila mo ng isang linggo! Susundin ko lahat ng ipag-uutos mo tulungan mo lang akong makatakas sa mga babaing yun. Huhu. Please!" pagmamakaawa niya. At dahil nga nangako siya ay tutulungan ko na ang nakakaawang nilalang na ito.

"Owkey. Tutulungan na kita. Tumayo ka na diyan, bilis! Naaasiwa ako sa pagmumukha mo eh." kaya nga tumayo na siya.

"Talaga? Tutulungan mo na ako bestfriend?" abot hanggang tenga na ngiti niya.

"Oo nga sabi! Ang kulit!" sabi ko.

"Yey! Thank you very much bestfriend! Huhu. Life saver ka talaga!" tuwang-tuwa na sabi niya sabay niyakap ako ng mahigpit.

"Aish! Wag mo nga akong yakapin. Baka mamaya marami kang bacteria na dala." sabi ko sabay kalas sa yakap niya.

"Grabe ka naman! Kanina virus ngayon bacteria? Anong sunod?" tanong niya.

"Germs!" sabi ko.

"Grabe ka talaga bestfriend. 100% clean ako." sagot niya.

"Tss. Wala akong pake." sagot ko. Napa-pout naman siya.

"Okay tama na iyang pout na iyan ha? Nakakairita lang ang pagmumukha mo. Ang sarap suntukin. Ito ang plano ah?" sabay lumapit ako sa tenga niya at bumulong. Nanlaki naman ang mata niya.

"Ano?! Grabe naman iyang plano mo! Ayoko niyan! Wala na bang ibang paraan?" reklamo niya. Binatukan ko nga.

"Aray naman!" daing niya sabay himas sa batok niya.

"Anong gusto mo makatakas sa kanila o mahuli ka nila?" tanong ko.

"Makatakas syempre."

"O, yun naman pala eh! Edi sundin mo na lang ako!" sabi ko.

"Wala na ba talagang ibang paraan bestfriend?" tanong niya ulit.

"Eh ikaw ba may naiisip ka pang ibang paraan ha?!" nakapamewang kong sabi sa kanya. Napakamot siya sa batok niya.

"W-Wala. Ahehehe." nakangising sagot niya.

"O, wala naman pala eh! Edi sundin mo na lang ang plano ko. It's either susunod ka or mahuhuli ka." sabi ko.

"Oo nga sabi ko nga susunod na." sagot niya. Napairap na lang ako. Dami pa kasing arte susunod din naman pala. Tsk.

***
(Thunder's photo on the gallery...)

A/N: The continuation of this story is published under Dreame Media. You can still read it on this link: https://m.dreame.com/novel/F1TFoEVGWZYdCMswQ2+JNg==.html

Thank you so much for supporting the TOD SERIES here in Wattpad since 2014. TOD Series are now uploaded under Dreame so I hope you can also support me there. Love lots! :))

My deepest gratitude to everyone!

TOD 3: Truth and Dare (New Generation) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon