Chapter 5. "Ako si Takore"

9.8K 317 23
                                    

Chapter 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 5. "Ako si Takore"
Xial's POV

Dinala ko si Jana rito sa park malapit sa school namin. Nag-over-the-bakod pa kami para lang makalabas sa school. Ayaw niya raw kasing pumasok muna sa klase niya dahil mukha raw siyang umiyak, e umiyak naman talaga siya. Ayaw niya raw na ipakita sa mga tao ang kahinaan niya. Kinuha ko pa sa classroom nila yung bag niya at saka siya sinamahan rito sa park.

Mula sa school habang papunta kami rito sa park hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak niya. Ako naman ay tahimik na nakasunod sa kanya. Habang naglalakad pansin kong panay ang tingin ng mga taong madadaanan namin. Anong meron?

"Ang aga aga nagbe-break sila, Kuya." Rinig kong sabi ng nakasalubong namin. Tiningnan ko nama sila na puno ng pagtataka. Umiwas naman sila ng tingin sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko sila pinansin at sinundan na lang si Jana, pero napagtanto ko ang lahat nang marinig ko ang sinabi ng babaeng nakasalubong namin.

"Walang forever, break na yan!" Natatawang sabi ng babae sa kasama niya.

Napapikit ako ng mata sa inis at hinabol si Jana. Oo nga, isang babaeng umiiyak habang may lalaking nakasunod. Mukha pala kaming nagbe-break ni Jana.

"Jana!" Tawag ko sa kanya saka siya hinawakan sa braso. "Sandali la-aray!" Sigaw ko nang bigla niya akong sapakin sa mukha.

Napahawak ako sa mukha ko sa sakit. Sinundan ko lang siya ng tingin habang namimilipit sa sakit. Ang sadista naman niya! Ako na nga lang ang karamay niya eh.

Masakit man ang mukha ko, sinundan ko pa rin si Jana. Hindi naman na ako makakapasok sa school e. At saka alam kong mas kailangan niya ako ngayon. Pagdating sa park, naupo lang siya roon habang tulala at lumilipad ang isipan. Hindi na siya umiiyak pero bakas sa mukha niyang galing siya sa pag-iyak. Kitang kita sa mukha niyang malungkot siya.

Tumabi ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya pero hindi niya ako pinapansin. Tulala lang siya at tila ba hindi ako nararamdaman.

"Ano bang gagawin ko?" Bulong ko sa sarili ko. "Paano ko ba siya mapapasaya?"

Nilibot ko ang paningin ko sa buong park. "Ayos!" Saad ko nang makakita ako ng nagtitinda ng ice cream. "Sandali lang, Jana ah!" Paalam ko at saka tumayo para bumili ng ice cream.

Pagbili ko ng ice cream bumalik ako sa upuan namin. Hindi pa rin siya kumikibo, tulala pa rin.

"Jana oh, para sa'yo." Sabi ko rito habang dinidilaan ang hawak kong ice cream. "Dalawa binili ko eh, sa'yo na lang isa." Masayang sabi ko sa kanya.

Tiningnan naman niya ang hawak kong ice cream. Matagal niya 'tong tiningnan at mayamaya pa bigla na lang siyang umiyak. Nabigla ako. Inaano naman siya ng ice cream?

Hey! Mr. Rebound!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon