"Cris! Halikana pumasok na tayo sa loob.", Bago ako pumasok kinawayan ko muna yung mga estudyanteng nasa paligid ko.

Hay~ ang sarap naman sa feeling yung na ganito. Makapasok na nga sa classroom. Kailangan ko muna ngayon ng beauty rest.

Jahz' POV.

Seryoso lang akong nakaupo sa upuan ko. A-ano na ang pwede kong gawin ngayon? S-siguro p-pag may nabiktima nanaman si Mr. Norman. W-wala nanaman akong magagawa para iligtas siya. P-parati na lang kaming nauunahan.

Hindi dapat mangyari yun. K-kumukunti na yung mga babae dito. Baka plano ni Mr. Norman ubusin kaming lahat pero pangako ko... hinding-hindi ko hahayaang mabiktima niya si Izza. Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko kapag nawala si Izza. Siya lang yung nakakaintindi sa akin... wala nang iba.

Dahan-dahan akong tumingin sa upuan ni Britney. P-parang may napapansin akong isang bagay sa ibabaw ng upuan niya. Kailangan kong tingnan kung ano yun. Agad akong tumayo at naglakad palapit sa upuan ni Britney. Nakita ko yung microphone niya.

Dahan-dahan kong kinuha yun. B-bat sira 'to? As in... wasak na wasak. A-ano bang ginawa ni Britney dito? Nakita ko na hindi niya na turn-off 'to pero bat tumigil na ang lahat sa pag-ingay? H-hindi naman pala naoff ni Britney 'to.

N-naguguluhan na ako.

Napatigil ako sa pag-iisip nung nakita kong pumasok na si Izza sa loob ng classroom namin. A-ano bang nangyayari sa labas?

"Anong meron sa labas?", Tanong ko sa kanya.

"Wala si Cris lang.", Ah. Si Cris.

Tumingin ako sa pintuan ng classroom. Nakita ko na pumasok na si Cris kasama yung kaibigan niya sa loob ng classroom namin. S-siguro napagod 'to sa picturial niya. Halata naman sa mga mata niya at mga kilos niya. Sabay kaming nagulat ni Izza nung biglang sumigaw yung isa sa mga kaklase kong lalaki.

A-anong problema niya?

"Guys! May bago tayong pagkakaguluhan. Hali kayo sa labas!", Huh? S-sino naman yun?

Sabay kaming lumabas sa classroom ni Izza pati yung iba kong mga kaklase lumabas din. Paglabas namin, may nakita akong isang babaeng naglalakad na parang dyosa. A-ano 'to? N-napakaganda at napakakinis ng balat niya.

Mas maganda siya kaysa kay Cris.

Cris' POV.

Pinikit ko na sana yung mga mata ko para makapagpahinga ako pero may biglang sumigaw eh. Sabi niya may bago daw silang pagkakaguluhan. Tsk sino naman kaya yun? Agad akong lumabas kasama yung kaibigan ko. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na mas maganda siya kaysa sa akin.

H-hindi pwede 'to. A-ako lang ang pinakamaganda dito. Nakita ko na hangang-hanga yung kaibigan ko sa babae. Ano ba yan?!

"Hoy! Wag mong sabihing nagagandahan ka din sa kanya?", Tumingin siya sa akin.

"Friend. T-totoo naman kasi na napakaganda niya.", Wala kang kwentang kaibigan.

"Tsk ganun pala, sige jan ka na. Bahala ka na sa buhay mo.", Pagkatapos nakasimangot akong naglakad palayo.

Pumunta ako sa restroom. Wala siyang kwenta. Akala ko pa naman kaibigan ko siya. Hindi man lang niya ako sinuportahan. Nakakainis. Sino ba yung babaeng yun?! Nakakainis siya. Kinukuha niya yung posisyon ko dito sa school. Nakakainis talaga siya.

Nagulat ako nung biglang tumunog yung cellphone ko. A-anong meron? Agad kong binuksan yung cellphone ko. May nag-ooffer ng isang beauty app. Want to be more beautiful? Install this app. Tsk isa lang tong laro eh.

Bahala na nga. Baka malibang naman ako dito. Agad kong inistall yung app. Yan! Done na. Pagkatapos mag-install binuksan ko agad yung app. Kailangan muna akong magselfie bago magsimula. Ok. I'll do it. Agad kong pinicturan yung sarili ko.

Yan ok na. Nagulat ako nung biglang tumunog yung cellphone ko. My goodness! Nakakagulat naman 'to. You can start putting some make-ups on your face. Hmm... p-parang ang ganda ng app na 'to ah. Agad kong pinaganda yung sarili ko gamit nung app.

Hahaha ang saya naman nito. Okie. Tapos ko nang ayusan yung sarili ko. Hay~ kung ganito lang ako kaganda. Hinding-hindi na ako titigilan ng mga tao sa labas. Saglit akong napatingin sa salamin. Nanlaki yung mga mata ko nung mahalata kong p-parang nagkaroon ng make-up yung mukha ko.

P-paano 'to nangyari? H-hindi pa naman ako nagmamake-up ngayon ah. Tapos yung ayos ng mukha ko kagaya nung ginawa ko sa app. T-totoo ba 'to? A-anong nangyayari? Natatakot na ako my goodness! Kailangan ko nang lumabas dito sa restroom.

Paglabas na paglabas ko may nakapansin sa aking isang lalaki.

"Guys! Nakakita ako ng isang dyosa!", A-ako ba yung tinutukoy niya?

Nabigla ako nung isa-isang lumapit sa akin yung mga estudyanteng lalaki. A-akala ko ba may bago na kayong pagkakaguluhan? B-bat nandirito kayo ngayon?

"Cris. Nagkamali ako. Ikaw lang pala ang napakagandang babaeng nakita ng mga mata ko.", Sabi nung Boy 1.

"You're so beautiful, Cris.", Sabi nung Boy 2.

Halos lahat sila parang nagmamakaawa sa akin. K-kailangan ko nang bumalik sa classroom. Mamaya na lang tayo magkita-kita ulit.

Jahz' POV.

Naisipan kong lumabas sa classroom. Kasama si Izza. Saan ba pwedeng tumambay ngayon? Sabay kaming napahinto sa paglalakad ni Izza nung biglang napadaan si Cris sa harap naming dalawa. Tinititigan naming dalawa si Cris nang matagal na matagal.

"Wala pa rin talagang tatalo sa kagandahan ni Cris.", T-tama ka, Izza.

"Napakaganda niya talaga. Laos na kaagad yung babae kanina.", Grabe kakakita pala lang namin sa babae kanina pero wala talagang makakatalo sa kagandahan ni Cris.

{Sino ang nagbigay ng app kay Cris? ABANGAN.}

-End of Chapter 22-

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now