Fifty Five - The Finale

Magsimula sa umpisa
                                    

Proud na proud si Mama sa pagsabit ng mga medals ko. As expected, naghakot na naman ako ng medalya. Niloloko nga ako nina Kuya na pwede na naming isanla yon kapag naghikahos kami. Hahaha.

Ilang scholarship grants din ang naibigay sakin. Naisip ko nga, sayang lang kasi hindi ko naman magagamit iyon. Kung pwede lang sana ibigay kay Charlie.

I allowed Papa na umakyat sa stage para sa ilang extra co-curricular awards ko. Medyo nakakailang nga eh. Pero naka-survive naman ako. Nanibago lang talaga siguro ako.

Tama si Mama, nakakagaan nga sa dibdib ang pagpapatawad. Hindi siya madali, oo. Pero kung bubuksan mo lang ang sarili mo sa posibilidad at uunti-untiin mo, mas makakatulog ka ng mahimbing sa gabi. Kasi you already have the peace of mind.

Hindi ko sinasabi na okay na kami ni Papa talaga, but at least, civil na. Siguro, getting there. Who knows, one of these days di ba?

So far, bukod sa tuloy-tuloy na paggaling ni Hiro ay wala na siguro akong mahihiling pa.

Natawa pa sina Mama nung after ng graduation ay hinarangan kami ng ilang batchmates namin.

Inabot nito ang kamay ko bago nagsalita. “Louie, congrats nga pala. I really really admire you.”

Sorry, pero hindi ko talaga siya kilala. Hindi kasi ako matandain lalo na kung hindi ko laging nakakasama.

Napangiti na lang ako dito. “Thank you. Ano nga ulit pangalan mo?”

Noong sinabi ko yun, nagwala na pati mga kasama nito. Ang lakas nung tilian. Marami na din ang nagsipaglapitan na ibang estudyante at mga usherettes from lower level.

Hindi pa sila nakuntento. Pinalibutan pa nila ako. Yung parang akala mo, kausap nila artista? Pero nakakahawa yung tuwa nila. Hindi ko mapigilan ang di mapangiti.

Nakangiting tinapik na lang ako ni Mama na mauuna sila sa sasakyan.

"Sige, magpa-picture at magpa-autograph muna kayo kay Louie dahil aalis na yan anytime this month hahaha," natatawang saad pa ni Kuya J sa mga ka-batchmates ko na biglang namilog ang mga mata sa narinig.

Sinakyan ba naman ang trip. Adik talaga 'to sina Kuya eh.

Kanya-kanya silang kuha ng pictures. Kanya-kanyang pakilala at pakikipagkamay.

"Ako pala si Rona, section 3. Member din ako ng Athletics. Kaya lang hindi ka naman lagi pumupunta sa meetings eh. Lagi pa sana kitang inaabangan."

Tunog stalker ah. Hahaha. Siya yung unang nag-abot ng kamay niya sakin.

Pero natawa ako. Kasi hindi naman talaga ako mahilig umatend ng meetings di ba. Tsaka hindi din naman ako officer doon dahil pinagfocus ako sa ASAC, Science and Math Clubs.

Hindi na ako nakasagot ng isa-isa ng hilain nila ang kamay ko para magpakilala.

Miss AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon