Phase Five // Part One

64 2 1
                                    

********************

Two-part chapter po ito. Kung bakit? Read and find out for yourselves :))

Point of view ni Hover 'to. Babawi ako sapagkat hindi siya nagkaroon ng exposure sa 13:21. Hope you enjoy the update.

**********************

| Go |

 [Hover's Point of View]

Naglakad na ko pabalik. Hindi ko na kailangang sundan si Miles, panigurado namang magkukuwento ang babaeng 'yon.

"Hover hindi ka ba sasama sa victory party ko?"

"Ahh... hindi na nakakahiya naman po Ma'am"

"Naku nahiya ka pa. Tara na bilis"

Iyon na nga napilitan na kong sumama dahil ang nagyaya ay senior, nanalo kasi siya sa isang national competition kaya nagpa-victory party.

Hindi na ko nagtaka kung bakit sa bar kami nagpunta. Alam mo naman ang mga tao mahilig sa party party. Para daw makalimot kahit sandali lang.

Naupo lang ako sa isang tabi samantalang yung iba eh nasayaw sa dance floor. Masyadong makulay at maingay hindi ako sanay. More of an indoor person ako, hindi ako sanay sa ganitong lugar.

"Hover uupo ka na lang ba diyan?" tanong sa akin ng co-teacher ko.

"Okay lang ako dito"

"Mag-eenjoy ka ba niyan kung nandyan ka lang? Tara do'n madaming magagandang girls"

"No thanks. Okay lang talaga ako dito"

"Bahala ka nga" sabi niya sabay takbo. Narinig ko pa siyang magpakilala sa mga babae do'n.

Napatingin ako sa table sa tabi ko, may babaeng nag-iinom.

Malungkot. Nag-iisa.

Ginawa ko na lang entertainment ang panuorin siya, nakakatawa kasi eh. She seems familiar though. Nung mahulog siya sa kinauupuan, that's when I decided to help her.

"Are you okay?"

"I'm fine" she said.

Kilala ko pala siya, si Gela. She was a friend of Miles. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman namin siya ka-department ah?

"Lasing ka na"

And yet her breath doesn't smell like liquor.

"Tipsy lang"

"Lasing ka na. C'mon I'll help you home"

"Hey! Wag mo nga akong pakielaman. Yung boyfriend ko nga walang pakielam sa akin. Oops... nakalimutan ko. Hindi na nga pala kami... HAHAHAHAH" she said with tears rolling down her eyes.

Iinom pa sana siya nung inagaw ko sa kanya yung shot glass "Tama na"

"ANO BA!? BAKIT MO BA KO PINAPAKIELAMAN!" napatingin sa amin yung tao sa ibang table.

"I said tama na. Dadalhin na kita sa inyo"

Binuhat ko siya, medyo nagulat nga yung mga co-teachers ko. Bahala na.

"IBABA MO KO! IBABA MO KO! Pagnakababa ako dito.. uhh.. ipapa-ambush kita!!" sabi niya habang pumipiglas.

Patatas! Nakakahiya 'to. Baka akalain nila pinagsasamantalahan ko yung lasing. Pagkalabas namin lalo pa siyang nagwala.

"Bakit mo ba ko pinipigilan!? Tatay ba kita ha!? Eh hindi nga kita kilala eh!!!"

Grabe. Daig pa nito ang bata eh. Pinagsususuntok ako. Babae ba 'to? Parang amasona eh. Andami ko na yatang pasa.

Nahirapan akong ipasok siya sa kotse, kumakapit kasi siya dun sa pintuan.

"IBALIK MO KO DUN!! ISA! Gusto ko lang namang makalimot eh... *sobs* Masama ba yun!?"

She finally calmed down. Habang nasa daan kami hindi na siya nagsasalita. Pagtingin ko sa kanya, tulog na pala.

Ay putik! Nakalimutan kong itanong kung saan ang bahay niya.

Hindi ko 'to pwedeng dalhin sa hotel baka akalain ng tao dun manyak ako.

Dinala ko na lang siya sa bahay ko. Ang bigat ng babaeng 'to eh, ang hirap iakyat sa kwarto. Ibinaba ko siya sa kama. Umupo ako at hinawi ang buhok niya sa mukha.

She was so beautiful...

Aalis na sana ako ng bigla siyang humawak sa kamay ko.

"Don't go" she said looking so frail "Don't leave me"

I smiled.

I don't really have a choice, do I?

*******************

Isang bagong loveteam na naman ba ito?

Abangan ang susunod na kabanata... :))

Thanks for reading ! Leave your comments below.

xoxo

Second Time AroundWhere stories live. Discover now