Chapter Seventeen

29 0 0
                                    

Araw na ang mga lumipas matapos ang ginawang halik namin ni Macgil pero hindi ko parin maiwasang hindi mamula't kiligin habang inaalala 'yon. Baliw na ako siguro pero ayos lang dahil nakakabaliw naman talaga ang pakiramdam na iyon. Alas dos pasado na akong nakauwi noon dahil nagkwentuhan at nagkantahan pa sila Macgil kasama ako. 'Di man ako sinita at pinagalitan nina kuya pero ramdam ko talaga ang guilt lalo pa't tumakas lang ako nang gabing 'yon para makita si Macgil at nangyari ang pagbinyag sa labi ko. 😀







Hindi naman siguro mali 'yon di ba? Nobyo ko naman si Macgil at hindi naman kami lumampas sa limitasyon ng pangyayari. Nirespeto nya parin ang kainosentehan ko. Oo, defensive nga ako sa inyo eh kasi naman nagiguilty talaga ako sa pagtakas na ginawa ko. At nararamdaman ko naring malapit na akong malinya sa mga dakilang sinungaling para sa isang lihim na relasyon. Hayss 😧





Malapit na pala ang bagong taon kaya puspusan na naman ang paghahanda ng lahat para sa pagsalubong nito. Kainan naman ito! 😁 Inutusan kami ni ate Jean na bumili na kakailanganing rekados para sa mga lulutuing at sa dami no'n ay umabot kami ng gabi. Hindi ko maiwasang mapasimangot lalo na at naglalakad lang kami ni ate pauwi. Hindi naman kalayuan ang palengke sa bahay namin kaso kanina pa nagrereklamo ang mga paa ko sa pagod, eh kasi naman nilibot namin ni ate ang buong palengke para lang daw makita ang pinaka the best na rekados. Duuhh!!! Eh bawang, sili, sibuyas at kamatis lang naman ang mga hinahanap namin. Nakakainis! 😰😥



"Taga saan ba si Macgil?" tanong ni ate.



"Ahmmm.....sa Brgy. West Awang sya nakatira pero may bahay sila sa kabilang kalye sa barangay natin. Bakit ate?" sabi ko sa nakakunot noo.



"Tara ipakilala mo ako!" At agad nya akong hinila para puntahan si Macgil. Excited talaga ng ate ko. 😒






Sa mga oras na 'to alam kong nasa tambayan sila ngayon malapit sa bahay nila Ronald kaya sya naman ngayon ang hinila ko. Tama nga ako! Agad kong nakita ang pamilyar na bulto at pagmamay-ari 'yon ni Macgil na tumatawa kasama ang mga kaibigan nya. Agad naman agad pinamulahan ng mukha nang magtama ang mga mata namin. Nemen eh! Para akong matutunaw sa malamlam nyang titig na para akong inaakit. Isang siko ang nagpatino sakin.



"Sya na ba si Macgil base narin sa malagkit nyong titigan?" may mapanuksong ngiting sabi ni ate.



"Ate....!" Natawa sya sa nahihiyang reaksyon ko. Naman eh! Nahihiya talaga ako. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko pala si ate Jen. Muli nya akong siniko nang marahan.



"Lumalandi ka na ngayon bunso ah. Nagdadalaga ka na nga. Tsk!" pang-asar na bulong sakin ni ate na mas lalong nagpapula saking pisngi. Really!? Lumalandi talaga? 'Di ba muna pwedeng nagmamahal na? Tsk!







Namataan kong papalapit si Macgil sa kinaroroonan namin at agad akong binigyan ng napakatamis nyang ngiti. Napangiti rin ako nang tuluyan na syang makalapit at tumayo sa kaliwang bahagi ko.




"Hi! Macgil po." bati nya kay ate at inilahad ang kanang palad sabay ngiti. At ang ate ko naman ay hindi na nagdalawang isip at agad tinanggap ang palad ng lalaking 'to. Sinabayan pa ng pinakamatamis nyang ngiti. Teka! Ako lang ba ang malandi dito!? Parang naasar ako sa ngitian nila. 😤



"Jen ang name ko. Hmmm....gwapo ka nga kaya di na ako magtataka kong lumalandi na 'tong kapatid ko." At agad napahagalpak ng tawa ang kumag habang ako ay hindi makatingin sa sobrang hiya. Kaya agad kong kinurot si ate sa braso.



"Aw! Brutal talaga nito. Pagpasensyahan mo na Macgil, ganyan lang talaga 'tong kapatid ko pero sweet 'to. Hehehe!" Napaikot ko ang mga mata ko. Ano ba 'tong pinagsasabi ni ate? Sarap ipalamon ng binili naming sibuyas.



"Oo nga. Okay lang kaya ko pa naman ang kabrutalan nya." Pagsakay ni Macgil at hayon pareho silang tumawa.



"Uy maiba ko lang. Seryoso ka ba dito sa kapatid ko? 'Yong totoo." agad sumeryoso si ate sa naging tanong nya.



"Opo ate. Huwag kayong mag-alala, mahal ko 'to." Jeez! Parang pumalakpak ang mga palikpik ko sa ilong sa sinabi nya! 👃 I'm gonna melt! Grrrrrr.



"Mabuti kung ganun. 'Wag mong paiiyakin dahil bunso namin 'yan." banta ni ate. 😮 Napatango lang si Macgil.



"Uuwi na kami Macgil." paalam ko. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat at pamumula ng mga pisngi ko nang halikan ako ni Macgil sa pisngi. Kahit do'n lang pero nakakahiya parin lalo pa't nasa harap lang namin si ate.



"Asus! Nagblush ang kapatid ko. Parang true." pang-aasar ni ate.
At sa hiya't inis ko......








Nagwalk out ako. 😣








Narinig ko ang tawa nila at tinawag naman ako ni ate. Hindi ako lumingon. Bahala kayo d'yan! 😕








----------------------------------


Hindi muna ako mag UD.
Press nyo naman ang vote & leave comments din. Plssssss 🙏




-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon