Chapter Four: Oh no!

24 1 0
                                    

Preparation for Intramurals meet ang pinagkakaabalahan namin ngayon. Puspusang nag-eensayo ang mga pambatong players ng bawat yunit. Kung itatanong nyo, nasa unit 3 ang buong section namin. Tatlo lang naman ang section ng third year.

Napalingon ako sa gawi ni Macgil na kasalukuyang nagd-dribble ng bola. Sya at ang mga barkada nya ang pambato namin sa basketball at volleyball. Uh oh, wrong move kasi heto't lumingon sya sakin at napangisi and worst kumindat pa ang kumag. Feeler!

"Uy may connection...ano may spark ba?" binatukan ko si Belle, nang-aasar pa eh. Umirap lang ako sa kanya at nagpakabusy.

"Uy look oh, nagpapasikat si fafa Maki sa mga moves and exhibition nya sa basketball." kulang na lang mangisay at tumirik ang mga mata ni Grace. Psh. Mga kaibigan ko ba ang mga 'to?

"Pwede ba, tumigil nga kayo!" singhal ko. Nakakainis na mga ulupong na 'to.

"Sus. Wag ka na kasing pakeme bhest. Halata namang bet ka ni fafa Maki oh." pagdedemonyo pa sakin ni Grace.

"Haist. Ewan ko sayo. Dyan na nga kayo!" singhal ko at mabilis na nagwalk out. Ang sarap busalan ng sako mga bibig nila. Grrrrrr!
I-murder ba mga kaibigan?

"Ayan nagwalk out ang pikon. Hahahaha." pang-aasar ni Jovy.

"Oo nga. Uy pustahan tayo na nalaglag panty nyan sa pagkindat at sa killer smile ni fafa Maki." sabi pa ni Grace.

"Sige deal ako!" gatong pa ng bruhang si Virgie. Si Belle naman ay nakangisi lang.

Mga abnormal talaga! Psss!



***

H

apon na at pahinga ng mga pambatong players sa kanilang practice kaya niyaya ko ang mga kaibigan ko na maglaro ng volleyball. Kanina ko pa kasi gustong maglaro.


Si Virgie at Grace ang partners at kami naman ni Belle at si Jovy ay nanood lang habang nakaupo sa gilid. Si Grace ang nagserve at agad naman iyong nasalo ni Belle, tinira naman ni Virgie sa kabilang net at syempre "mine" 'yon at sa lakas ng tira ko ay hindi iyon nahabol ni Grace na nasa likod lang ni Virgie. One point! Hahaha.

Ako na ang nagserve at naging ganun rin ang labanan at syempre hindi na naman nahabol ni Grace ang bola kaya samin na naman ang puntos. Nag-appear kami ni Belle habang nagtatawanan. Galing talaga namin! Hihihi

Ang tawa ko ay napalitan ng pagkairita ng agawin ni Macgil ang bola kay Grace at naghanda para magserve ng bola. KSP!


"Huwag ka ngang bastos Macgil!  Kita mong naglalaro kami, nang-aagaw ka ng bola!" naiiritang sabi ko at heto na magkasalubong na mga kilay ko.

"Sasali ako kaya wag kang manggalaiti dyan." nakangisi pa talaga! Grrrrr!

"Hindi ka welcome! Isa pa maghintay ka na matapos kami, wag kang KSP!" sigaw ko dahil sa panggigigil ko sa inis. Sina Belle naman ay nagpalipat-lipat samin ng tingin habang mga nakangiti ng may kahuluguhan. Ang cute nyo! 'Yon ang nabasa ko sa mga mata nila. Haysss.


"Yes. KSP na ako dahil gusto ko nang mapansin mo ang damdamin ko." bumanat pa ang kumag! Napa-"Ayiiiee" naman mga kaibigan ko. Really?


"Duh! Stop fooling me around. Umalis ka na nga!" singhal ko pero lumapit sya sakin at huminto mismo sa harap ko. I rolled my eyes then crossed my arms


"Aalis ako kung sasagutin mo na ako."


"Asa ka pa!"


"Okay. Hindi ako aalis." At lalo pang inilapit ang sarili sakin. Na-conscious ako bigla dahil naamoy ko ang natural scent nya. Bango! Ay grabe landi ng utak ko.


"Lumayo ka nga! Amoy pawis ka kadiri!" Really, Lucy? Pinagnasaan mo pa nga lang sya kanina.


"Hindi ako lalayo unless makuha ko ang kasiguraduhan na magiging girlfriend kita." pagmamatigas pa nito. Ngayon ay mukha na nya ang inilapit sakin. Napaatras naman ang itaas na katawan ko dahil sobra nang nakakailang. Grabe! Rarayumahin pa ata ako sa posisyon ng katawan ko dahil medyo masakit na as in!


"O-okay. Sasagutin na kita pero may kondisyon. Lumayo ka din sakin." Napahawak ako sa balakang ko nang bahagya na syang lumayo.


"What is it?"


"Panalunin nyo ang basketball hanggang championship. 'Pag magawa mo na, dun pa lang kita sasagutin." I grinned nang mapanganga sya sa kondisyon ko. Akala mo makukuha mo ako nang ganun lang? You wish!



"Ang hirap naman!"


"Tapos ang usapan." sabi ko at aalis na nang hawakan nya ang kamay ko. Mabilis ko 'yong iwinaksi. How dare he to hold my hand!?


"Okay. Deal! Gagawin ko 'yon para maging girlfriend kita. At mananalo kami." nakangising sabi nya at mabilis na umalis sa harap ko.



I'm doomed! 😨







-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon