Chapter Nine

16 0 0
                                    

Lumipas ang isang buwan pero heto't cold ang distant parin kami ni Macgil sa isa't isa. Mas palangiti at kinakausap nya ang ibang classmates namin, lalo na ang mga kaibigan ko. Pero imbes na problemahin ko, isinubsob ko pa lalo ang sarili sa pag-aaral na nagbunga naman dahil ako ang naging paborito ng mga teachers namin. Hindi ako sa nagmamalaki, active kasi ako sa recitations at laging highest sa quizzes but except math. Hihihi
I hate numbers kaya.



"Uy may chika ako sa inyo mga bhest." kinikilig na tili ni Grace.



"Kailangan tumili?" asar na sabi ni Belle. Himala hindi ito cool ngayon. May PMS siguro. Umirap lang dito si Grace at samin na lang humarap.



"Ano ba'ng chika mo?" si Jovy habang kumakain ng piattos. Andito kami ngayon sa nipa hut, tambayan ng mga estudyante. Break time namin kaya naisipan naming tumambay.



"May sayawan kagabe sa Caballero and guess what. I have a boyfie!" Sya lang 'ata masaya. Bored lang kaming nakatingin sa kanya then sabay sabing "okay".



"Thanks sa reactions mga bhest ha! Grabe nakakatouch." napapairap na sabi nito at masama ang loob na umupo at nagmusic gamit ang earphone.



"Landi talaga ni Grace. Tsk!" napapalatak na sabi ni Belle na siniko ko naman. Sobrang mean talaga nito.



"Speaking of boyfie, okay na ba kayo ni Macgil?" tanong ni Jovy. Agad namang nalukot ang mukha ko.



"Hindi. At wala akong interes para pag-aksayahan pa sya ng panahon." nakabusangot na sabi ko. Naiinis ako sa kanya kasi 'di man lang sya gumagawa ng paraan para magkaayos kami.



"Asus. Nagdadalaga na talaga bhest ko. May LQ nang nalalaman." kantiyaw sakin ni Belle at sinundot sundot pa ang tagiliran ko. Cool na naman sya.



"Tumigil ka nga! Ilong mo mamaya susundutin ko 'pag di ka tumigil." banta ko.



"Sige nga bhest. Kaya mo?" idinunghil nya sakin mukha nya habang pinalaki nya butas ng kanyang ilong.



"Ewwww! Kahit kailan kadiri ka Belle!"




Nagtatawan lang sina Jovy, Virgie at Grace. Mga sira ulo talaga!




Habang umiiwas ako kay Belle ay nabangga naman ang likod ko sa poste. Ay hindi pala! Si Macgil ang nalingunan ko saking likuran at nakangiti. Gawd! Biglang naging jelly ang mga tuhod ko. Ang ngiting 'yon parang namiss ko. Huhuhu




"Ehem. Kinikiliti ako sa kilig grabe!" hiyaw ni Jovy.



"Sandali parang lalabasan ako. Ng dugo. Lumakas bigla regla ko! Hooo! Tara samahan nyo ako sa banyo." Paltik talaga 'to si Belle. Kababaeng tao pero hindi conscious sa binubunganga nya.



"Sige. Naiihi rin ako." sakay naman ni Grace.




At hayon kanya kanyang takbuhan na ang mga ulot. Jeez!
Bakit iniwan nila ako dito? Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko sa harap ni Macgil.




Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko ng yakapin ako ni Macgil. Biglang nag-init ang katawan ko sa sobrang hiya. Ay grabe! Normal ba ito? Hindi ako mapakali kaya gusto ko syang itulak pero ito namang mga kamay ko ay ayaw gumalaw. Mas lalo pang humigpit ang yakap nya na parang missed nya ako.




"Sorry na..... Bati na tayo." sabi nya sa malambing na boses.




Doon na gumuho ang depensa at pride ko. Gumanti din ako ng yakap tutal may kasalanan din naman ako. I accepted his sorry not by words but through action. Hayyy Macgil!








-----------------------------------------


Cast your votes ripapez... 😁




-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon