Chapter Twelve

20 0 0
                                    

Saturday


Katapos lang naming mag general cleaning nila ate kaya heto't nagpapahinga kami sa sala. Nakakapagod dahil malaki at napakaraming gamit ang bahay namin. Purong light materials at may second floor ang tahanan namin. Hindi man karangyaan pero may simpleng pamumuhay naman kami, masaya at kuntento.



Panay text ni ate Jen at biglang kikiligin habang ako ay nagbabasa ng PHR novel. Katext na naman siguro nito ang manliligaw na si Gian. Si ate lang ang allowed saming dalawa na gumamit ng cellphone kasi nga college na si ate samantalang ako, third year high school pa lang. 'Yon ang mahigpit na policy ni kuya.



"Ate tumahimik ka nga saglit, 'di ako makapagconcentrate sa istorya eh." saway ko pero nakatuon parin ang atensyon ko sa binabasa.


"Si Gian eh. Bumabanat na naman." sabi nya at naglulupasay pa sa native na upuan sa sobrang kilig. I rolled my eyes. Duh! OA naman ni ate kiligin.


"Hmp! OA mo 'te!" angil ko at umayos naman sya ng upo at humarap sakin.


"Nakakakilig kaya sya. He loves me daw at ako daw ang araw nya sa bawat umagang dumadating. Eeeeeee......!!!!" napangiwi naman ako sa lakas ng tili ni ate.


"Sus! Corny."


"Hay..... hindi 'yan corny sis. Balang araw, kapag nainlove ka i'm sure ibi-break mo ang record sa pagtili ko." sabi nya.



Natigilan ako. Oo, inlove ako ngayon kay Macgil pero hindi naman ganyan ako tumili. Naalala ko tuloy.........


[Flashback.....]


Nanood ako ng practice nila Macgil at ng mga kabarkada nya para sa darating na CITY WIDE MEET. Si Grace lang ang kasama ko kasi may kanya-kanyang lakad sina Belle, Jovy at Virgie. Kumakain kami ng tinapay 'yong taglimang piso sa bench habang ako ay hindi hinihiwalayan ng tingin si Macgil. Kuripot ako eh!



Nabulunan ako sa pagsinghap ko matapos kumindat ang gwapo kong boyfriend ng lumingon sa gawi namin. Napaubo ako ng walang tigil habang hinahagod ako ni Grace sa likod.


"Hinay hinay kasi sa pagsubo, hindi ka naman PG di ba?" sabi ni Grace habang hinahagod parin ang likod ko. Panay iling lang ako habang umuubo. Grabe! Hindi na ako makahinga sa bumarang tinapay sa lalamunan ko.



Nag-aalalang lumapit samin si Macgil at pumalit sa paghagod sa likod ko ang palad nya.


"Namumutla ka na. Heto uminom ka ng tubig." nag-aalalang sabi nya. Kinuha ko ang nangalahating bottled water nya at mabilis ko 'yong tinungga.



Aaahhh! Ang sarap pala ng tubig 'pag ininuman ni Macgil. Indirect kiss! Grrrrrr.


"Okay ka na?" tanong pa nya at tumango lang ako. "Sa susunod hinay hinay sa pagkain."


"Hmp! Kasalanan mo kaya 'yon. May pakindat kindat pa kasing nalalaman." nakanguso kong sabi. Humalikipkip ako at iniwasan sya ng tingin. Natawa lang sya.


"Babalik na ako sa court. I love you!" sabi nya at hinalikan ako sa pisngi. Agad syang tumakbo at sumali na muli sa practice.



In three months of our relationship ay ngayon lang sya nag "i love you". First time! Sa sobrang kilig ko ay naikuyom ko sa palad ang natitirang tinapay at niyamukos ng yakap ang bag ko. Nakagat ko rin ang ibabang labi ko para hindi lumabas ang posibleng matinis na tili ko. A silent giggle. Hihihihi


"Psst. Tulala na ka na dyan. Uyyy...inlove na ba?" tukso sakin ni ate Jen.



"Eh.....ate kasi.....may boyfriend na po talaga ako." pag-amin ko at napalaki naman mga mata ni ate.



"Ayiiee.....sino ang boylet?" nakangiti si ate. Yes! Hindi sya galit.



"Macgil po name nya. 'Di ka galit?"



"Sus. Andyan na eh. Dalaga na talaga si bunso!" tili ni ate sabay yakap sakin.



Natutuwa talaga ako na hindi galit si ate. Patunay lang 'yon na hindi sya hahadlang samin ni Macgil, pagtatakpan pa siguro kami. Partner in crimes kaya!



"Ipapakilala ko sya sis pag may free time." sabi ko.



"Okay!"









---------------------------------------------


I'm open for comments and suggestions. :)





-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon