.16.

7 0 0
                                    

♧Chapter Sixteen♧

♢Best Friends Forever♢

☆Graciela Quaine Ramirez☆

~♡~

"Why you didn't tell me? You should've, so this could never happened."

Nandito kami ni Warren sa chapel ng hospital. Pinili naming dito mag-usap para kaming dalawa lang at hindi nakaka-ilang sa mga kaibigan nila. Sinabi ko rin kay Altair na tawagan si Ate dito ako magpapalipas ng gabi.

"I'm a coward."

Seryoso niyang sabi at pinag-laruan ang daliri.

"Coward? No you're not. I know you well, King. You're always brave that is what I like about you! Maybe you've been afraid but you're not a coward."

Sumandal ako sa balikat niya at niyakap ang braso niya. Gosh, I miss this safest place in mylife! Its been a long time since I've done this.

"Do you have conclusions now? Why did I had to leave you? Forget about you?"

Nabuhayan na ako sa sinabi niya. Pumasok sa isipan ko na baka kailangan niyang lumayo para di niya masabi sa kin accidentally ang condition ni Yuki? Pero malabo! Umiling ako at bumuntong hininga naman siya.

"Yuki talked to me. I'd lie. Back to the time when we had a family reunion in Yuki's house, tsaka ko lang din nalaman. Dapat yayayain ko siyang lumabas kasama sana natin but when I entered on his room sumisigaw, nagwawala at nanghihinang Yuki ang nakita ko. Masakit sa akin kasi pinsan at kaibigan ko siya. Pinilit kong maging matatag. Kinausap ko siya. He tells me everything. Yung pag-alis niya, sakit niya, at habilin niya. Cause he thought na tulad ng ibang may cancer hindi na siya makaka-recover. Pero hindi, God was really amazing! Tignan mo, noon pa siya may cancer pero ano? Nandito pa rin siya. I hope he could still have a chance to stay here. Ginawa ko naman ang gusto niya e. Graciela, sinabi niyang layuan kita kasi..."

Saglit siyang tumingin sa akin at tumingin sa itaas. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya. At mukhang ayaw niyang malaman ko.

"Kasi ano Warren?"

Tumingin ako sa mata niya at ganun din naman siya. Bahagya niyang kinagat ang labi niya at umiwas ng tingin.

"Kasi nagseselos siya pag mag-kasama tayo? Kasi gusto niya ako? Kasi ayaw niyang magka-lapit tayo? At pumayag ka don!"

A tear fell into my eyes at agad ko namang pinunasan iyon.

"My queen, I told you I'm a coward. Nadala ako ng eksena. Kasi nangako ako e. Sinabi ko na, na lalayo ako sayo kasi may posibilidad na pag wala siya... may malaking posibilidad na tayong dalawa lang at ligawan kita."

Tumigil siya at kinuha ang kamay ko. Pinaglaruan niya iyon at pinagsiklop ang mga daliri namin.

"Queen, kasi mahal kita. Aaminin ko noong una tayong nagkita ayoko sayo. Ang clingy mo kasi e, pero hindi ko naman akalaing ganun ka pala talaga pag may importante sayo. Hahawakan mo ng mahigpit. Unti-unti nahuhulog ang loob ko sayo noon kahit hindi dapat. Tuwing magkasama tayo ang saya saya ko. Tuwing weekends na hindi tayo nagkakasama gumagawa ako ng excuse sa parents ko. Sasabihin ko magba-bike lang ako sa tabi-tabi pero yung totoo pupunta ako sa bahay mo at sisilipin ka. Okay na sa akin yon. Crush palang iyon noon. Pero nang dumating na sa buhay natin si Yuki nag-iba na. Close na rin kayo e. Tuwing magkasama kayo nasasaktan ako. Pakiramdam ko hangin lang ako. Doon ko na-realized na mahal na pala kita. Nawala si Yuki pumalit naman si Alt."

Solitary Where stories live. Discover now