.12.

9 2 0
                                    

♧Chapter Twelve♧

♢Revelations♢

☆Graciela Quaine Ramirez☆

~♡~

Tumayo ako at pagewang-gewang na lumakad papunta sa harapan. Patapos na ang pagtugtog nila at ang lahat ay nage-enjoy.

"Wow! Ang galing niyo! Ang gagaling niyong tatlo! Nagsama-sama pa talaga kayo. Ang gagaling niyong mang-iwan!"

Natural na magpalakpakan ang crowd pagkatapos nilang magperform pero iba ako. Kasalukuyan silang nasa stage at ako naman ay paakyat ng stage. Pinigilan ako ni Emily pero hindi ako nagpapigil. Tumahimik bigla ang crowd sa pagsasalita ko.

"Graciela."

Mahinang binanggit ni Altair ang pangalan ko. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Tinuon ko ang pansin sa kaniya at tinitigan siya ng matalim na titig.

"What's up honey? Did you miss me?"

Pagkasabi ko'y agad ko siyang nilapitan at siniil sa isang marahas na halik. Kitang-kita sa mata ng mga tao ang pagkabigla at si Nikki? Ang sama ng tingin. Hahaha. Its time to play guys!

"Fuck! Graciela, get off me! I have my girlfriend now!"

Agad niya akong tinulak dahilan para mapaupo ako. I'm so fragile right now, even my feelings. Hindi ko napigilan umiyak ako. Naramdaman ko namang may lalaking humawak sa akin at tinulungan akong tumayo. Pati si Emily ay tinulungan ako. Pinuntahan ni Altair si Nikki at niyakap yon. Nagulat ako dahil agad na sinuntok ni Warren si Altair. Bumawi ng isa pang mas malakad na suntok si Altair dahilan para magtawag ng atensyon mula sa mga bouncer. Bago pa lumala ang sitwasyon ay tumakbo ako para awatin ang mga nagsusuntukan.

"Warren! Stop!"

Habang pinipigil ko sila ay sari-saring tubig ang nararamdaman ko na pumapatak sa mukha ko. Pinaghalong luha at sipon. Lasing ako, lasing ang physical na pagkatao ko pero ang isipan ko sariwa pa rin lahat lahat.

Nang tumigil sila sa pagsusuntukan ay agad akong nagsalita. Isang sarkastiko bagamat puno ng emosyong mga salita. Narito pa rin si Yuki sa tabi ko inaalo ang likod ko.

"Six years ago, Alt. Six years ago, ang sabi mo Graciela my mom is sick, my mom is dying, my mom needs me! You even promise me na babalik ka! Buong-buo sa akin! Ano to ngayon? Putcha. Nagkasakit nanay mo pagbalik mo dito may syota ka na? Papanga-pangako ka pang tangina ka wala ka namang isang salita. Tangina mo!"

Lumapit ako sa kaniya at hinampas ng hinampas ang dibdib niya hindi naman siya kumibo at patuloy ko lang siyang sinasaktan. Sa tingin ko ay maiibsan na sa ganito yung sakit na nararamdaman ko.

"Graciela, ang sabi mo I don't have to promise you so I guess kakalimutan mo na ko. Grex, wala tayong naging komunikasyon ang akala ko tapos na ang lahat sa atin. Bumalik agad ako. Dalawang taon lang ang itinagal ko sa US dahil namatay din kaagad ang mommy ko. Graciela, bumalik ako buong-buo para sayo! Putcha. Limited edition pa! Pero pagbalik ko wala ka dito! Nagpunta ka ng Rome! Naaburido ako! Ang hirap hirap maiwan! Inisip ko na hindi mo na ako mahal. Dalawang taon pa ulit ang paghihintay ko sayo pero walang ikaw! Walang balita sayo! Inisip ko na masaya ka na kaya nang makilala ko si Nikki sa kaniya ko na binuhos ang atensyon ko! Katie ang hirap maiwan."

Solitary Where stories live. Discover now