.4.

6 3 0
                                    

♧Chapter Four♧

♢Shopping♢

☆Graciela Quaine Ramirez☆

~♡~

"Hey its your day with me, Queen. You should be happy."

Pagkasabi niya'y hinawi niya ang braso ko. Kasalukuyan kaming naglalakad sa loob ng mall para maghanap ng gagamitin sa JS prom namin the next day. Semi-formal lang naman ang pormahan kaya nag-decide kaming sabay na kaming bibili tutal partners naman kami. Sayang. E di sana kasama namin ngayon si Yuki. Hayyy. Naalala ko nanaman siya. Tama si Warren, I should be happy. Nag-smile ako sa kaniya at nag-clung ang mga braso ko sa braso niya. Namula naman siya. Hahaha. Matagal ko nang alam, may gusto talaga sa akin to e. Kaya lang ayokong komprontahin siya baka sabihin assuming ako. Naglalakad kami ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Emily.

"Hello?"

Panimula ko.

"Hello? Painosente tong gaga na to!"

Sarkastikong sabi niya. Ano bang trip nito?

"Tss. Ano bang kailangan mo? I'm not in the house. Busy ako."

Sabi ko sa painis na tono.

"I know. Tumingin ka sa paligid mo. Grabe ka maka-hawak a? Ano ba ba talagang real score? Huh?"

Pagkasabi niya'y agad akong luminga sa paligid at napatingin din si Warren. Nakita ko si Emily, nakangisi kasama ang ilan pang mga babaeng ka-edad niya pero di ko sila kilala. Nasa Uniqlo sila. Naka crop top ito ng sleeves brown, short shorts, at brown combat boots. I love her outfit, huh. Di ko siya pinansin at pinatay na ang tawag. Binalik ko ang tingin ko kay Warren at may ka-text siya. Sinubukan kong tignan kung sino yun pero nilihis niya agad ang cellphone niya.

"Damot."

Bulong ko at tinanggal ang pagkakasabit ng kamay ko sa braso niya. Instead, mag cross arm ako nagpatuloy na sa paglakad.

"Selos agad siya o. I love you."

Pagkasabi niya'y inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi. Nakakailan na to a! Uupakan ko na to e! Hahaha. Namula ako pisti at napatingin din yung mga tao, buset na Segal to! Wala man lang pasabi. Dirediretso akong pumasok sa loob ng Forever 21 at may sumunod namang sales lady.

"What color do you preffer?"

Tanong ko dito sa lalaking katabi ko at mukhang iritadong-iritado sa mga nakikita sa paligid. Its all a girly things dahil nasa kabila pa ang mga men's wear.

"Its up to you. Pag may nahanap ka na color mas madaling maghanap ng tie ng lalaki."

Sabi niya at ngumiti. Nakakainis! Ang gwapo niya! Hahaha. Crush ko po talaga siya. Hahaha.

Kakalakad namin na paikot-ikot sa botique shop ng F21 may pumasok sa isip ko.

"Uhm, Miss? Crop top long sleeves, do you have?"

Tanong ko sa sales lady at tumango naman ito.

"Meron po, ma'am. Anong color po ang gusto niyo?"

Ano ba? There are so many colors at kung magpi-pink ako masyadong girly tsaka dapat ganun din yung color nung kay Warren.

"White?"

Patanong na sabi ko at tumingin kay Warren.

"Its up to you."

Sinabi niya ng walang boses at ngumiti lang.

Solitary Where stories live. Discover now