.11.

8 2 0
                                    

♧Chapter Eleven♧

♢Lumnoxic♢

☆Graciela Quaine Ramirez☆

~♡~

Six years later...

Nandito ako ngayon sa Lumnoxic bar. Bar ito nung kaibigan ko nung high school na si Jared Agapito. Kanina pa ako tumutunga dito at di na mabilang ang shots ko pero wala pa naman akong amats. Umorder pa ako ng isa pang shot ng margarita nang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

Hindi ko kilala ang tumatawag pero sinagot ko na baka importante e.

"Omg! Grex! Is that you? This is Emily! I heard nasa Pilipinas ka na ulit! Kailan pa? Okay. Erase that! Pumunta ka ngayon sa bar nina Jared. Lumnoxic bar sa may Commonwealth! Hihintayin ka namin huh? Bye, sis!"

Pagkatapos niyang mag-salita ay pinatay niya agad ang tawag at tinago ko na yung cellphone ko sa bag ko at tunungga ang shot ng margarita sa harap ko.

Makaraan ang anim na taon heto nanaman ako. Balik Pilipinas. Sa Rome ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko kasama si Ate nagtrabaho ako sa shop niya which is tindahan ng mga beauty products. Two years akong nagtrabaho at nabagot ako kaya pinili kong umuwi nalang ulit dito sa Pilipinas. Two weeks na rin ako dito pero sa Boracay ko ginugol ang unang linggo ko at pagbalik ko ng Manila heto. Party girl ako. Gabi-gabi ako dito sa Lumnoxic dahil ito ang pinakamalapit na bar sa condo ko. Wala rin akong kaibigan. Ewan ko pero simula ng bumalik ako ng Pilipinas naging mailap ako sa tao kahit puro crowded ang pinupuntahan ko. Pero ayos na rin yun less people, less worries. Baka iwanan lang din nila ako.

Maga-alas otso na ng gabi at tumigil na ko sa kaka-shot. Naupo nalang ako sa isang sofa na may table. Pang-apatan na tao ito at hindi pansinin dahil madilim ngunit kaharap ko ang stage. Tumunog ulit ang cellphone ko at yung number nanaman kanina yung tumatawag. Si Emily. Sa kabilang banda ay miss na miss ko rin siya kaya lang instrumento siya sa pagitan namin ni Alt. Pinsan siya, kaibigan ako. Bago ko masagot ay nagpatugtog na ang DJ ng kung anong party song na lumigalig sa buong bar. Kinuha ko ang bag ko para lumabas sandali upang makausap ng matino si Emily. Sa pag labas ko ay hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Altair may kasamang babae at naghaharutan sila. Kakababa lamang nila sa kotse at mukhang papasok ng bar. Agad akong nagtago at sinundan sila ng tingin.

"I love you."

Malanding sabi ni Spencer dun sa babae at hinalikan ito sa labi. Parang winawasak ang mundo ko habang nakikita silang ganyan. Lalong lumalim ang halikan ng dalawa at natauhan ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad akong nagtago dahil baka malaman nila na tinitignan ko sila. Sinagot ko ang cellphone at si Emily nga iyon.

"Hello? Grex? Nasaan ka na ba? Nandito kami ngayon sa Lumnoxic. May show yung mga batchmates natin mamaya 11PM. Pupunta ka ba?"

Tanong niya at rinig ma rinig ko ang party music mula sa loob.

"Ahh. Oo. I'll be there before 11."

Pagkasabi ko'y agad kong pinatay ang tawag at nagtungo sa kotse ko. Buti nalang at wala na yung dalawang naglalampungang pusa. Hayyy.

Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar ang engine. Nakahawak ako sa steering wheel at bahagya akong napatingin sa side mirror. Nakita ko nanaman si Altair at yung kasama niyang babae. They're making out sa gilid ng bar which is opposite side ng tinaguan ko kanina. Sigurado namang hindi nila ako napapansin ngayon dahil sa busy sila sa mga kamunduhan nila. Bago pa tuluyang makaalis ang kotse ko ay nauna nang tumakas ang mga luha sa mata ko.

Solitary Where stories live. Discover now