Season III - Past & Present | Chapter 31: Angels of Zodiac

Start from the beginning
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

12:10 AM

Ilang minuto na lang ay magaganap na ang isang pagpupulong sa Art Division ng National Museum of the Philippines.

Sa likod ng napasikat na painting ni Juan Luna na Spoliarium, makikita ang labing-tatlong rebulto ng mga anghel, na siyang kumakatawang sa 13 Zodiac Signs. Ang mga rebultong ito'y gawa sa purong marmol na nagmula pa sa lalawigan ng Romblon. 

Sa lugar na ito eksaktong gaganapin ang pagpupulong.

Nabasag na ang katahimikan ng kwartong ito nang biglang lumitaw ang ilang mga nilalang.

Labing-isang itim na anghel ang lumitaw mula sa kadiliman. Sabay-sabay silang naupo sa tapat ng bawat rebultong anghel na kinakatawan nila.

Ang Angels of Zodiac ay binubuo ng (5) makapangyarihang grupo ng mga itim na anghel.

Element of Water:

Piorus ( Angel of Scorpio ) - isang Fallen ; ang tumatayong pinuno sa grupong ito.

Piero ( Angel of Pisces ) - isa ring Fallen ; ang pangalawang lider.

Caniel ( Angel of Cancer ) - isang Nephilim ; na piniling umanib sa kasamaan para ipaghiganti ang pagpatay sa kanyang inang anghel.

Element of Air:

Kamiel ( Angel of Gemini ) - isang Fallen ; ang pinuno ng grupo.

Aguirus ( Angel of Aquarius ) - isang Fallen ; ang ikalawang pinuno

Libiel ( Angel 0f Libra ) - isang Nephilim

Element of Earth:

Viel ( Angel of Virgo ) - isang Fallen ; ang pinuno

Taus ( Angel of Taurus ) - isang Fallen ; ang ikalawang pinuno

Copriel ( Angel of Capricorn ) - isang Nephilim

Element of Fire:

Oel ( Angel of Leo ) - isang Fallen ; ang pinuno ng grupo 

Tairus ( Angel of Sagittarius ) - isang Fallen ; ikalawang pinuno

Arel ( Angel of Aries ) - isang Nephilim

Darkness:

Oniel ( Angel of  Ophiuchus ) - siya ang pinakapinuno ng Angels of Zodiac dahil siya lang ang tanging humaharap sa kanilang Panginoong Lucifer. Siya rin ang humanap ng mga masasamang anghel na siyang bumubuo ngayon sa Angels of Zodiac.

*** Ang bawat grupo ay mayroong mga alagad na binubuo ng mga fallen angels at nephilims na umanib sa kadiliman. Lahat sila'y nilalagyan sa noo ng simbolo ng Zodiac na kanilang kinabibilangan.

" Tairus, nasaan si Oel? "

Agad na nag-usisa ang isa sa kanila. Napansin kasi ni Piorus ( Angel of Scorpio ) ang di pagdalo ni Oel ( Angel of Leo ) sa pagpupulong na ito.

" Nasaan na nga ba siya Tairus? "

Muling nag-usisa ang isa sa kanila - si Arel ( Angel of Aries ).

Sina Oel, Tairus at Arel ang magkakasama sa isang grupo pero wala man lang nalalaman si Arel sa tunay na dahilan ng di pagdalo ni Oel. Di rin niya alam kung saan ba nagpunta ang kanyang kasama dahil ilang araw na rin itong nawawala.

Nagbulungan na ang lahat tungkol kay Oel, pero nananahimik pa rin Tairus.

" Wala pa rin si Kaataas-taasang Oniel. " pahayag naman ni Kamiel ( Angel of Gemini ).

" Hindi daw siya makakadalo ngayon. " sagot sa kanya ni Viel ( Angel of Virgo ). " May misyon siyang pinagkakaabalahan nga- "

" Kung gayon simulan na natin ang pagpupulong. " putol ni Piorus sa kanilang pag-uusap. Umasta na naman siyang lider ng kanyang mga kasamang anghel.

Nainis si Viel sa ginawang ito ni Piorus ngunit pinigilan niya ang sarili na magsimula ng gulo. Nasanay na rin siya sa pagiging mapapel ng Piorus na ito.

Isa-isa ng inilabas ng mga anghel ang makakapal na scroll na listahan ng mga fallen angels at nephilim na kanilang nahuli. Karamihan sa kanila ay umanib na rin sa kadilim. At ang ilan ay patuloy na bilanggo sa Impyerno, kasama ang mga kapatid nilang demonyo.

Water:

Fallen - 13, 513 

Nephilim - 6,013 

Air:

Fallen - 1, 413

Nephilim - 10, 013

Earth:

Fallen - 1, 013

Nephilim - 4,113

Fire:

Fallen - 1, 213

Nephilim - 913

Base sa talaang ito; ang grupo ni Oel ang may pinakamababang nahuling anghel.

" Ano bang ginagawa ng Oel na yun, bakit hanggang ngayon ay kami pa rin ang pinakamataas? " pang-iinsulto ni Piorus sa grupo ni Oel.

" Tumigil ka na nga Piorus. " saway sa kanya ni Viel.

" Puro ka yabang eh! " Pang-aasar naman sa kanya ni Kamiel.

" Oo nga naman. " Sang-ayon nina Aguirus at Libiel.

Inis na inis si Piorus dahil sa kanilang mga sinabi. 

"Wala akong pakialam sa inyo. Basta kami ang magkakamit ng kapangyarihang ipinangako ni Panginoong Lucifer. " paniniguro ni Piorus sa kanilang lahat.

" Siguraduhin mo lang. " pang-iinis pa ni Viel sa kanya.

Kung sino kasi ang mahanap ng itinakdang anghel na magbibigay ng pinakamalakasa na kapangyarihan kay Lucifer ay siyang magkakamit ng pabuyang kapalit nito.

Samantala, di man lang pinansin ni Tairus ang mga sinabi ni Piorus. Malalim ang kanyang iniisip para bigyang pansin ang walang kwentang mga sinabi nito.

( Tairus' POV )

Sige mangarap ka lang Piorus! 

Magtawa ka!

Dahil kapag nagtagumpay si Oel sa kanyang plano, kami ang magkakamit ng inaangkin mong kapangyarihan.

Sa oras na mahanap namin ang itinakda, kami ang magiging pinakamapangyariahang fallen. 

Tiyak akong mamatay ka sa inggit! 

( End )

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

CLICK nyo po ang EXTERNAL LINK para makita kung sino-sino ang mga ANGELS of ZODIAC.

Love Over VengeanceWhere stories live. Discover now