Season III - Past & Present | Chapter 31: Angels of Zodiac

1.7K 10 4
                                    

PLEASE ^_^,

<<<<< VOTE

&

 <<<<< LIKE

Comment din po kayo...

THANKS!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gulat na gulat ang lahat nang makitang may kargang sanggol si Rain.

Naisip niyang pag sinabi niya ang totoo sa kanilang lahat, tiyak siyang di siya paniniwalaan kaya kailangan niyang magsinungaling na lang.

" Narinig ko po yung iyak niya nang sumilip ako sa terrace. Bumaba agad ako para tingnan kung ano ba talaga yung naririnig ko. Pero nagulat ako nang makitang baby nga talaga yung umiiyak. " pag-kwekwento ni Rain sa kanila. 

Naawa daw siya sa baby kaya agad niyang ipinasok sa loob ng kanilang bahay. Naisip niya na baka iniwan ang sanggol na ito sa kanilang gate ng ina nito para siguruhing magkakaroon siya ng magandang kinabukasan.

Naintindihan ni Don Alfonso ang gustong ipahiwatig ni Rain, kaya inunahan na niya ang kanyang apo. 

Sinabi agad niyang pumapayag siyang ampunin nito ang sanggol na si Xedriq.

Kaya naman tuwang-tuwa si Rain.

Ginawa iyon ni Don Alfonso dahil ayaw niyang makitang nalulungkot ang kanyang apo. Naisip kasi niyang baka dahil sa sanggol na ito'y magiging masaya na ang buhay ni Rain. Makakalimutan agad nito ang mga masasamang nangyari sa kanya.

Nang araw din iyon ay ipinaasikaso niya ang mga papeles para sa legal adoption ni Xedriq. Isang yaya rin ang kinuha nila para makatulong sa pag-aalaga sa sanggol.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Ma'm ano po yang sinisearch nyo? "

Agad isinara ni Rain ang window ng isang website dahil sa paglitaw ni Katherine sa kanyang likuran.

" Wala 'to. Sige bantayan mo muna si Baby Xed. " utos niya rito.

" Sige po. Pasensya na po. "

Nang makaalis si Katherine ay muling binalikan ni Rain ang website na kanyang binabasa kanina.

Angelology

http://www.steliart.com/angelology.html

Nagsearch siya tungkol sa mga angels para maintindihan ang nangyayari kay Xedriq at sa ina nito.

Nephilim pala ang tawag sa bunga ng isang anghel at tao.

Sila'y anak ng mga pinarusahang anghel o fallen na umibig sa mga babaeng tao sa lupa.

Pero sa sitwasyon ni Xedriq, anak siya ng isang babaeng anghel at lalaking tao.

" Kung anak siya ng isang anghel, posible kayang may kapangyarihan din si Xedriq? "

Biglang napaisip si Rain.

Posibleng may taglay na kapangyarihang nga si Xedriq.

Pero di agad malalaman ng isang nephilim ang kanilang taglay na kapangyarihan hanggat wala pa sila sa tamang edad.

" Sana nga hindi makita si Xedriq ng mga humahanap sa kanya, dahil ayokong magising na lang isang araw na wala na pati sya sa buhay ko... "

Love Over VengeanceWhere stories live. Discover now