Chapter 29 - Forever

88K 1.7K 32
                                    

Natagpuan ni Jenna ang sariling nakaupo sa isang bench sa isang park. Pinakawalan niya ang mga luhang kanina pa gustong gustong tumulo.

"May pasundot-sundot pa kasi akong nalalaman eh hindi naman kami close, dati lang huhu"

Inilibot ni Jenna ang paningin sa paligid, may mga kulang nalang eh i-raid ng mga langgam dahil sa ka-sweetan.

Umismid siya, "hmp, maghihiwalay din kayo, walang forever!" Daig pa niya ang nag-almusal ng ampalaya kaninang umaga sa ka-bitteran

Parang siyang tangang naiiyak at natatawa sa sarili at the same time. "Kasalanan ito ng mayor Venganzo, na yun, sakalin ko siya sa baba eh!"

Napayuko siya at pinahid ang kanyang mga luha ng may sapatos siyang nakita sa kanyang harapan.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin Napalunok siya ng mapadaan sa katawan nito ang mga mata, "perfect!"

Napaawang ang kanyang mga labi when her eyes reached his face. "Shit, ang pogi talaga ng gagong to."

"Bumalik ka na sa sasakyan." Mahinang utos nito.

Napasimangot si Jenna ng maalala ang pagkapahiya. Sa halip na sagutin ay tinanong din niya ang mayor. "Anong ginagawa mo dito?" "Pagkatapos mo akong pahiyain, ngayon papabalikin mo ako sa sasakyan? Kurutin kaya kita sa abs?"

Itinaas ni Caleb ang braso at tinignan ang relo, "Jenna, look, it's getting late, let's go back in the car." mahinaahon nitong saad.

Napataas ang kilay ni Jenna, "may dumaan bang anghel at tinapik ito? Mukhang nagkaroon ng milagro at mahinahon itong magsalita."

Inirapan niya ito, "ayoko, kaya ko ang sarili ko." Pagmamatigas niya, "bumalik sa sasakyan mo kung gusto mo." Pinagsuklip niya ang kanyang mga braso. Pakipot muna kahit kaunti.

Caleb inhaled sharply, tila napipikon na ito sa pagmamatigas niya. "Fine," sumusukong sabi nito.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay, gusto niyang magtransform katulad ng kay incredible hulk. "Fine agad? Hindi man lang ako susuyuin kahit konti? Shet nemen yorme."

Gusto na ni Jenna na sapakin ang binata, kailangan niyang bumuwagin ang pride nitong sing tibay at haba ng great wall of China.

Tinalikuran ni Jenna si Caleb ng humakbang ito palayo.

Napabuga siya ng hangin, sabagay hindi naman siya natatakot maglakad sa madilim na kalsada. "Subukan lang nilang bastusin ang kagandahan ko at pagbabalian ko sila ng buto."

Napatampal siya sa noo, gusto niyang magpasundo kay Rj, pero na kay mayor pride pala ang cellphone niya.

"Ahhhhhhhhh!" Napatili siya ng bigla siyang umangat sa ere. Dahil abala sa pakikipagtalo sa sarili hindi niya napansina na bumalik si Caleb. Pumupurol na ata ang agent skills niya, "tengeneng puso naman kasi ito, nakaka-gg."

"Quiet, ang sakit sa tenga." Asik ni Caleb habang pangko siya.

"Ibaba mo nga ako, kayo kong maglakad, ano ba." Taliwas sa sinasabi niya ang gusto niya dahil hindi naman siya nagpupumiglas. Sa halip ay napapikit pa siya ng masamyo ang hininga nito "Malandi ka Jenna, bumigay ka na naman."

"Stop talking."

"May bibig ako di magsasalita ak-----!"

Naputol ang kanyang sinasabi ng bigla itong yumuko at pinatikom ang kanyang bibig sa pamamagitan ng mga labi nito.

"There, tumahimik ka din." Ngumisi si Caleb ng nakakaloko.

Nanlaki ang mga mat ani Jenna at napahaplos sa kanyang bibig. "Syet bitin, isa pa pleaaasse!"

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon