Chapter 11 - Movie Date

12.4K 151 23
                                        

"Girlies! we don't have classes nga daw pala tomorrow, san niyo gusto pumunta?" tanong ni Aria habang nag-aayos kami ng gamit namin.

"kila Chandriaaa!!" Lexi

umiling ako, "wag samin, pupunta dun yung mga friends ni kuya eh!"

"OMG! kila Chandria na talaga tayo bukas! period!" 

"We'll be there before lunch ha!" paalala naman ni Aria

Napakamot na lang ako ng ulo, "May magagawa pa ba ako?" tas nagtawanan kami.

nung dinismiss na kami umuwi na rin kami kaagad, PE kasi ngayon at syempre pagod na pagod kami. Basketball ba naman ipalaro saamin eh!

Habang naglalakad ako papuntang KU, may biglang nagcover ng eyes ko

"Kyaaah! who are you??" sabi ko sabay pinalo ko yung kamay niya

"Syempre yung gwapo mong bespren!" sabay ng tanggal niya ng kamay niya sa eyes ko

"May bestfriend ako, pero hindi naman gwapo yun eh! pangit pangit kaya nun!"

"Magapagsalita ka naman!!"

kinurot ko siya sa pisngi, "joke lang bespren kong pangit!!"

"Tara, uwi na tayo?" aya niya

"Ah kasi ano eh si kuya Nash yung kasabay ko, next time na lang"

biglang nawala yung smile niya, "Lagi naman eh, tampo na ko"

Ayos lang naman talaga kung siya yung kasabay ko pauwi, Pero pag kasi sakanya ako sumabay, hindi ko makikita si kuya Deej :(

"Basta bespren, promise next time talaga!" itinaas ko pa yung right hand ko

"sabi mo yan ah!"

tumango ako

"Sige, una na ako. ingat kayo!"

"sige, ikaw din" then nag wave na ako.

nung nakaalis na siya sinimulan ko na yung paghahanap kila Kuya Nash. Una kong pinuntahan yung tambayan nila, at nandun nga sila.

"Uy ayan ka na pala!" sabi ni kuya Nash, "Tara na mga bro! nandito na ang prinsesa!"

nagsitayuan naman yung mga barkada ni kuya, pero napansin kong wala si kuya Deej. asan na kaya yun?

SiblingzonedWhere stories live. Discover now