“Ay! Sorry Bess! Hihihi.” Grabe ‘tong Cielo na ‘to. Amazona talaga kahit kelan, muntik na nya akong patayin doon ah.

 

“O-okay lang.” sabi ko habang hinahawak-hawakan yung leeg ko, feeling ko pulang pula na. Nagulat ako ng bigla nyang hawakan yung mukha ko.

 

“Nandito kana talaga?”

 

 

“Hindi Bess, isa akong robot na ginawa sa Japan at inimport sa France at nag-panggap na si Shayne at umuwi sa Pinas.”

 

 

“Tama na Bess… Waley ka.” Sabi nya tapos umupo, tumabi naman ako sakanya.

Ang bait nyang kaibigan no? Di man lang tumawa kahit isang “Ha!” lang. -_-

 

“Eh!” sabi ko tapos hinampas sya sa braso. “Ikaw ah! Lumalovelife ka na!”

 

 

“Hindi man…” sumipsip sya sa coffee na hawak nya “Ikaw nga dyan e. Ang dami mong lalaki doon, si Zeke tapos si Jake.”

 

 

“As if! Ang sabihin mo naiinggit ka lang!” sabi ko tapos bumelat sakanya.

 

“Hindi ah! Meron naman akong Zan--“

 

 

“GOTCHA! Hahaha! Alam mo… Hindi naman kailangang itago kung ano man ang meron sa inyo. The feeling is mutual, halata naman sa inyo e.”  bigla syang namula sa sinabi ko. Hahaha! Bestfriend ko talaga! Nahihiya pa e alam ko na pati amoy ng utot nyan e. Hahaha!

Mag-sasalita pa sana kami kaso biglang sumingit yung waiter ng café restaurant, nakakainis! Sinisira ang moment namin. -__-

 

“May I take your order Miss?” ako tinatanong pero nakatingin kay Bess.

Hoy lalaki! Meron na syang ka-MU no! Kaya wag kang mag-tangkang landian ang Bess ko!

“I want this this and this and also that one.” Turo ko sa poster, bahala na sya mag-hula kung ano ang mga tinuro ko. Paano ba naman kasi, kay Bess nakatingin!

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Där berättelser lever. Upptäck nu