"Hindi nga sabi pwede." nawawalan na ng pasensiyang sabi ni Emmy sa kanila.

Kung pwede ko lang talagang bugbugin ang sarili ko ay ginawa ko na. Wala akong masabi. Wala akong magawa para ipagtanggol si Em. Wala din akong kakayahang tumanggi kila Robert. Sh*t!

"Alam mo Emmy inuubos mo yung oras namin e." sabi ni Robert na nakalabas na sa kotse niya. Double sh*t!

I could feel how Emmy tighten her grasp at my hand. Triple sh*t! I know I couldn't say no habang matamang nakatitig sa akin si Robert. That look that says I got nothing to do but to join them.

Ayoko man pero dahan dahan akong bumitaw sa kamay ni Em. Hindi ko na siya nilingon pa at tahimik na pumasok sa kotse. Napakawala kong kwentang kaibigan.

Agad akong nag-iwas ng tingin ng makita kong umiiyak na si Em. I was trying so hard to control my temper. I should be the one making her feel safe against any harm. But look! I was the one hurting her. Such a coward bastard! I should be the one wiping those tears! Ugh!

"Hey. Wala ka namang balak lagasin yang buhok mo ha?" sabi sa akin ni Robert. I didn't notice that I was hurting myself.

"What's with that look?" he asked me with his signature smirk.

"What!?" I answered. I was really losing my temper here.

"Woah! Chillax man. Hahaha!"

I just ignored him. He doesn't know how hard I try not to punch his face. Lalabas na sana ako ng kotse ng biglang pumasok na sa loob si Natalie. And Robert started the engine.

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Robert sa kanya. And I was curious that's why I glance at her only to see her wounded knees.

"Tinulak ako ng Emmy na yun! Look! Ugh! You know how much I take care of my skin! I go to spa and salon and all! Then.. Then.. UGH!" she burst out and I just pretended to look outside the window para pigilan yung tawa ko.

Mga babae talaga oh. Takot na takot magalusan at magkapeklat.

"Are you laughing at me!?" baling sa akin ni Natalie sabay hampas sa braso ko. Pinipigilan ko lang ang pag ngiti dahil baka hindi ko na mapigilan pa ang pagtawa.

"H-ha? Hindi ha. Pffft." pagtanggi ko habang nagpipigil ng tawa.

"OUCH!"

Hindi ko na napigilan ang tawa ko ng napasigaw si Natalie dahil binuhusan ni Robert ng alcohol yung sugat niya. Natigil lang kami sa pagtawa ng biglang umiyak si Natalie.

"Humanda kayo sa akin mamaya! Lalo ka na Robert! Hinding hindi talaga kita ipapakilala sa mga girl friends ko mamaya!" pananakot niya pa.

Their conversation go on and on and I was just starring at the window. Nakauwi na kaya si Emmy? Baka mamaya makasalubong nanaman niya yung itim na aso na kinakatakutan niya. Baka mamaya tumakbo yun at habulin siya. Nakakatawa pa naman ang itsura nun kapag natataranta.

Madilim na ng huminto ang kotseng sinasakyan namin. Pag labas palang namin ng kotse ay parang gusto ko ng umatras. Madaming tao na halos mga teenagers din kagaya namin. Nagkalat silang lahat sa mala-mansiyon na bahay na 'to. Marami ring sasakyan na nakapark sa labas.

Pag pasok namin sa loob ay sumalubong sa amin ang malakas ng tugtugin. I was observing the people around us at makikitang ang iba sa kanila ay lasing na. Ang iba ay nagsasayawan habang ang iba naman ay nasa may malaking swimming pool.

Just as I was admiring the structural design of the mansion ng may isang lalaking lumapit sa amin. Binati niya sila Natalie at Robert.

"Hey! Kamusta na bro?" tanong nito kila Robert.

CHASING DREAMSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt