Chapter 49 Voiced

Magsimula sa umpisa
                                    

Mom was just eating her meal silently tapos tumingin sya samin and gave off a faint smile.

"Sorry Dad." Sabi ni kuya Chad.

Si kuya Lance naman kanina pa kumakain pero hindi naman nababawasan ang nasa plato nya.

Then nagsalita si Mommy.

"Boys let us all be happy for Sarah. Maayos naman syang nakapag-paalam samin ng Daddy nyo kanina. She met with us."

"Sorry ulit Mom. Sinabihan mo pa naman ako na huwag syang hayaang umalis hanggang wala pa kayo." Sabi ni kuya Chad.

"Its ok Chad. She really wanted to leave already afterall. It can't be helped."

Gusto nya na talagang umalis?

Bakit?

Masaya pa naman kami kahapon diba?

"tsk." Biglang ingay ni kuya Lance.

Pagtingin ko sakanila kuya Lance, kuya Chad at kuya Zac, iba ang pakiramdam ko.

Ano bang nangyari?

Pakiramdam ko ako lang ang walang alam sa nangyayari.

Hindi naman basta-bastang aalis si Sarah ng ganon nalang.

Something happened.

"Isipin nalang natin na nagbabakasyon lang si Sarah. We will see her again." Sabi ni Dad, trying to live-up the mood.

"Tama ka Francis." Sabi naman ni Mom.

but Mom doesn't even look happy, she's just trying to.

"Nasan pala si kuya Erik?" Tanong ni kuya Chad.

"Ah tumawag sya sakin kanina, he will be having an urgent business meeting abroad in my place. Nag volunteer si Erik para hindi ko na maiwan ang Mommy nyo dito." Sabi ni Dad.

"Ano?"

Napatingin naman ako sa reaksyon ni kuya Chad.

"Bakit may problema ba Chad?" Tanong ni Dad.

"w-wala po Dad." At tumahimik na si kuya Chad sa kina uupuan nya.

"I'm done. Please excuse me." tapos ng kumain at tumayo na si kuya Zac.

"Oh Zachary I heard umalis ka ng maaga kanina. So hindi nadin nakapag-paalam sayo si Sarah." Sabi ni Dad.

Tapos ngumiti lang si kuya Zac.

Nang dumaan sya sa likod namin ni kuya Lance narinig ko syang nagsalita pa ng mahina.

"I don't care."

Pero hindi nayon narinig pa nila Mom at Dad.

Natigil ako sa pagkain ko sa narinig ko kay kuya Zac.

Ano bang problema nya kay Sarah!?

Then bigla na ding tumayo si kuya Lance.

"Are you done Lance?" Tanong ni Dad.

Pero parang walang narinig si kuya Lance na umalis.

"Lance--" tawag ni Dad pero pinigilan na sya ni Mommy.

"Sshh Francis.. hayaan mo na. Pasenysa na dahil kay Sarah--" and she was cut out by Dad.

"Its not Sarah's fault. Masyado lang sigurong na attached ang mga anak ko sa prinsesa natin. Wala akong problema don Marielle." Ani Dad..

At ngumiti naman si Mom in response.

Sana manatiling ganito sila Mom at Dad.

Sila kuya naman...

Alam ko kung bakit ganon nalang ang mga inaasal nila.

My Five Stepbrothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon