28- Mission: Courting Krystal Lee ♥

Start from the beginning
                                    

"Hi Krystal!" nagulat na lang ako ng umupo sa harapang upuan si pandak, kilala niyo na sino. Hinarap niya yung upuan sakin.

"Oh, bat di mo ata kasama yung dalawang itlog?" tanong ko sakanya. Ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"Busy yung mga yun.." sabi niya sabay ngisi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Teka, bat ka ba andito ha? Wala naman si Faye!" sambit ko at dinuro siya. Binaba naman niya yung kamay ko saka tumawa.

"Wala lang. May itatanong lang sana ako." sabi niya sabay taas baba ng kilay niya.

"Wow, sakin ka pa talaga magtatanong eh bobo ako. oo na, inaamin ko na kaya putangina wag mo ng ipamukha pa sakin!" mahaba kong pagkakasabi. Tumawa lang siya lalo.

"Wag ka magalala, hindi tungkol sa academics tong itatanong ko." sabi niya. Napahinga naman ako ng maluwag, eh sa ayoko talaga ng academics eh, pake niyo ba? Edi kayo na bida dito.

"Dali na." sambit ko at nagcross arms.

"Kung papipiliin ka, sino pipiliin mo, Jungkook o Taehyung?"

ABA PUTA

PUTA, sa lahat ba naman ng pwedeng pagpilian DALAWANG ITLOG PA?!

"Nagpapatawa ka ba?!"

umiling naman siya agad at ngumisi lang. Tong putang to!

"Wala akong pipiliin kaya shut up ka na lang!"

"Ako kaya!" biglang sumingit ang snob kasi peymus na si L. Aba puta kanina kinakausap ko tas ngayon biglang eepal?! Kapal ng muks ha.

"Shattap hoy. Peymus ka diba? Wag kang makisali sa usapan ng mga bobo!" sabi ko

"Teka, bobo din pala ako?" sabi ni Jimin.

"Di mo alam?! Nak ng." sabi ko at tiningnan siya ng di makapaniwala. Siya lang yung bobo na di alam na bobo pala siya.

"Feeling mo honor ka? Edi wow!" sarkastiko kong sabi.

"Hard mo stallie!" inirapan ko na lang siya.

"Sama mo talaga." sabi ni L at nagpout.

"Wag ka nga, hilain ko yang nguso mo dyan eh. Tsaka snob ka diba?!" sambit ko.

"Stallie sagutin mo na tanong ko!" sambit ni Jimin.

"Ayaw que nga, may sweldo ba yan? Wala diba?"

"Eeeh! Parang pagsabi lang kung sino eh!" sambit ni Jimin sabay kamot ng ulo niya.

"Alis ka na dito, shoo!" pagtaboy ko sakanya pero di na siya umalis. Saktong dumating si Faye kaya nagbangayan na lang rin sila.

"Hi Krystal!" bati ni Ashley kaya tinanguan ko lang siya.

"Ano bang meron dito?" tanong ko dahil mukhang si Ashley lang ang matinong kausap rito.

"Ah, school festival ngayon. Absent ka kasi noon kaya di ka nakaabot sa mga plano. Kaya wala yung ibang kaklase natin dahil hinahanda nila yung booth natin." pagexplain ni Ashley. Tumango na lang ako. School festival pala ngayon? Di man lang ako nainform.

Kaya naman pala walang titser eh.

Busy ako sa pagsusulat ng kung anu-ano sa likod ng notebook ko ng may biglang tumunog sa intercom ng school. Huh?

Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)Where stories live. Discover now