For 5 days ganoon lang routine namin ni Dan at ngayon ang last day na morning shift kami at magpapalitan na.
Maagang pumasok si boss kaya nagpapakabusy na naman kami sa department para hindi mapagalitan.
"Sino sa inyo pwede mag-akyat nito sa 7th floor?" Sasagot na sana ako pero nauna ng lumapit si Dan kay boss. "Ako na po ma'am"
"Sige dito ka nalang muna ha? Ba-bye!" Sabay kindat niya sakin. Binelatan ko nga. Napakaduga! Tumatakas lang kasi yon sa mga gawain kasi for sure uutusan at uutusan kami ni boss kapag nasa department kami.
Humanda sakin mamaya tong mokong na to. Arg!
After 15 minutes bumalik si Dan at binelatan ako. Bwisit!
"Ano yan? Anong pinapagawa?" Sabi niya nung matapos ang gagawin niya.
"Wala maduga ka! Secret! Bahala ka diyan!"
"Hahahaha! Hindi kaya!"
"Heh!" At nagtawanan kami. Hindi nagtagal kaming dalawa na yung gumagawa kaya natapos din namin agad.
"Ay nakalimutan ko! Meron pa palang iaakyat." Eh saktong malapit ako sa table ni ma'am kaya ako na yung unang nakalapit. Yehey!
"Gusto mo ako nalang?" At may pang-asar na ngiti. Inirapan ko naman siya.
"Ah sige Dan ikaw nalang, Kacey ikaw na ang maiwan dito at tulungano mo ang mga staff dito." Sabi ni boss kaya wala na kong nagawa pa.
"Sige po ma'am." At inirapan si Dan habang siya may nakakalokong ngiti. Hindi ko alam kung nagpapakagentleman lang ulit siya o tumatakas na naman. Hmp!
Pagkababa ni Dan may inutos ulit si ma'am, "Ay last na! May papaxerox pala ako."
Grabe talaga tong si ma'am parang baril na sobra makaratrat ng utos. "Sige ikaw naman." Sabi ni Dan sakin. Gusto ko sanang asarin na 'Oh ano? Kala ko ba gustong-gusto mo to tapos ipapasa mo saken ngayon?'
"Ah sige po ma'am ako na po. Aling part po ba dito ang ipapaxerox?" Matapos ang iilang instructions e umalis na ko.
Busy sa department dahil malapit na rin namin matapos ang mga gawain namin kaya tinatapos na namin lahat.
"May baon ka bang bottle diyan?" Tumango ako bilang tugon kay Dan at ipinagpatuloy lang ang ginagawa ko.
"Ok lang na makiinom?" At dun ako napalingon. Taray! Instant friendship na rin kami ni Dan sa loob lang ng 5 days? Sabagay he's easy to get along with naman.
Binigay ko yung bottle ko na ininuman din ni Chloe. Laptrip kasi sa iisang bottle lang lahat kami umiinom.
"Hahahaha! Hawa hawa na tayo sa sipon nito." At dun kami natawa kasi saming tatlo siya lang may sipon.
"Arte nito hindi yan!" Nakakatawa kasi kaartehan niya daig pa kaming mga babae parang bading. Hahahaha!
"Tapos na ba kayo diyan? Marami pa akong ipapagawa sa inyo." Grabe talaga si ma'am parang di napapagod.
"Ok po ma'am." We all said in unison.
"Oh kung ganon kumuha na kayo ng kahit anong masusulatan niyo or notebook nalang para maayos ang susulatan niyo para sa susunod niyong task."
Isa-isa kaming bumalik sa locker room para kumuha ng masusulatan pero mukhang beastmode si ma'am.
"Bawal ang papel! Sabi ko notebook kasi....." At sinimulan niya ang kuwento niyang pang-MMK.
Kahit time na kaming morning shift at naabutan na ng afternoon shift eh tuloy pa rin siya sa kuwento niyang pang-MMK. Grabe ka ma'am ibang klase ka talaga!
"So ok na ba may tanong pa ba kayo?" Iiling na sana kaming lahat pero may naitanong pa si Chloe sa kanya. Huhuhu! Inaantok na po ko.
"Nakapag-extend na tayo ah? Dapat kanina pa tayo uwian." Bulong ni Dan at napangiwi-ngiwi na kami. True!!! Kaya tumango-tango bilang tugon.
"So ok na? Uwian na pala ng morning shift sige bukas nalang ulit." At tuluyan na siyang umalis. Haay salamat.
"Tara! Kacey! Bilis uwi na tayo!" Yiieee! Naks naman nasanay na rin siyang sabay kami umuuwi hindi lang ako. Kilig! Joke! Hahaha.
Oo aaminin ko naging crush ko siya ng isang araw tapos nung nainis na ko sa kanya eh di na. Joke! Hahaha. De parang gusto ko na siya maging tropa nalang kasi feeling ko wala rin naman akong pag-asa sa kanya kasi ang mga tipo niya eh si Airielle.
Eh kung ipagkukumpara si Airielle at ako? Isipin mo nalang ang pinagkaiba ng expectation sa reality. Gets?
Hindi naman sa masyado kong binaba yung sarili ko at nagpapakahumble let's just say that after all of the experiences, narealize kong baka nga hindi ako worth it mahalin. Wews. Hahaha!
"Payong mo muna?" Paalala niya bago kami makalabas ng building. Nakasanayan na rin namin to ah?
Yung siya yung magpapayong tapos mag-uusap kami habang naglalakad papunta sa sakayan. Hayyss. Buhay single hanggang imahinasyon nalang ang lahat.
"Grabe sobrang tagal nun ah parang buong buhay na niya ata yung kinuwento niya."
"Hahahaha! Oo nga eh!" Pagsang-ayon ko naman sa kanya at nakitawa.
Ang bilis ng araw akalain mong last day na naming magkapartner? Masaya talaga siya kasama infernes kahit bipolar minsan at hindi gentleman minsan eh ayos lang.
Laptrip naman siya kasama eh. "Sige ingat ka ah? Bye!" Paalam ko sa kanya.
"Bye! Ingat ka din!" At kanya-kanya na kaming pumunta sa aming mga paroroonan.
Kinabukasan ako na yung mid-shift at hindi na ko gigising ng maaga. Yay!
Kaso ang ayoko lang sa mid-shift eh sobrang init kapag bumibiyahe. Pagpasok ko pakiramdam ko sobrang dugyot ko kahit kakaligo ko lang.
"Hi Claire!" Bati agad sakin ni Derrick, Laila at Chloe pagpasok ko. Ang weird pa rin talaga kapag tinatawag ako sa second name. Hehe.
"Hi!" Masigla kong tugon sa kanila. Maaga pumasok si Chloe ngayon kasi aatend kami ng orientation.
As usual naging busy ulit sa department kaya hindi namin namalayan na lunchbreak na namin.
Para maiba kumain naman kami sa mall at manlilibre daw si Chloe.
"Kamusta kayo ni Dan?" Nagulat naman ako sa tanong ni Laila kaya matagal ako bago makasagot. What? Kayo daw? Meaning kami? Pero walang kami di ba?
Paranoid ka Kacey! Nangangamusta lang. Assumera talaga to!
I throw my second thoughts away bago sumagot, "Ah ok naman."
"Instant bestfriends na siguro kayo noh? Baka mamaya niyan kayo na lagi magkasama hindi na ni Chloe."
"Hahahaha! Hindi noh. Grabe siya." At nakitawa na rin ni sila Derrick at Chloe.
Phew! Kinabahan ako dun ah.
YOU ARE READING
It's Game Over [KN]
Teen FictionAn upside-down story of two people who started a game with their own hearts. Will they ever reach the finish line? Or one of them will say it's finally 'Game Over.'
![It's Game Over [KN]](https://img.wattpad.com/cover/2107054-64-k108985.jpg)